Chapter 4: Freindsship

5 4 0
                                    


Chapter 4:Friendship




Mia P. O. V.

Naalimpungotan ako dahil sa ingay na narinig ko. May narinig akong galit na boses at nag-alaalang tono.

Bakit ang ingay naman ng kwarto ko. Kitang may natutulog na tao dito,eh. Istorbo talaga sila.

Tapos napatanto ko na sa iba pala akong mundo. Napabangon ako ng mabilis. Tumingin agad yung mga taong nag-iingay kanina na parang bubuyog.

Una kung nakita si Zriel,si Lucas tapos si Amber. Tapos tumingin ako sa dalawang hindi katandaang lalaki na nasa gilid ko na nagpatigil sa pag-uusap dahil sa bigla akong bumangon sa hukay na parang multo.

Agad lumapit sa akin yung may uniform na heneral at niyakap ako. Nabigka pa ako nun kaya hindi pa nagproposeso sa utak ko.

"Nag-alala ako sa iyo ng subra,Mia anak. Ano ba ang nasa isip mo at nahulog ka sa may hagdan?!"saway nito sa akin.

Aba malay ko ba?!

Nakatanga lang ako habang nakatingin sa kanya. Nag sesermon lang ito sa akin habang nakikinig ang iba sa kanya at nakayuko ang ulo.

Dahil malapit ito sa akin ay napagmasdan ko ang mukha nito. Kaparehang-pareha ito sa mukha nyan. Hindi ko lang napansin kanina dahil medyo masungit ang awra nito. Hindi rin naman sya masungit nung nabubuhay pa sya at palagi itong masiyahin.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanyang mukha na puno ng pag-alala. Matagal na panahon na hindi ko nakita ang mukha nya. Tanging picture nya lang na kasama ako ang natira sa akin.

Napahikbi na lang ako kaya napatingin sila sa akin.

"Ayos ka lang ba,anak?"nag-alalang tanong nito.

Anak. Na miss ko yun kung paano nya ako tawaging anak.

"Daddyyy!!!! Huhuhuhu,na miss ko pa kayo ng subra!!!*sub*."paghikbi ko sabay yakap ng mahigpit sa ama ko.

Baka tadhana na rin ito na makita muli ang ama ko. Nabuhay ulit ako para makita ulit si papa. Huhuhu,ang saya ko! Subra!!

Nag-umapaw ang kasiyahan ko ngayon!!

"Ah,anak Mia. Maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?"Tanong nito. Tumango na lang ako pero hindi parin nawala ang mga luha ko sa mata.

Medyo blurred sa una pero kalaunan ay nakakita na ako ng maayos. Lumapit sa akin si papa at pinunasan ang mga luha ko.

"Talaga bang ayos ka na ngayon,aking anak?"tanong nito. Ang saya-saya ko ngayon dahil tinawag nya akong anak,ulit.

Hindi ko masabi ang kasiyahan ko ngayon na nakikita at nahahawakan ko ang aking ama. Nagpapasalamat ako sa tadhana na nabuhay ako ulit at nakita ko ang aking ama na ama ko parin hanggang ngayon.

But for the unknown reason...may kulang sa akin nung niyakap nya ako.
Parang may nagbago bigla sa yakap nyang yun. Para bang iba ang hanap ko sa aking ama ngayon.

Winaksi ko lang ang isipang iyon. At ngumiting bumaling sa aking ama na yakap parin ako ngayon.

"Ok lang ako ngayon ama."sagot ko. "May mga alaalang nakalimutan ko pero bumabalik rin naman,medyo nga lang. Dahil siguro to sa pagkahulog ko sa hagdan."paliwanag ko.

Ngumiti ito sa akin at ginulo ang ulo ko. Pati rin ito na miss ko. Ang paggulo nya sa ulo ko at ang kamay nya na nakayakap sa akin. Na miss ko talaga si papa.

Reincarnated Back (On-Going)Where stories live. Discover now