Chapter 18:The Game

6 2 0
                                        

Chapter 18: The Game

Mia P. O. V.

Balik eskuyla na naman. Ang bilis ng mga araw ngayon. Kahapon lang pala ay pina alis namin ang nagmamay-ari ng tindahan nila Manang Janine

May illegal kasi itong ginagawa at kumuha ng pera sa pamahalaan kaya may mga tindahan na nalulugi. Mabuti na lang at napakulong rin sya.

Maayos na rin ang tindahan ngayon nila Manong Juan at may nagpa patrol rin na mga bantay para sa mga batang naghahagis ng mga kung ano ano sa mga tindahan.

At ngayon,klase na naman. Mabuti na lang at kaklase din namin sila Amber at Lucas,pero ang masama, katabi ko ngayon si Zriel na tudo ngising asar sa akin.

Tudo talim naman ang mata ko sa kanya. Eh, kasi hindi parin ako maka move on dun kila Manang Janie na 'asawa' daw kuno. Like, yuck ayaw ko nga sa kanya. Di ko nga sya type eh. Wala din sya sa mga standards ko.

Taas kaya ng standard ko. Sing taas ng langit.

"Maabot ko din yan,tsk."

Napalingon na lang ako kay Zriel ng may binubulong nito kaso di ko marinig. Hindi na rin ako nagatubaling magtanong dahil pumasok na rin ang Professor Elven namin sa klase ngayon.

"Good morning class. Ngayon may supresa akong pagulsusulit sa inyo."diritsong aniya.

Nagulat kaming lahat. Pagsusulit daw eh,test daw. Naku,wala pa naman akong natutunan dito. Puro pagkain lang.

Naglakad si Professor Elven sa harapan at nasa likod nito ang mga kamay nya.

"Simple lang naman itong pagsusulit. Para lang itong laro sa inyo."ngiti nito. "Tawagin na lang matin itong laru para maging masaya."may kakaiba sa ngiti nito at nung tiningnan nya kami isa-isa.

"Laru ito para masubukan ang kakayahan nyo sa paggamit ng inyong mga kapangyarihan. Papasok lang kayo sa isang kweba kasama ang mga kagroupo nyo. At bawat groupo ay bubunot ng papel sa baso dito."turo nito sa basong may lamang mga papel na maliit. "Sa bawat papel na nakatupi dyan,may nakasulat. Kailangan nyong hanapin ang bagay na nakasulat sa papel na yun. Pero!"pabigla nitong sigaw tapos ay tinuro pa kami

"Pero hindi ito magiging madali. Ginawa ko itong mahirap para sa inyo. Hindi madaling makuha ang mga bagay na yun dahil nakatago ito sa kung saan na madilim. At hindi lang kayo ang nandun sa loob ng kweba na yun. Syempre may nagbabantay din sa kweba na iyon. Sila ang mga makakalaban nyo para makuha at makalusot kayo."

Sakto naman may pumasok na mga estudyante sa pintuan. "Ito na pala sila."

Pumasok na ang ibang estudyante,ang iba naman sa kanila ay nasa labas lang,naghihintay.

Nagulat pa akong sa sumunod na pumasok sa room namin. Kapwa ito lumalayo sa isa't-isa at mukang di ko gusto makita sila, syempre ako rin.

Sino yung pumasok?Wala ng iba kundi sila Ivy at Icy. Di ko alam kung minamalas lang ba ako at nakasalamuha kung dalawang to. Lalo na ngayon at sila yung magbabantay kuno.

Napangisi na lang sila ng makita nila ako dito sa kinaupuan ko. Medyo nataranta rin sila Amber ng tingnan ko silang dalawa. Parang may kuryenteng dumadaan sa aming tatlo dahil sa matalim naming mga tingin

Nakataas pa ang kilay ni Icy at naka cross arm naman si Ivy sa akin. Kahit di ko alam kung bakit galit ang dating nagmamay-ari nito, makita ko lang ang mga mukha ng dalawang ito parang susugod na ako.

Reincarnated Back (On-Going)Where stories live. Discover now