15: Partner

2 1 0
                                    

***

Razzell POV

Hindi ko inaasahang mauulit na namang bumagsak ako dito sa dean's office ng dahil na naman sa kanya. Bakit ba hilig niya akong lapitan. I try to ignore him for our own peace and yet he's always dragging me out for a fight.

"I never expected that you both will be here again, akala ko ba okay na kayo?" saan nakuha ng dean na toh yung balitang yun?

"Sinong tangang nagsabi sa iyo na okay kami ng gagong yan?" tss, ano pa nga bang aasahan ko ng sagot sa kanya.

"Mr. Padillo! Where's your manners? You are right here in front of me!" hindi makapaniwalang sigaw nito sa kanya.

"Stop acting like you haven't used it, Dean" singit ko sa usapan.

"Tch. Will you stop acting like you're the good one here"

"I'm not acting like one"  paglilinaw ko sa kanya.

"Enough! Hindi ba kayo maalam mahiya? Anong sasabihin na lang ng tatay niyo ha?"

Pareho na lang kaming napasandal sa upuan, bakit ko ba laging nakakalimutan na stepbrother ko nga pala ang tarantadong sumuntok sa akin.

For sure kapag nalaman na naman ni Papa ito, pipilitin na naman n'yang magkaayos kami o kung hindi man ay may mga bagay na ipagbabawal o kukunin s'ya mula sa amin. That's the cycle.

"Mr. Dean, may I excuse?" and here comes out adviser.

"Mrs. Gracias, sakto yung dating mo"

"May—teka... why they're here again?" bakit ba nagugulat pa sila na nandito na naman kami.

"As always" hindi na nasanay ang teacher na ito.

"Maaga yata akong mapapaanak sa mga estudyante ko" we almost forgot, she's pregnant

"Mukha nga, bukod sa dalwang ito may nakisali pa" napakunot noo naman ako sa sinabi ng Dean

Napataas ako ng kilay ng biglang pumasok mula sa pintuan sina Jhaya, Leigh, Cary at si panget? Anong ginagawa ng apat na toh dito?

Anong nangyari sa kanila?— sabog sabog na buhok, magulong damit at may mga kalmot din sila sa katawan. Don't tell me they fight?

"What kind of mess did you do?" isa isa naman silang napayuko maliban lang sa isa, edi sino pa ba.

"Sorry for causing trouble, Mr. Dean... but I want to tell you in advance that it was not our intention to drag ourselves into some nonsense cat fights. It's just they started it first so we have no choice but to defend ourselves" ibang klase rin talaga ang babaeng ito.

Napaawang na lang ang labi ng Dean pati na rin ni Mrs. Gracias sa sinabi niya, maging yung tatlong kasama niya ay natahimik sa sinabi niya.

"Wait... so you're telling that we started it first?" biglang apela ni Jhaya.

"Kayo naman talaga yung nagsimula di'ba?" teka lang, tama ba itong naririnig at nakikita ko?

Akala ko nag-awat lang si Cary sa away ng dalwang kaibigan n'ya at ng pinsan n'ya, bakit mukhang kasali din s'ya sa away.

"Watch your words Carysse, 'wag kang makialam na na—  "

"Dakilang epal ako di'ba? So makikialam ako"

Ako lang ba? O talagang may banggaang nagaganap sa kanila. Tanginang yan nawala lang ako ng isang araw may nangyari na palang ganito ng hindi ko man lang nalalaman.

Secrets in Disguise Where stories live. Discover now