Chapter 5: School

5 4 0
                                    


Chapter 5:School


Mia P. O. V.

Kasalukuyan akong nagmuni-muni dito sa may garden. Pangalawang araw ko na ito dito sa palasyo 'daw' nila. May ginagawa naman si Amber ngayon,tapos hindi ko naman alam kung asan yung mga kuya nya,hindi naman kami close nung mga yun.

Kaya ito ako ngayon nag-iisa dito sa garden at nalulumbay. Ang sad ko ngayon guys,wala akong kakilala maski maka-usap. Huhuhu,may good ghost ba dito na pwedeng maka-usap? Anyone?

"Tsk,parang tanga."

Napalingon agad ako sa lampastangan na tumawag sa akin ng tanga. Paano nya nasabi na tanga ako,ah? Kung tanga ako,tanga din sya! Bruho!

Napatigil na lang ako ng malaman ko kung sino yung tumawag sa akin na tanga. "S-sino ka?"nauutal kung tanong.

Pero sa totoo kilala ko talaga sya. Sya yung si ano,eh si ano yung si ano.

Basta si ano yung name nya.

"Seriously,hindi mo na ako kilala?"asik nito at napabuga nalang ng hangin.

Totoo,'di ko talaga kilala 'to. Eh,sino ba sya?Asawa ko ba sya? Joke lang! Hehe.

Umiling ako. "Hindi talaga."ani ako. Yun naman kasi ang totoo. Nakalimutan ko na yung pangalan nya. Ang naalala ko ay Z yung first letter ng name nya. I dunno kung anong sunod nun.

Umiling ito. "Tss,kailan ko pa talagang magpakilala?"tanong nito sa sarili nya. "Zriel."aniya.

Nakatingin lang ako sa kanya. "Ha?"
Tumingin sya sa akin na hindi makapaniwala. Ano bang nagawa ko?

"Ang sabi ko! Zriel ang pangalan ko!"sigaw nito mismo sa tenga ko.

Napapikit na lang ako dahil sa sigaw nya. "Oo na! Rinig ko na! Ok?!"sigaw ko mismo rin sa pagmumukha nya.

Lumayo agad sya sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Nilingon ko sya ulit. "At isa pa! Hindi ako tanga!"sigaw ko ay nag walk-out.

Hinila ko pa yung laylayan ng dress ko para hindi ako matapilok pero sa kasamaang palad.....

"Bwaahhhhahhahahahaha!!!"malakas na tawa nito.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Kainis naman oh! Nadapa pa ako. At worst una pa yung mukha kaya ayun sumakit. Wala naman akong gasgas. Pasalamat sya. Wala ako bitch mode ngayon. Tss!

"Good morning! Mia!"

Nakapikit pa ako ngayon at ninamnam ang malambot na kama dito.

"Gising na,Mia!"sigaw nito at kinuha ang kumot ko.

Dumaing lang ako. "Mamaya na lang. Antok pa ako,eh. Maaga pa oh."hinablot ko ulit ang kumot ko at tumalikod na lang sa kanya.

Narinig ko pa syang humagikgik. "Bangon na,Mia. May klase pa tayo!"aniya.

Napabangon ako bigla. Ano?! Klase?!
Gumargraduate na kaya ako?! Anong klase na naman?!

Tumawa lang ako sa kanya at humiga ulit. "Haha,nagpapatawa ka lang Amber,eh. Wala tayong klase ngayon."

Hindi ko na sya narinig na nagsalita. Pero mukha naman syang seryoso sa sinabi nya. Kaya bumangon na ako.

"May klase talaga,Amber?"tanong ko sa kanya. Tumango na lang ito habang may ngiti.

"I hate school."ani ko. Kita ko sa mukha nya kung paano sya nagulat. Hinila nya ulit ang dalawang balikat ko paharap sa kanya.

"M-mia? Maranong ka sa lenggwahe na englsih?!"medyo gulat pa sya nun. "Paano mo yan natutunan?!"ani sabay yugyug sa akin.

"Ah,eh. N-naririnig ko?"pagsinungaling ko. Naalala ko kasi bigla yung sinabi nya sa akin sa garden na tanging mga maharlika lang daw ang nakaka-alam ng salitang english. Kaya mag-iingat na ako ngayon.

Tumango lang ito. Pinaalis ko muna sya para magligo ako. Pagkatapos ay nagbihis ako. May nilapag naman syang isang dress na naman sa may kama ko kaya yun ang sinout ko.

Ang sabi rin nya na wala talagang pormal na uniporme ang paaralan daw namin. Nalaman ko rin balik pasukan kami tapos na daw kami sa isang buwan naming bakasyon.

