Chapter 16: Softest Food

6 3 0
                                        

Chapter 16: Softest Food

Mia P. O. V.

Mabagal kung kinain ang pagkain na nasa harapan ko. Nakasimangot ako ngayon,hindi dahil sa nangyari noong isang araw sa library. Kahit dalawang araw na ang nakalipas,naalala ko parin ang nangyayari sa akin pero hindi nga lang malinaw. Para yung misteryosong alaala sa akin.

Ang dahilan talaga sa pagsimangot ko ay si papa.

Papa ni Mia,papa ko rin.

Nakatanggap kasi kami ng isang liham nong kahapon ng umaga na matatagalan ng pag-uwi ang aking ama sa isang misyon nya.

Napaka-importante daw nun. Alam ko namang nag-alala sya sa akin pero kailangan nya paring pumunta sa kanyang misyon. Hindi lang para sa akin,pero sa lahat din ng mamayan dito.

Sya lang kasi ang pinakamalakas na mandirigma dito na pinagkatiwalaan ng hari dito-which is papa nila Amber. Subrang busy din nya kaya tuwing gabi lang namin sya nakikita sa study room.

Well,mahirap talagang maging hari,di'ba?

Habang nandito ako,naisip ko na...kung bakit ako nakatira dito. May sarili naman kaming bahay diba? Kaya dapat duun ako nakatira at hindi dito sa kanilang malaking palasyo.

Yeah,palasyo. Castle. Gara nito.

Pero hindi ko na lang inisip pa dahil na distract naman ako sa pagkain na nilapag ni Zriel sa harapan ko.

Isa yung cupcake na ginawa ng kanilang mahusay na mangluluto. Hindi pa uso dito yung ice cream kaya hanggang cupcake lang sila.

Nasabi ko rin ba na,mahal ang isang cupcake lang? Sa mundo kasing ito ginto at silver ang mga pera nila,ganun. Maraming ginto ang bayad sa isang lang cupcake dito at tanging mga maharlika lang ang nakakain nito dahil espesyal itong pagkain na ginawa lang para sa mga maharlika.

Edi,sila na yung special.

"Kainin mo na yan."nakatagilid ang ulo nito sa akin,kahit nasa harapan ko sya.

Sa gilid naman ang isang taga luto na namahmamasid sa akin. Binantayan lang talaga nito ang kanyang gawang cupcake para tingnan ang reaksyon ko.

Sinimulan ko na yung kainin gamit ang mga kubyertos dito. Ang dumi ko naman kung kamay ang gamit ko sa pagkain. Nasa maharlika kaya tayong lugar.

"Hmmm... ang s-sarap."tumatango pa ako habang pinilit na lunukin iyon.

"A-ang sarap naman nito. N-ngayon lang ako nakatikim nito."pilit kung aniya.

Lumiwanag naman ang mukha ng taga luto na yun saka tumango at umalis na with bow pa.

Hindi talag ako napilitang sabihin yun. Promise. →_→

Ininum ko agad ang tubig sa gilid ko sabay lunok,tapos inum ulit. Napansin yun ni Zriel kaya tumaas ang kilay nya.

Pwede ng lumipad yung kilay nya,hehe.

"Hindi mo magustohan?"Tanong nito na para bang mahalaga ang sagot ko sa kanya.

"Medyo."pag-aamin ko. "Sa totoo lang hindi ganoon kalambot ang pagkain tapos hindi rin ganun ka tamis yun. May tamis naman sya pero nawawala rin kapag dumaan sa lalamunan mo at medyo may pagka-alat rin. Tapos ang gitna ng laman nito hindi medyo luto,may harina ring hindi luto at matitikman mo talaga yun kapag kinain mo pero hindi mo lang napansin yun."paliwanag ko.

Reincarnated Back (On-Going)Where stories live. Discover now