14: It's a Bitches Fight

1 0 0
                                    

***

Razzell POV

"What's with that face?" nagtanong pa talaga siya.

Masamang tingin ko s'yang nilingunan.

"It's all your fault" hindi ko malilimutan yung ginawa n'ya!

Kung hindi lang sana sya naging madamot kanina dun sa store edi sana hindi kami pinalabas nung may ari. Ang ending tuloy pareho kaming walang nakuha.

"Psh, I took it first naman talaga eh" eto na naman s'ya, pinipilit yung side n'ya.

"I don't care, ang sa'kin lang bakit kailangan mo pang magdamot!" mabuti sana kung s'ya lang yung nawalan, ako din.

"Don't be so childish, I didn't want it— "

"Yung chocolates ko!" paano na ako gagaling.

"Aissh, I'm sorry okay" nag-sorry pa s'ya, hindi naman sincere.

"May magagawa pa ba sorry mo? Wala na! Wala! Bakit kasi— "

"I'm craving for chocolates" pagdadahilan n'ya.

"Ano yan buntis ka at naglilihi?"

"I'm not!" react n'ya agad.

"Alam ko, wala rin namang magbabalak na buntisin ka"

"You! Bastos!" sigaw niya at walang awang hampas sa balikat ko— hindi lang paa niya yung bakal pati din yung kamay niya.

"Aray! Aba hoy! Kapag ako nabinat ikaw sisihin ko at wala ng iba" ang bigat ng kamay niya, kawawa naman yung balikat ko.

"I don't care! Ang bastos mo eh"

"Tss! Bwisit kasi! Gusto ko ng chocolates!" hindi ako mag-momove on sa chocolates ko, kailangan ko yun para gumaling.

"Hey, it's just a chocolates— " masama ko s'yang tiningnan

"It's not just a JUST, chocolates is my own medicine nga sabi!"

"Since when? I never knew that chocolates now
can be considered as medicine" inosenteng sabi n'ya,

Seryoso ba talaga ang babaeng ito? Ang slow n'ya talaga minsan, napapaisip ako kung may utak ba talaga s'ya?

"What? Why are you looking me like that?"

Napasinghal ako sa kanya, "Napapaisip ako kung nasaan ba yung utak mo minsa— aray!" anak ng tokwa! Nakakadalwang hampas na ang panget na toh.

"Hoy panget! Hindi porke may sakit ako eh pwede mo na akong hampasin ng paulit ulit!" abusada ang babaeng ito.

Napakunot noo ako sa reaksyon ng mukha niya, para syang tangang pinaningkitan ako ng tingin, katakot ah. Pakiramdam ko tuloy may masamang nilalang na nakatingin sa akin.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan, hindi mo ba alam kung gaano ka nakakatakot ha— " natigilan ako ng bigla n'yang ilagay yung palad n'ya sa noo ko ng walang pasabi.

Sa gulat ko ay hindi agad ako nakapag-react sa ginawa niya, napatingin tuloy ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin, nakakunot noo n'yang nilagay yung isa n'yang kamay sa noo niya na parang pinagkukumpara yung temperatura naming dalwa.

Gago? Bakit hindi ko magawang magsalita? Biglang urong yata yung dila ko sa ginawa niya, tangina? Anyare? Bakit natulala ako bigla sa kanya? Bakit biglang bumilis yung kabog sa dibdib ko? Ito na ba yung epekto ng hindi ko pagkain ng chocolates?

"May sinat ka nga" bumalik ako sa katinuan at agad na inalis yung kamay niya sa noo ko.

"Para saan yang paghawak mo pa sa noo ko? Baka mamaya lalo akong magkasakit sayo"

Secrets in Disguise Where stories live. Discover now