***
Razzell POV
Nasaan na yung panget na yun? Pinaalala ko naman sa kanya na may practice kami- kahit hindi ko alam kung nakinig ba siya.
Kalahating oras na akong naghihintay, galit pa rin siya? Iba din talaga ang attitude ng panget na yun. Gusto ko sana siyang tawagan kaso naalala ko wala nga pala akong number niya, kung chat naman hindi ko alam account nun sa social media at kung alam ko man masyadong mataas yung pride ko para mag-first move sa kanya.
Asa!
Wala akong ibang choice kundi ang hanapin siya ng mga 5 minutes- kung hindi ko siya makita within that minutes, bahala na siya.
Kaso nabati ko yata dahil paglabas ko sa may gym agad ko siyang namataan- teka lang saan punta niya? Balak pa niya yata akong takasan.
"Hoy panget!" buti na lang at wala ng masyadong estudyante.
Akala ko lilingon na siya pero parang tumawag yata ako sa bingi, diretso lang siya sa paglakad palabas- haistt! Bakit ba ako naghahabol sa kanya? Kasalanan talaga ito ni Ianne. Sa lahat ng ipa-partner niya sa akin ito pang babaeng ito.
Iling na lang akong lumakad papunta sa kanya.
"Hoy panget, tinatawag kita. Hindi mo ba rinig?" lapit ko sa kanya.
Para lang akong kumakausap sa hangin talaga, hindi man lang siya pumalag, haysst. Bakit ba ang hirap ng babaeng ito? Kaya humarang na ako sa daan niya, bago pa maubos pasensya ko.
"Panget, kung galit ka sa akin, 'wag ka munang ma-pride ngayo- " hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng mag-angat siya ng tingin.
Shit. What happened to her? What's with the teary eyes?
"Panget...? "
"Yes! Galit ako! I'm freaking galit! Galit na galit!" what the hell? Nagitla ako sa biglang sigaw nito pero mas nagulat ako sa pag-iyak niya.
"Hindi ko naman- "
"Why?! I was supposed not to be mad over a small thing but I can't. I'm mad. Nagagalit ako!" napatulala ako sa sinabi nito lalo ng bumaba siya at napaupo sa daan habang iyak ng iyak.
Damn it. Ito yung unang beses na makita kong siyang umiiyak ng ganito. I don't know why I felt something heavy in my chest na parang hindi ko siya gustong nakikitang ganito. Siguro dahil ayaw ko na nakakakita ng babaeng kilala ko naiyak sa harapan ko mismo.
And... why this scene seems familiar?
"What did I do wrong ba? Ano bang mali sa akin?"
That question hits something in me. Ah... I remember why, I already saw something like this scene before.
"I hate it. I really hate it"
Kusa akong yumuko para pantayan siya. Napatingin lang ako sa kanyang wala pa rin na hinto sa pag-iyak, hindi na din pantay yung salamin niya.
"Why? Tell me why... " napakuyom ako ng kamao.
Is she crying because of what happened yesterday? Dahil ba sa ginawa ko? Mas lalo lang akong na-guilty. I saw it. Kita ko kung paano siya atakihin ng mga bashers sa comment section pati na din sa mga posts nila. Masyado yata siyang naapektuhan dun.
"Hindi ko gusto yung nangyari... " I shouldn't have done that, I hate her attitude but it doesn't mean I have the rights na gawin yun sa kanya. Damn.
YOU ARE READING
Secrets in Disguise
RandomShe's Kyianna by her true personality but forced to be Khiya to hide her identity. Her two-faced character makes it hard not just to hide who she was but also to conceal her unsettled feelings for someone she can't get over with. Many new faces an...