Chapter 6:Magic

5 4 0
                                    

Chapter 6:Magic



Mia P. O. V.

"Class dismiss!!"

Sa wakas pagkatapos ng isang dekadang taon ay natapos na rin ang makabuluhang discussion.

Nagligpit na ako ng mga ginamit ko.
"Tara na sa cafeteria,Mia."ani ni Amber.

Sumunod na ako sa kanya. Halos pagsiksikan na ang mga studyante sa pagpasok sa loob dahil sa gutom.

Meron pa ngang nag-away na babae malapit sa pintuan,pinagtitinginan din sila ang iba ay hindi na nangealam sa kanila.

Pumasok na kami loob. Sumunod lang ako kay Amber habang nakayuko. Hindi ko kasi alam kung saan kami uupo. Tapos may ibang mga studyante pang nakatingin kay Amber o sa akin.

"Bakit ang tagal nyo?"tanong ng isang tinig.

Nilingon ko iyon kung sino ang nagtanong. Si Lucas lang pala. Nakaupo ito sa isang round table sa cafeteria at kasama nito yung may weird na pangalan. Wala ng iba kung hindi si Zriel.

Umupo na kami sa bakanteng upuan.
Magkatabi ko si Amber tapos katabi nya naman si Lucas at katabi nya si Zriel. Dahil apat lang ang upuan dito kaya magkatabi kami ni Zriel.

Kumunot lang ang nuo ko. Apat na upuan sa amin pero ang iba ay lima or anim. Unfair ata nito,ah? Ayaw ko oa naman itong katabi kung si Zriel.
Eh kasi naman,panay parin ang titig nito sa akin tapos masama rin ang tingin nito. May away ba kami nito?

Si Amber at si Lucas ang nag-order para sa amin kaya kami na lang dalawa ni Zriel ang naiwan dito.

Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig ito sa akin habang nakahilig ang braso nito sa lamesa.

Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. Tinaasan rin nya ako ng kilay. Ah ba,pataasan pala to ng kilay,ha? Ano to competition?

Syempre hindi ako papatalo kaya tinaasan ko pa lalo ang kilay ko. Kaya lang ay tumawa ito. Kumunot ang noo ko,bakit nya ba ako tinatawanan?

May dumi ba ako sa mukha ko?

Magsasalita sana ako pero dumating na sila Amber at Lucas. Nilapag nila ang mga maraming pagkain sa lamesa.

Kumukinang ang mga mata ko dahil sa mga pagkain na nasa harapan ko. "Wow ang rami naman!"sigaw ko.

Kinuha ko agad ang isang cookie at sinubo. Hmm,ang sarap!! Nilamon ko na yun ng buo ay kumuha ulit. Kuha,lamon tapos kain. Di ko napansin na nakatitig na pala sila sa akin.

"Annohh?"tanong ko. Hindi ako makapagsalita ng tuwid dahil napuno na ang bibig ko dahil sa pagkain. Humagikgik lang sila umiling.

Nagsimula lang sila ng pagkain kaya tinuloy ko na rin ang lamon ko sa chocolate cookie na ito. Masarap kasi ito,subrang subrang sarap ng cookie at hindi kaayo subrang tamis ng chocolate na hinalo. Ay hindi rin ito matigas kapag kinain mo ito.

_________

"Aaahhh,nabusog ako dun,ah."ani ko habang hinahaplos ang busog kung tyan.

Tumawa lang sila Amber at Lucas sa akin habang ang isa ay tumitingin sa kung saan habang nakanguso.

"Sigurado naman akong may energy ka na para mamaya,Mia?"ani ni Amber. Napalingon naman ako sa kanya.

Energy? Para mamaya? Ano bang gagawin namin mamaya?

Oh my gosh!! May milagro bang mangyayari mamaya?! Noo!!! I cant take this!!!

Reincarnated Back (On-Going)Where stories live. Discover now