39: Camping Activities

0 0 0
                                    


***

Cary POV

"Nasaan na yung grupo nina Jhaya?" napalingon ulit ako sa likod.

Nasaan na sila?

"Alam naman nila na 7 am ang start ng activities natin di'ba?" nagiging dragon na naman itong si Drix.

"Hintayin lang natin sila, baka papunta na"

Nag-set ba sila ng alarm? Bakit kasi silang tatlo yung nagsama-sama— mga hindi sanay gumising ng maaga.

"10 minutes na silang late"

"Nandiyan na sila— woah!"

Lahat kami ay napalingon sa likod. Sa wakas nandito na sila— eh? Napatingin tuloy kaming lahat sa kalangitan.

Sobrang init ba?

"Sorry late" ako lang ba o parang may kakaiba sa kanilang tatlo— weird ng entrance nila.

"Anong klaseng pakulo niyo 'yan?"

"Don't mind us. So what's— "

"Remove your shades" seryosong sabi ni Drix sa tatlo.

Bakit naman kasi naka-shades silang tatlo! Anong trip nila?

"It's mainit, you know" dahilan ni Khiya.

"Malayo sa atin yung araw panget" sagot ni Razz sa gilid.

"Shut up. You're not my kausap"

"Remove it" utos ulit ni Drix.

"No!" napakunot kami ng noo dahil sabay sabay talaga silang tumanggi.

"Is there something wrong, girls?" malumanay na tanong ni Lian sa kanila.

"Nothing happened. We just want this style" huh?

"Balak niyong gumapang at maglaro ng naka-shades?" nakangiwing tanong ni Ianne sa kanila.

"Why not? It's possible naman ah"

"Balak yata nilang mag-ala James Bond" natatawang sabi ni Razz

"Ha ha ha. Save your jokes for yourself"

"No need for my joke, pinapatawa mo na agad ako sa hitsura mo ngayon" tawa nito kay Khiya.

"Aishh"

"I said remove that thing. I'm not joking here" nabalik na ang atensyon ng lahat kay Drix na salubong na yung kilay.

"Sino ba kasing may sabi na for joke purposes itong shades ha" asar na sabi ni Jhaya dito.

"Malaki siguro eye bags niyo" biro ni Cole.

"Don't mind us— "

"Remove it or mag-push up kayo ng 100 counts?" napalingon naman ako bigla kay Drix.

"Are you crazy?! 100? Seryoso ka ba? I can't even do one"

"I'm serious. Is it more crazy to do outdoor activities wearing a shades?" bakit parang aabutin pa yata kami ng isang oras dito bago makapagsimula dahil sa kanila— nag-start na yung ibang section!

"Tanggalin niyo na. Ano ba kasing meron at naka-shades kayo?"

"Remove it or do it?"

Napapaisip tuloy ako kung may nangyari ba at naka-shades sila— hindi naman sila gumawa ng away kagabi right?

"Argh! Damn it! Fine! Kainis! Bwisit! Kaasar!" napangiwi na lang kami sa mga sinabi ni Khiya, she's being herself again.

Abang kaming lahat ng sabay sabay nilang inalis yung shades nila at parang nahihiya pang tumingin sa amin, ano bang— anong nangyari sa mga mata nila?!

Secrets in Disguise Where stories live. Discover now