***
Khiya POV
I'm okay, I guess? Or maybe not. I need to prepare myself again, kapag nakita ko na naman silang magkasama.
Papasok na sana ako sa loob ng apartment ng makita kong dumaan yung car ni Ianne. I thought na bigla siyang susulpot, but no sign of him. It was only, Cary.
"Cary?" I called her.
"Khiya? Nandyan ka na pala" I furrowed to her reaction, it looks like she is in her deep thoughts, only awakened by my sudden call.
"Yes... you eat na? I have a bucket meal" thanks to that annoying guy, pinagbigyan niya akong bilhin yung isang bucket meal.
"Ah... kumain na ako"
"I see... how about a drink? Umiinom ka ba?"
###
Cary POV
Hindi ako nagiinom pero nung inalok ako ni Khiya, sige agad ako. Siguro ganun talaga kapag may problema. Idadaan na lang sa inom.
"Ang sosyal ng pulutan natin, chicken joy" natatawang sabi ko sa kanya.
"Hey, don't tell me. You're already drunk, isang shot pa lang yung ininom mo"
"Gagi, hindi pa, mga three shot" pinakamarami ko na yatang shot ay lima, then after nun tulog na ako.
"You sure about that ha"
"Nga pala, bakit bigla kang nag-aya ng inom?" ito yata yung unang beses ko siyang makita na nainom, hindi ko kasi na-imagine yun sa sobrang inosenteng face na meron siya.
"Hmm... to chill out?" sagot niya bago uminom ulit.
"Dahan dahan lang, baka mamaya mauna ka pang bumagsak sa'kin" nakakailang shots na kasi siya.
"Pftt! Don't worry, I'm used to this. Alak is always my comfort back in America" may halong pait na sabi niya.
"Okay ka lang?" biglang naging malungkot yung ngiti niya sa akin, kaya pakiramdam ko may mali.
"Why? Am I look like not?" pinaningkitan ko naman siya ng tingin, ngayon ko lang napansin yung pungay ng mata niya, hindi ko kasi ganung kakita nung naka-disguise siya, kapal ng bangs eh.
"Umiyak ka ba? Anong nangyari?"
"Pfft! You just noticed it now? Bakit siya agad niyang napansin?" bulong nito, sakto para marinig ko.
"Napansin, nino?"
"Hey, Cary. Can I ask you a question, but of course, with a honest answer from you?" bigla tuloy akong kinabahan sa magiging tanong niya.
"Oum"
Tahimik akong napatingin sa kanya na nilalaro yung alak sa baso niya, bago siya nagtaas ng tingin.
"What do you think about... Lian and Jhaster?" napakunot yung noo ko sa tanong niya, yan yung tanong na hindi ko inaasahang itatanong niya.
"Hmm... maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayo na matagal ng may gusto si Lian kay Jhas, ewan ko lang sa side ni Jhas" halos lahat yata sa circle of friends namin pansin yun kay Lian, yung tinginan at ngiti pa lang niya kay Jhas noon pa lang, alam mo na, hindi ko alam kung randam yun ni Jhas o manhid lang talaga siya.
"Pero you think, there's a chance that he might like her too?" napaisip naman ako sa tanong niya.
"If it was Lian, big yes. Lahat yata na kay Lian na, and dun pa lang sa part na siya ang School Princess, swerte na siya." nakuha ni Lian yung title na yun nung grade 10 kami, super ganda niya talaga noong naging cover siya ng magazine ng campus.
![](https://img.wattpad.com/cover/259342972-288-k139046.jpg)
YOU ARE READING
Secrets in Disguise
RandomShe's Kyianna by her true personality but forced to be Khiya to hide her identity. Her two-faced character makes it hard not just to hide who she was but also to conceal her unsettled feelings for someone she can't get over with. Many new faces an...