Chapter 11:Save

3 3 0
                                    

A/N: Enjoy Reading!😊

Chapter 11: Save

Mia P. O. V.

Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay mamatay na ako dito. Marami pa akong gustong magawa. Gusto ko pang mabuhay! Gusto ko pang maranasan ang umibig at magka-anak kahit masakit iyon. Gusto ko ring gumanti sa lintek kung ex kung makabalik ba ako. Gusto ko pang mabuhay! God! Pakawalan mo na ako halimaw!!

Pinahidan ko ang mga luha ko. Kanina pa ako umiiyak dito at sumisigaa ng tulong. Hindi ko rin alam kung anong nangyari kila Amber at Zriel.

Sana lang ay ligtas sya ngayon at humihinga pa pagkatapos tapakan sya ng malaking halimaw na ito.

Sa ngayon ay kailangan kung makaalis dito sa ulohan ng halimaw na ito at makatakas. Pero paano ako makababa? Tatalon ako? Eh,ilang metro kaya ang layo ng lupa dito. Baka patay na ako paglanding ko pa lang sa lupa. At isa pa baka makain ako nitong halimaw na ito kapag nakita nya ako o nakarinig lang ng ingay.

Kailangan kung mag isip ng paraan.....pero walang pumapasok sa ulo ko na idea?! Dito lang ako forever?!Tapos maghihintay lang na may magliligtas sa akin?!

"Woah! Anong nangyari?"

Napahawak ako sa pwedeng hawakan dito ng biglang gumalaw ito. Tumingkayad ito para maabot ang mataas na puno at kinuha ang isang bungkos ng saging. Umupo ito sa sumandal sa puno at simulang kumain.

Siguro ay ito na ang chance ko para makababa ako dito. Hinay hinay akong naglakad habang nakahawak sa balahibo nito para makakuha ng puwersa pababa.

Nagslide ako sa balahibo nitong braso. Kaunti na lang at makababa na ako.

"Ahh!"

Napasigaw na lang ng bigla itong tumayo. Napahawak ako sa kanyang balahibo para hindi ako mahulog. Nahibirapan na ako dito dahil medyo nawawalan na among makakapitan na balahibo nito.

Dahil sa malakas na sigaw ko kanina ay sigurado na narinig nya ito. At sakto nga ako dahil lumilinga pa ito sa paligid nya para mahanap kung sino ang sumigaw.

Napapawisan na ako dito sa pagkapit sa balahibo nya. Ilang hibla lang ang nakapitan ko at malapit ng mabitawan ko.

"Ahhh!!"

Napasigaa ulit ako ng bigla itong tumakbo sanhi para mabitawan ko ang ilang balahibo nito. Tangi ang isa kong kamay na lang ang nakakapit sa balahibo nito.

Napatingin ako sa likod ko ng may anino akong nakita. Napamura na lang ako ng makita ang malaking kamay nito na binubuhat ako.

"Bitawan mo ako! Huwag mo akong hawakan! Lumayo ka! Ahh!Tulong!! "Sigaw ko.

Pinagsusuntok ko ang kamay nito na nakabuhat sa akin. Hinawakan nya lang ang dulo ng damit ko. Tumingin ito sa akin na nagugulohan tapos ay inaamoy ako nito habang nakataas ang kamay nito na nakahawak sa akin.

"Bitawan mo akong halimaw ka!"

Patuloy parin ako dito na sumisigaw at sinusuntok ang hangin dahil hindi ko maabot ito. Nakit ko kanina na ginagamit nila Amber at Zriel ang mga kapangyarihan nila kaya pwede ko rin yung gamitin!

Napatampal lang ako ng noo ng maalala na wala pa akong kapangyarihan. Paano ako gagamit ng magic kung wala nga akong magic?!Tanga mo self!

Nakaramdan ako ng mabahong hininga at masamang hangin. Lintek,iyon pala yung halimaw! Unti-unti nitong pinataas ako at binanganga ang bibig nito. Amoy ko ang mabahong hininga nito at kita ko din dito ang mga nakain nya! Shit! Yuck!

"Tulong! Kahit sino dyan! Tulongan nyo ako! Ahhhh! Kakainin ako ng halimaw!!"

Patuloy parin ako sa pagsigaa at sya naman at mas nilapit ako sa lintek na bibig nya!

Napapikit na lang ako ng malapit na nya akong kainin! Ilan ng mga dyos ang tinawag ko para may makaligtas sa akin dito! Napa Hail Mary pa ako dito basta may makarinig lang sa akin!

Huhuhu,ito na ba huling buhay ko? Mamatay lang ako dahil kinain ako ng halimaw na ito? Yun lang ang ending ko? Hindi ko man lang nakilala ang the one ko?! Tapos ganito lang ako mamatay?! Walang hiya ang gumawa sa akin nito!!

"Ahhhh!!"

*Slash! *

Isang katahimikan ang nagmamayani pagkatapos ay naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Nakarinig din ako ng isang bumabagsak na bagay na malapit kang sa amin. Hindi ko naamoy ang mabahong hininga ng halimaw na iyon. At hanggang ngayon at nakapikit parin ako.

"Pwede mo ng ibuka ang mga mata mo, iha."

Tono iyon ng lalaki at pakiramdam ko ay nasa likod ko lang sya. Syempre hindi parin ako bumuka baka patibong lang yun ng halimaw tapos kakainin lang pala ako. Pero para sa akin, feeling ko na totoo ang lalaki yun.

"Iha,ligtas ka na."kalmadong ani nito.

Pakiramdam ko naman at totoo talaga syang tao at hindi iyon ang halimaw kaya binuka ko na ang mata ko. Unang nakita ko ay ang isang halimaw na nakahiga sa lupa at putol ang ulo nito.

Napatapik pa ako sa bibig ko ng makita ang ulo nito at kulay green na dugo sa kung saan. Nilingon ko kyng sino yung nagsalita kanina.

Malamig na nakatingin ito sa halimaw ngayon at wala ng buhay. Nasa likod nito ang isang espada na may dugo ng halimaw na kulay green. Simple rin ang suot nito.

"S-salamat pala..."pagpasalamat ko sa kanya.

Tumango ito at akmang tatalikod na ng pigilan ko ito. Napalingon sya sa akin. Nakatingin lang sa akin ang malamig nyang mata. Nakatakip ang kalahati sa mukha nya at tanging mata lang ang nakikita. May mansya din itong dugo sa halimaw.

"Ano pala ang pangalan mo?"Kabado kung tanong.

Hindi ko alam pero parang may koneksyon ako sa kanya. Parang kilala ko na sya dati. Sila...ang lugar na ito. Parang nandito na ako at hindi ko lang maalala.

Hindi na ito nagsalita at nakatitig lang sa akin na para bang kinikilala ako. Mag tatanong pa ulit ako ng marinig ko ang sigaw ni Amber.

Nilingon ko sya agad at hingal na hingal sya habang may mansa ng putik ang damit nito. Sumandal muna sya sa may puno ng makita akong ligtas ay para din makalanghap ng hangin.

Nilingon ko ulit ang lalaki na iyon pero nagtaka lang ako ng mawala sya bigla sa likuran ko. Ni hindi ko lang namalan na nakaalis na pala ito.

"M-mia.. ayos ka lang ba?"Pag-alalang tanong nito habang humihingal pa rin.

Tumango ako sa kanya at tumingin sa paligid. At nagtanong sa kanya.

"A-asan si Zriel?"

Reincarnated Back (On-Going)Where stories live. Discover now