A/N: Sorry dahil hindi ako nakapag-update ng isang buwan dahil talaga to kay 'Bagyong Oddette'. Dahil sa kanya nawalan kami-I mean lahat ata,diba? Nawalan tayo ng kuryente at tanging generator lang ang gamit,right?
Tapos wala ding signal sa amin o kahit sa saan kaya hindi ako nakapag-update,kaya sorry mga reader/s ko. Hehe,peace lang tayo,ok?
Chapter 1: Z Brothers
Mia P. O. V.
Hiniling ko na sana ay makabalik na ako sa dati kung mundo. Na panaginip lang ang nangyaring ito. Na parte lang ito ng imahinasyon ko pero totoo talaga ito.
Minulat ko ang mga mata ko. Unang nakita ko ay isang puting kisame at yellow na...? Isang umiilaw.....na kamay....??
Napatayo ako bigla dahil sa nakita ko. Ano ba yun? Bakit lumiliwanag ang kamay nun?
Nakaramdam ng ibang presensya kaya tiningnan ko ang kabuuan ng lugar na ito. Nasa isang maluwag na kwarto ako,may tatlong kama dito at tatlong lamesa din sa may kama. May dalawang halaman sa may pintuan,isang kumukinang na chandelier,isang malaking study table na may dalawang lampara. May unan,may pagkain sa may round na lamesa na puno ng cookies at iba pang putahe ng pagkain. Basta maraming pagkain ang nakahain sa lamesa na yun.
Ay,bakit ba napunta ako sa pagkain? Teka? Asan na ba ako? Nilingon ko ang gilid ko,muntik pa akong atakihin sa puso dahil sa babaeng to.
Kalma ang mukha nito ay nakatingin din sa akin. Ngayon ko lang napansin na nandito pala ang tatlo ko kung kasama kanina.
Lumapit sa akin si Amber."Ok ka na ba,Mia?"tanong nito. Pinakiramdaman ko ang katawan ko kung meron bang masakit. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Ano bang nangyari sa iyo? Bigla ka na lang nawalan ng malay kanina?tanong nito. "Hindi ka naman natamaan kanina ng ice ball. Salamat at nahila ka ni Zriel."aniya pa.
Teka ulit? Ice ball? Ano naman yun?
"Wala naman syang sugat Lady Amber. Nawalan lang ito ng malay dahil sa pagkabigla."ani pa nung babaeng naka gilid ko kanina.
Sino ba sya? Pinagmasdan ko sya. Puti ang kasuotan ito,may puti din itong bagay sa ulo nito. Yung parang nurse ata na nasa ulo nila sinusuot. May nakadikit din itong pangalan sa may bandang dibdib. 'Pam' ang nakasulat doon. Sa tingin ko rin ay nasa mga 30+ siguro sya.
Naramdaman ata nya na nakatitig ako sa kanya. "Nasabi na sa akin ni Lady Amber at Master Lucas ang lahat sa akin na nawalan ka ng alaala pandalian kaya magpakilala ulit ako sa yo."tumingin ito sa akin at yumuko ng kaunti. "Ako pala ulit si Pam,Lady Mia."pagpakilala nito.
Tumango lang ako. Wala naman akong masabi sa kanya,eh. Panay rin ang tawag nitong 'Lady'. Lady naman talaga ako noh!
Nagpaalam na itong umalis kaya tumango lang sila. Napansin ko rin na wala dito sila Lucas at Zriel. Napalingon ako kay Amber dahil bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
YOU ARE READING
Reincarnated Back (On-Going)
RomanceWhat would Ria or Mia do if she wake in another world and found out that she's in someone's body? Everything is like deja vu. Everyone she doesn't know seem she already know? Can she find the way to go home or this is her home now... ======= Start...
