Chapter 12: Fault

3 4 0
                                    

A/N: Enjoy Reading!😊

Chapter 12: Fault

Mia. P. O. V.

Pinuntahan namin si Zriel bago kami umalis. Nakahandusay ito sa lupa at nakahilig ang ulo sa may puno. May malaking puno rin ang nabali at kita ang ugat nito.

Iyon yung hinampas ng halimaw kanina sa kanya. Kumirot ang puso ko habang tinitingnan sya. Wala itong malay at may dugo pa sa labi. Pagod ito dahil sa kakaligtas aa akin. Kasalanan ko naman talaga kung bakit ganyan sya. Kung hindi sana ako umupo dun na akala ko ay bato ay hindi sana mabubulabog ang halimaw na iyon. Hindi sana sya magaganito...hindi sana sya masasaktan.

"K-kuya?"

Sinubukan ni Amber na gisingin sya pero walang sumagot sa kanya. Nakapikit lang ito at hindi gumagalaw. Sinubukan ko din syang yugyuhin baka sakaling natutulog lang pala sya pero wala iyong epekto.

"Iuwi na natin sya,Amber. Para magamot."aniya ko sa kanya.

Tumango ito at tumayo. Tinulongan ko syang buhatin si Zriel. Hawak namin sya sa magkabilang braso. Medyo mabigat sya kaya nahirapan kaming buhatin sya. Medyo nahihingal na rin kami dahil malayo ang nilakad namin para makalabas sa gubat.

Ng makapabas kami ay pinasandal muna namin si Zriel at kumiha kami ng hangin. Tiningnan namin ang maayos pa na karwahe. Wala itong gasgas hindi katulad namin na may sugat. Natulog ang lalaki na komukontrol aa kabayo. Siguro ay hindi nya narinig dahil medyo malayo ang lugar namin. Pero sa lakas ng sigaw ng halimaw na iyon ay hindi posibleng hindi nya iyon narinig. Siguro ay hindi nya narinig ito dahik tulog sya. Pagsalamat na lang sya ay buhay pa sya at hindi kinain ng halimaw kung makita mn sya.

...

Dumating na kami sa mansion nila bago pa magdilim. Agad syang tinulongan ng mga kasambahay dito at pinasok sa kuwarto nya. Pinahiga ito at ginamot na.

Kinuwento na ni Amber ang lahat ng nangyari at ginamot rin kami. Nagbihis kami at naghintay nalang sa may sala. Sa ngayon nasa kuwarto parin sila kasama ang isang manggamot.

Buntong hininga lang ang nagawa ko habang nakatingin sa hagdan. Hindi parin lumalabas ang manggamot kaya kinakabahan ako. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko.

Napatayo agad ako ng bumaba na ang manggamot.  "K-kamusta na po si Zriel?"Neebyosos kung tanong habang nakadikit ang mga palad ko.

"Maayos naman sya ngayon iha. Kaunting pahinga lang ang kailangan nya."sagot nito.

Nilingon nya si Amber. "Saan ba kayo galing,iha?"Tanong nito.

Nilingon nya muna ako bago sumagot. "Sa gubat po. Kumuha lang kami ng mga ingredients para sa project namin."paliwanag nya.

Nagpalabas si manong ng isang buntong hininga. "Sa panahon ngayon marami na ang mga halimaw na naglalaboy sa mga gubat at nangbibiktima ng tao kaya mag-ingat kayo sa mga gubat."seryoso nitong paalala.

"Lalo na sa kweba sa may Enchanted Forest."tiningnan nya ako habang sinasabi yun.

Kumunot lang ang noo ko kay manong. Tumango si Amber sa kanya at hinatid sya sa may gate.

Umupo ako at nagtanong sa isip ko. Sa kweba? Ano naman ang nasa loob dun?

"Puntahan natin si kuya,Mia."ani ni Amber.

Pumasok na kami sa kuwarto nya. Pagbukas lang namin sa kuwarto nya ay madilim ang sumalobong sa amin.

Umupo kami sa magkabilang tabi nya at tinitigan lang namin sya.

Reincarnated Back (On-Going)Where stories live. Discover now