Alam naman nya na wala akong kakilala ngayon dahil nga 'nawalan daw ako ng memorya' kaya tudo bantay daw sya sa akin. At nandito lang daw sya sa tabi ko para masagot nya ang mga tanung ko kung may hindi ako kilala.

Magkasama kaming bumaba sa hagdan at nadatnan namin sila na nakaupo sa may sofa. Tapos rin naman kaming kumain,eh. Hinintay lang nila ako dahil ang tagal ko sa kwarto.

Hehe,natagalan lang kasi ako dahil hindi ko alam kung paano gamitin yung ibang gamit nila. Tapos naiilang din ako dun sa mga 'dama' daw tutulongan akong maligo. Syempre tumangi ako dahil ayaw kung makita nila ang hubad kung katawan kahit kapwa kami babae no. Wala ata ditong privacy,eh.

"Tara na."ani ni Lucas.

Lumabas na kami. Bumukas naman ang malaki at magarbong gate at pumasok ang isang karwahe.

Nabigla ako syempre. Akala ko kasi ay isang mamahaling sasakyan ang gagamitin nila pero sabihi ko nga wala dito.

Kaya walang choice at sumakay na lang sa karwahe. May dalawang puting kabayo rin sa harapan na kinokontrol ang kabayo.

Tinulongan kaming sumakay ng isang lalaki na may sumbrero sa ulo. Sumakay na rin sila Lucas at Zriel. Yan ha hindi ko na nalimutan yung pangalan nyang weird.

Katabi ko si Amber at kaharap namin yung dalawa nyang kapatid. Napansin ko rin na panay ang sulyap ni Lucas kay Amber habang siya naman ay panay iwas sa kanya. At yung isa nilang kapatid ay panay parin ng irap sa akin at masama akong tiningnan.

Bakla ba 'to? Ba't panay ang irap?

Matapos ang ilang minuto na naka upo kami dito ay sa wakas tumigil na din. Hindi ko kasi ma take yung masamang titig ni bakla sa akin. Si Zriel yung tinutukoy ko, guys.

"Nandito na po tayo mga kamahalan at binibini."ani nung tumulong sa amin para makasakay sa karwahe.Ito na rin ang nagbukas ng pinto para sa amin.

Ngumiti lang kami sa kanya. Bumaba na kami samantalang ako ay nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng paaralan namin.

Malaki ito at marami rin ang mga studyante na pumasok na sa tingin ko ay maharlika rin,katulad nila Amber at mga kuya nya.

Napansin ko din automatic ang pagbukas nito kapag may studyante na pumapasok. Tumingin ako sa  langit pero may napansin ako na may kumikinang sa ibabaw ng school. Para bang bula pero hindi ko na lang pinansin.

Pagpasok pa lang namin sa gate ng school ay ramdam ko na nag-iba ang atmosphere kesa kanina. Medyo maginaw kasi kanina pero ngayon ay uminit na. Napatingin ako kay Amber,ngumiti lang sya sa akin.

Bumaling ang tingin ko sa mga kapwa ko studyante. Balik na naman ako sa pagiging studyante ko. Marami talaga ang mga studyante dito sa loob,hindi lang makita sa labas kasi may harang na pader. Nagtaka nga ako,eh kung bakit may pader na nakaharang. Diba dapat gate lang yun?

Nakita ko din ang mga ibang babae na nagkasisiyahan sa may bandang garden at kaharap nila ang isang di ko kilalang halaman. May malaki itong bulaklak na kulay violet at parang gumagalaw. Tapos may narinig pa akong sumisigaw.

"Huwag mo na lang silang pansinin,mabuti yun Mia."kalabit ni Amber sa akin.

Sumunod na lang ako sa kanya dahil nga hindi ko alam ang school na ito. Kapareho lang naman kami ng mga klase namin kaya hindi na ako lumayo sa kanya.

Pumasok kami sa isang kwarto. May nagtatawanan at naglalaro ng hahabulan sa loob at may kumakain pa dito. Parang normal lang.

Umupo kami sa may likod. Napansin ko lang wala kaming dalang bag o kahit ano,tanging kaluluwa lang namin ay katawan.

Mamaya pa at pumasok na ang teacher ata namin. Normal lang naman ang suot nya.

Habang nagsasalita sya ay hindi ko mapigilang kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nya. Tungkol lang kasi ito sa mga halaman na pwese gawing poison.

Hanggang sa matapos ang klase ay wala akong maintindihan. Promise,wala talaga.

Reincarnated Back (On-Going)Where stories live. Discover now