16: The Twins

1 0 0
                                    

***

Cary POV

"Leigh!" sigaw ni Jhaya ng biglang tumakbo paalis si Leigh.

"Anong meron?" nagulat na lang ako ng bigla na lang hilahin ni Drix si Khiya mula sa pagkakahawak ko.

"Don't worry he's just going to ask him something" ask? About saan?

"Bakit ba puro drama ang meron dito? Tsk" iling na sabi ni Fryanz at akmang alis sana ng lapitan s'ya ni Lian.

"Gamutin mo muna yung sugat mo" ngayon ko lang napansin na puro pasa at sugat pala talaga ang meron itong sina Fryanz at Razz.

"Pumunta ka na rin sa clinic Razz, magsama na kayo" sabi ni Cole sa dalwa na agad namang nagpasinghal sa kanila.

"Samahan mo sila Jhas" utos ni Ianne dito.

"Mas gugustuhin ko pang 'wag na lang magpagamot kung kasama s'ya" alis na sabi ni Fryanz.

"Fryanz...  " balak pa sanang habulin ni Lian ito ng pigilan s'ya ni Jhas.

"Hayaan niyo s'ya, hindi ko rin naman gusto na makasama siya"

"Let's go, Razz" ang ending sina Raz at Jhas ang magkasama papuntang clinic.

Si Khiya! Naalala kong kailangan n'yang magpalit at magamot— sa aming dalwa s'ya yung mas nasugatan. Ano kayang kailangan ni Drix sa kanya?

"Saan punta mo?" hawak ni Ianne sa palapulsuhan ko para pigilan akong humabol kina Khiya.

"Kay Khiya, baka— "

"Cole, Lian... kayo ng bahala kay Khiya" pinagkunutan ko naman s'ya ng noo.

"Huh? Teka! Kailangan ako ni Khiya— "

"Nakikita mo ba yung hitsura mo ngayon? Ang dami mong sugat oh" turo n'ya sa mga kalmot ko

"Ayos lang ako, mas kailangan ni— "

"Sumama ka na lang sa kanya Cary sa clinic, ako na bahala sa girlfriend ko" kindat na sabi ni Cole sa akin— so they need to act for the show?

"Don't worry about her, you also need some treatment" ngiting may kahulugan naman ni Lian, kaya napalingon ako kay Ianne na hawak hawak pa rin ang palapulsuhan ko.

Anak ng! Mali na naman sila ng iisipin.

"Hindi, okay lang ako!" bawi ko sa palapulsuhan ko.

"Sumama ka na kay Ianne, siya ng bahala sayo kami ng bahala kay Khiya" talagang tinulak pa ako.

"Cole will treat her girlfriend and I need to treat Leigh and Jhaya too, so Ianne will treat you"

"Ha? Kaya ko namang gamutin yung sarili ko— "

"Tara na" biglang hawak n'ya sa kamay ko, putangina! Napatingin tuloy ako sa kamay niyang sinakop yung palad ko.

Iiwasan ko nga s'ya di'ba. Bakit ba nalapit na naman siya sa akin?

Aishh!

Parang nung isang araw lang ako yung gumagamot sa sugat niya tapos heto s'ya ngayon ako naman yung ginagamot.

"Ahh" nanadya ba s'ya?

"Masakit pala" napatingin ako sa kanya

"Natural masakit talaga yan" okay ba siya?

"Alam mo naman palang masakit pero nakipag-away ka pa rin" taas niya ng tingin sa akin, kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

Hindi naman talaga ako pala-away, nalaban lang talaga kapag nasa lugar ako at hindi ko naman inaasahan na gagawin ko ulit ito sa mga kaibigan ko pa talaga.

Secrets in Disguise Where stories live. Discover now