Chapter 14: Enemy
Mia P. O. V.
Magaling na ngayon si Zriel kaya pwede na syang pumasok,pati na rin ako. Ako kaya ang babysitter nya ng ilang araw.
Masakit pa daw ang katawan nya kaya nagpamasahe pero nakagalaw naman ng maayos kapag tumatalikod ako.
Alam ko naman na nag-aakteng lang yan kaya sinamahan ko lang sya. May utang pa yan sa akin pagkatapos nya akong gawing yaya nya.
Subrang hiya at galit ko kaya nung pinalangoy nya ako sa may putik dahil lang sa litseng tsinelas nya na 'aksidente' daw nyang natapon dun. Hindi ko na lang sya pinansin nun,mga ilang oras lang, eh. Sa huli ay nag sorry naman sya kaya naging ok na rin kami. Pero ginawa ko rin syang alipin nun,hahaha!
...
Kakarating lang namin sa paaralan namin. Bumaba na ako habang hawak ko ang laylayan ng damit ko. Medyo nahihirapan kasi ako nito.
"Halika na,pagong."pang-asar ni Zriel sa akin.
Ito naman sya sa kakatawag nya sa akin ng pagong. Nung isang araw pa yan, eh. Tawag nya sa akin pagong dahil daw mahina akung lumakad at kumilos. Hindi ko naman yun kasalanan, eh dahil yun sa mabigat at mahaba na damit na ito.
Inirapan ko lang sya at diritso na sumunod kila Amber at Lucas. May pa bulong bulong pa silang dalawa.
Diritso lang ang lakad ko kaya hindi ko napansin na may nakabangga na pala ako.
"Naku,sorry."hingi ko ng tawad.
Masungit nya akong tiningnan tapos nagulat pa na nakita ako. "Girls,si Mia pala,oh."ngisi nito.
Tumingin din sa akin ang mga kasama nyang babae at humagikgik pa.
"Uhm,h-hi?"Patanong kung bati.
Tumawa lang yung nabangga ko at tinasan ako ng kilay. "Binati mo na ako ngayon,Mia? Pagkatapos mo akong pahiyain dahil sa ginawa mo?"Aniya. "Akala mo papalampasin kita dahil sa ginawa mo? Well,hindi Mia. Dapat mo yung pagbayaran!"Sigaw nito.
Aambang sasampalin nya ako ng mahawakan ko ang braso nya. Hindi man lang ito nagulat sa ginawa ko kaya yung isang kamay nya ang gamit nyang panampal sa akin pero nahawakan ko rin yun.
"Palaban ka parin ngayon,Mia?"Gumagalaw pa ang kilay nito habang nagsasalita.
May puti itong buhok at may sky blue na buhok sa may gilid ng ibabaw ng tenga nya. Yung mga mata nyang parang papatayin ka. Dagdagan mo pa yung mga kilay nyang tumataas at yung mukha nyang parang witch.
Binitawan ko ang braso nya. "Ah,eh, hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo."pilit kung ngiti sa kanya.
Napa 'tsk' lang sya. "Nagmamaangan ka na ngayon,Mia? Akala mo kakalimutan ko na rin ang ginawa mo dahil lang nawalan ka ng amnesia?Mia,hindi ako ganun. Kapag may atraso ka sa akin gaganti ako sayo!"
Akmang naman syang sasampalin ako ulit ng may sumago nito. Kahit naka talikod lang sya sa akin ay alam ko kung sino yun.
"Zriel..."
"Hindi mo ba titigilan si Mia,Ivy?"Rinig sa tuno nya ang pagka irita ng batiwan nya ang braso ni Ivy kuno.
Tiningnan nya pa ito ng masama bago nya ako hilain. "Ok ka lang ba?"Alalang tanong nito.
Umiling ako. "Wala namang masakit sa akin."sagot ko.
Dumating naman sila Amber at Lucas. "Mia,anong nangyari dun? Nag-away naman ba kayo ni Ivy?"Tarantang tanong ni Amber.
Nagkibit balikat lang ako. "Parang oo. Pero hindi ko naman naalala na naging kaaway ko sya."pang-aamin ko.
Napabuntong hininga na lang sila.
"Kahit book worm ka may mga kaaway ka din dito,Mia. Isa na si Ivy dun,mabuti na nga at hindi kayo nagkita ni Icy ngayun baka nagrambolan pa kayo."tawa ni Amber."Eh bakit ko ba sila naging kaaway?"Takang tanong ko.
Si Lucas ang sumagot. "Hindi namin alam kasi hindi mo naman sinabi sa amin basta ang sabi mo lang ay may mali sa kanila at gusto mong malaman yun. Lalo na kay Icy,ang sabi mo ay may kung ano sa kanya na hindi mo masabi."paliwanag nito.
"Tapos sa tournament gumawa ka ng eksena na sila daw dalawa ang dahilan kung bakit nawala ang barrier natin."paliwanag ni Zriel.
Tumango ako habang pinoproseso ang lahat ng impormasyon na sinabi nila. So,may kaaway pala ako hindi kang isa kundi dalawa? Palaaway ba itong dating may ari ng katawan na ito?
"Pasok na nga tayo sa klase natin."ani ni Zriel.
Pumasok na kami sa mga klase namin. Naka fucos lang ako sa lesson namin pero ang bahagi ng utak ko ay lumilipad sa kung saan tungkol sa sinabi nila kanina.
Ramdam ko din na may mali sa babaeng yun. Si Ivy. Parang may negatibing enerhiya na nanggagaling sa kanya. Iba talaga yung dating nya sa akin kanina. Parang higit pa sa pagkahiya ko sa kanya ang ginawa ko. Parang may iba pang dahilan. Hindi ko lang masabi.
Lalo na yung suot nyang kwentas....hugis bilog yun na may umiilaw sa loob nito. Napansin ko lang yun kanina habang nag-aaway kami. Umiilaw yun pero hindi nya kang napansin.
Argh!Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko!
A/N: Hala,ano kaya ang meron sa kwentas ni Ivy? Abangan sa next chapter!
Kita kits!
YOU ARE READING
Reincarnated Back (On-Going)
RomanceWhat would Ria or Mia do if she wake in another world and found out that she's in someone's body? Everything is like deja vu. Everyone she doesn't know seem she already know? Can she find the way to go home or this is her home now... ======= Start...