***
Razzell POV
"Ahhhh!" napatayo ako bigla ng sumigaw si panget— saktong tayo ko saktong hila niya sa damit ko.
Anak ng!
Ang ending tuloy pareho kaming nalaglag ng wala sa oras sa swimming pool! Anong trip bigla ng panget na ito at nandadamay!
"Shit— hmm!" pag-ahon ko ng mukha, napatingin agad ako kung nasan siya— gago! Hindi pa yata marunong lumangoy ang babaeng ito— lubog!
Kinabahan ako sa kanya kaya mabilis talaga akong pumunta sa pwesto niya— hinila ko agad siya mula sa bewang para makaangat sa tubig, tsaka siya dinala sa may gilid ng pool para dun umalalay yung isa kong kamay.
"Panget, ayos ka lang?"
Bakit hindi siya nasagot? Gago! Buhay naman siya noh.
"Panget, hoy— " napapikit na lang ako ng bigla siyang namulat at binugahan ako ng tubig sa mukha.
Anak talaga ng—
"Oh my gosh!... I... thought... mamatay na ako" habol hininga niyang sabi bago yumakap yung braso niya sa leeg ko, ang laking pahirap talaga sa buhay minsan ng babaeng ito.
"Okay ka na? Salamat sa akin ha" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"It was my feet's fault!" parang bata niyang reklamo.
"Tatalon talon ka sa pool, mandadamay pa, tapos hindi ka pala marunong lumangoy" aatakihin ako sa kanya kapag talagang nalunod siya.
"I know how to swim!... It's just... namanhid bigla ang feet ko" habol hininga pa rin niyang sagot habang nayakap sa leeg ko.
"Mahuhulog ka na lang, talagang dinamay mo pa ako"
"It's was just you were there, and I have no one to hold" kahit sa bingit ng kamatayan nagagawa pa rin niyang magsungit.
"Oo randam ko nga, feel na feel mo na namang yakapin ako" ngisi kong sabi sa kanya.
Saktong tingin ng mata niya sa akin ay saktong salubong din ng mga mata ko. Ngayon ko lang napansin na wala na pala siyang suot na salamin, nalaglag siguro sa pool— mas malapit at mas kita ko mismo yung mukha niya.
I just came into realization again that she's not that ugly at what she appears to be. Talagang natatakluban lang ng makapal na salamin at bangs yung mukha niya, cute naman pala talaga siya, masyadong inosente ng mata kapag hindi nagtataray— the heck. What am I even thinking? Pinupuri ko ba siya? Nababaliw na yata ako.
Agad namang nanlaki pareho yung mga mata namin, nung marealize kung gaano pala talaga kalapit yung mukha sa isa't isa. What we are even doing?
"Oh my— ahhh!" para siyang natauhan na ewan at balak sanang itulak ako palayo, kaso naman nawala na naman yung balance niya sa pool, kaya hinapit ko na naman siya palapit sa akin.
"Itulak mo pa ako, huwag kang magsisi kapag hinayaan kitang malunod mag-isa"
Napatingin lang siya sa akin, bago nagbaba ng tingin— pfft! Para siyang batang napagsabihan.
"Namamanhid pa din yung paa mo?" tanong ko sa kanya.
"Oum" sagot niya.
With all my strength, binuhat ko siya paupo sa may gilid ng pool.
"What are you— "
"Kanan o kaliwa?" putol ko sa sasabihin niyang paniguradong pagtataray na naman.
"Ha?"
YOU ARE READING
Secrets in Disguise
RandomShe's Kyianna by her true personality but forced to be Khiya to hide her identity. Her two-faced character makes it hard not just to hide who she was but also to conceal her unsettled feelings for someone she can't get over with. Many new faces an...