44: A Kiss and A Team

0 0 0
                                    


***


Razzell POV

Tulala pa rin akong nakaupo sa may labas. Ang aga ko bumangon— 5:30 am!

Hindi ko alam kung dapat na ba akong bumalik sa tent namin at baka interviewhin ako ni Cole kung saan ako natulog dagdag mo pang nandun si Fryanz, isa pang sakit yun sa ulo.

Mukhang na-trauma yata talaga ako kay Ianne at Cary, paano ako nito mamaya— lintek na 'yan.



"Hey... "

"Huwag ngayon panget, iniisip ko kung paano magkaroon ng amnesia ng hindi sinasakripisyo ang ulo ko" sabi ko dito na tulalang nakatingin sa unahan.

Kailangan kong malimutan yun!

"What?"

"Dun ka muna sa far away, panget. Hayaan mo mamaya na kita aasarin. Pahinga muna ako"

Nakakatamad mag-isip ng iaasar sa kanya baka masakal na naman— bigla akong nakaramdam ng kuryente kaya agad akong napalayo.

Tangina— ano bang meron ang kamay ni panget at nakakatakot ng dumampi sa balat ko.

"Ano na naman? Paawat ka muna" hawak ko sa leeg— hindi pa nga nakaka-move on yung leeg ko.

"Tss... did you get that... because of me?"

"Kanino pa? Para namang sasakalin ko yung sarili ko" balak pa yata niyang dagdagan.

Isa pang trauma sa buhay ko itong si panget, kung ano ano ng ginagawa niya sa akin— malapit na niya akong mabaliw.

"Pssh" napakunot ako ng noo sa kanya ng bigla siyang umupo sa tabihan ko, kaya agad naman akong lumayo— ano naman?

"Ano bang kailangan mo sa akin ng ganito kaaga?"

"Close your mouth, ang aga mong magdaldal" seryosong sabi lang nito habang— first aid kit?

Kanina pa bang dala yun? Hindi ko napansin.

"Come here"

"Ano na namang ganap mo?" naguguluhang sabi ko sa kanya.

"Baka kunyare gagamutin mo ako tapos— "

Napalayo na lang ako ng siya na mismo yung lumapit— shit.

"Just shut your mouth"

Hindi ko alam kung bakit biglang natikom yung bibig ko at hinayaan lang siya na i-dampi yung cotton buds sa leeg ko.


"Nakoko— aww. Gagamutin mo ba talaga ako o balak mo akong doblehan?" ang hapdi.

"I'm not, okay? I didn't know naman kasi na ganito mangyayari sa leeg mo" bakit tunog kasalanan ko pa.

"Bakit kasi nanakal ka bigla? Parang laki ng galit mo sa akin, grabe ka na sa'kin, panget" reklamo ko sa kanya.

Secrets in Disguise Where stories live. Discover now