Chapter 3: Father

6 4 2
                                    

A/N: Nilagay kong Mia P. O. V. dahil sya naman si Mia dito,eh. Bashin nyo na lang hehe. Happy reading! ^_^

Chapter 3:Father



Mia P. O. V.

"Ok ka na ba,ha Mia?"nag-alalang tanong ni yellow eyes.

Kahit ngayon ay hindi ko parin kilala sya o sila. Ni wala nga akong maalala sa memorya ng katawang tao ko ngayon. Basta ang alam ko ay buhay ako pero nga lang ay na reincarnated.

Huminga ako ng malalim. "Uhm,h-hindi ko kasi m-maalala ka or kahit sa inyo kaya ganun na lang ang reaksyon ko."paliwanag ko.

Totoo naman talaga,eh. Wala akong maalala. Wala rin akong kilalang tao dito sa bagong mundo at katawan ko.
Kaya dapat akong mag-ingat sa mga kinikilos ko. Pero una sa lahat dapat munang malamam ko kung sino talaga ako dito. Kung ano ang estado ng buhay ko,sino ang nakilala sa akin at iba pa.

Baka rin maghanap ako ng kasagutan kung bakit ako na reincarnated. Weird right? Dahil gusto ko ng kasagutan dahil na reincarnated ako,ako nga at nagugulohan din.

Kanina pa may tumutulak sa akin na malaman ang kasagutan kung bakit ako nandito. Sabihin nating may dahilan bakit ako nandito. At pansin ko rin na malayo ang lugar na ito or sabihin natin na nabalik ako sa past or what.

Kita ko naman ang mga makalumang gamit dito. At mga lumang bahay. Iba ito sa mundo na ginagalawan ko noon bago pa ako na punta dito. May mga gadget at bagong teknolohiya pero dito. Pupusta ako nasa past ata ako na reincarnated,eh.

"Ok lang yan,Mia."aniya pa.

"At saka hindi talaga kita kilala,eh. Nag ka- amnesia ata ako."ani ko pa.

Nakakunot ang noo nito na tumingin sa akin. "A-amnesia? Anong ibig sabihin nyan,Mia?"

Napatanga ako. Hindi nya alam ang ibig sabihin nun? Nasa past pala ako. Hehe wala pala silang alam na ganyanan.

Nag-isip pa ako ng palusot. "A-ah,eh. Hehe ang ibig kung sabihin nawala lahat ng memorya ko."ani ko.

Napabuka ang bibig nito. "S-seryoso k-ka d-dyan? Nawala ba t-talaga ang alaala mo,Mia?"gulat na tanong nito.

Kita mo naman diba? Wala akong maalala sa inyon?

"Wala talaga."ani ko. Napabuga na lang sya ng hangin. "Lagot ako sa tatay mo ngayon. Baka pagalitan ka nun dahil sa ginawa mo. Huwag ka namang mag biro ng ganyan Mia!"niyugyug pa nya ako sa kabilang balikat.

Mahihilo na ata ako."Hindi naman ako nagbibiro,eh. Nawala talaga lahat,eh."mahinahon kung paliwanag.

Sa wakas tumigil din sya sa kakayugyug sa balikat ko. Muntik pa akong mahulog nun.

"Paano na to? Ihinabilin ka pa man sa amin para bantayan ka."bumuga ito ng hangin. "Huwag kang magbahala tutulongan ka namin."

"Ah,sinong namin?"takang tanong ko.

Sakto namang bumukas ang pintuan at niluwa nun ang mga lalaki kanina at isa pang babae na nakasunod sa kanila habang nakayuko.

"Hindi mo ba sila maalala,Mia? Kahit isa lang sa kanila?"tukoy nito ang bagong dating na kalakihan.

Umiling ako. "Hindi talaga."ani ko.

Kinuwento muna nya ang lahat na nangyari sa akin sa mga kapatid daw nya. Mukang naintindihan naman nila. Tapos panay rin ang sulyap nung violet eyes na yun sa akin habang nakakunot ang noo at binigyan ako ng masamang tingin.

Reincarnated Back (On-Going)Where stories live. Discover now