32: Medal For You

1 0 0
                                    


***

Cary POV

Nawala na naman si Khiya— saan na naman kaya nagsuot ang babaeng yun?

Nag-text na ako sa kanya na tapos na yung game, wala man lang siyang reply. Nangyari na dun, pinasok ko na din ang ladies room. Wala naman siya.

Dapat naghahanda na ako para sa game namin mamayang hapon, pero heto ako aligagang hindi mapakali kakaisip kung nasaan ba ang pekeng pinsan ko— kaasar naman kasi! Kung bakit binigla nila kaming ngayon na din yung laban namin, wala namang problema yun at lagi naman akong handa, ang problema ay kung kelan pa na hindi okay yung isa!

Khiya naman eh. Where na you ba?

"Ay gago!" medyo napaatras ako dun ah.

Bakit kasi biglang may  sumusulpot kung kelan baling ko ng tingin sa likod!

"Gago na pala ako ngayon" agad na nanlaki yung mata ko sa gulat ng ma-bosesan siya.

"I... Ianne? Ah— hindi yun ahm..." haistt.

"Ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ah... hinahanap ko lang si Khiya" sagot ko naman.

"Si Kyi? Bakit? Anong nangyari?" hala, baka ma-corner ako ng tanong ni Ianne, nag-promise na ako kay Khiya na wala ng ibang makakaalam nung nangyari maliban sa aming dalwa.

"Wala naman... hinahanap ko lang, bigla kasing nawala" dahilan ko.

"Sure ka? Napapaisip pa rin ako sa nangyari kagabi, may dapat ba akong malaman?" amp, hindi ako pwedeng mahuli nito.

"Ah... yun ba? Wala lang yun. Nagpatulong lang sa akin si Khiya na umalis na, wala na daw kasi siya sa mood at inaantok na" hindi ko alam kung lulusot ba yung pinagsasabi ko.

"Talaga? Tsk... bakit parang hindi naman ganyan ang gagawin niya... you know what I mean"

Waahh! Khiya! Mag-show up ka naman sana, ako na ang naco-corner dito ng kambal mo!

"Yun lang yun, promise— sige na, una na ako. Maghahanda pa nga pala kami para sa game"

Sana makalusot na ako at talagang hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya, ayaw ko namang mainis sa akin si Khiya kapag nagsalita ako tungkol sa nangyari kagabi.

"Saglit... " bakit ba ang hirap takasan nito.

"Hmm?" balik ko.

"Hindi pa ako tapos kausapin ka" wala man lang bang e-extra diyan, please lang.

"May sasabihin ka pa ba?"

"Okay ka lang? Mukha kang kabado" inayos ko naman yung sarili ko, napaka-halatado ko naman pala.

"Hindi ah... wala ka na bang sasabihin— "

"Iniiwasan mo ba ako?" natigilan ako bigla sa tanong niya, medyo lumalim kasi yung boses siya.

"H-Hindi ah... bakit naman kita iiwasan" kahit nga yata anong gawin kong iwas, hindi ako makakatakas basta sayo.

"Goods" napatitig ako sa sapatos niyang biglang humakbang palapit sa akin.

Teka... bakit siya nalapit? Anong— natigilan na lang sadya ako ng saktong pagangat ko ay naramdaman ko ang pagdampi ng daliri niya sa leeg ko habang sinusuot sa akin yung— medal?

Medal niya!

"Teka para— " balak ko sanang alisin yun sa leeg ko ng magsalita siya.

"Bagay naman pala sayo"

Secrets in Disguise Where stories live. Discover now