A/N: A round of applause dahil naka abot ka sito! 😂
Mag vote rin kayo at pwede ring mag comment! Enjoy reading!😄👓📖
-----
Chapter 15: Library
Mia P. O. V.
Nandito ako ngayon sa library sa school. May pinagawa kasi si proff sa amin na assignment. Medyo nahihirapan ako kaya nagpaturo ako kay Amber kung saan ang Library.
Gusto pa nyang tulongan ako pero umiling kang ako dahil alam ko ring busy sya dahil panay lang ang labas nito sa room namin. Kaya nagpahatid na lang ako sa kanya sa library at dito na lang maghanap ng sagot sa assignment ko.
Kasalukuyan akong nasa madilim na parte ng library dahil dito daw kasi makita ang librong hinahanap ko.
"Asan na ba kasi yun?"Tanong ko sa aking sarili.
Nilibot ko ang tingin ko sa isang shelf na may kalumaan at nasa madilim talaga na parte dito. Nakatitig lang ako dun at tinitigan ang isang libro na kumuha ng atensyon ko.
Hindi ko alam kung anong tumutulak sa akin pero kusang pumunta ang paa ko dun at nilapit ang kamay ko sa librong iyon. Akmang kukuhanin ko iyon ng bigla akong makarinig ng isang tunog ng kahoy na parang bumubukas.
Tiningnan ko ang paligid ko at duun ko lang napansin ang isang nakabukas na pader. Parang secret door ito. Madilim at walang ilaw ang loob. Malamig ang hangin at may kung anong anong bumubulong sa hangin.
May anino na naglalakad at tumatakbo. Itim ang kaluluwa nila at may mapupulang mga mata na ngayon ay nakatingin sa akin. Ng tinginan nila ako ay madali silang lumusot sa pader. Biglang umilaw ang mga lampara na nakasabit sa pader.
May tumunog sa kung saan. Tunog drum yun na parang galit ang naghampas. Isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin ng lumapit ako sa dun. Bigla akong napaatras ng mahagip ng mata ko ang isang anino.
"Pasok..."
Napayakap ako sa sarili ko ng marinig ang malamig na tono ng babae at ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Palinga linga ako sa madilim na lugar na iyon pero wala akong nakita na ta. Tanging anino ko lang at ang mga lumang libro.
Napahawak ako sa ulo ko ng biglang may nagsalita at pinipilit akong pumasok dun.
"Pasok....pasok...!"
Napaawang ako ng labi ng sumakit abg ulo ko, ulit. Nakatingin parin ako sa pader na bukas ngayun. May tumutulak sa akin na pasukin yun. Dahan dahan akong pumasok dun at humakbang ng isa papasok. Malamig na hangin ang nag aabang sa akin. Nagsitayuan ang buong balahibo ko ng biglang sumara ang pader.
*Blag!*
Naalerto ako ng unti unting humina ang mga lampara at isa-isang nawalan ng liwanag tanging ang lampara lang na malapit aa akin ang nagliliwanag parin.
"Tulong! May tao ba dyan! Tulong!"Pinaghahampas ko ang pader pero wala man lang tunog ang lumabas o narinig ko. Tanging sigaw ko lang at paghinga ko.
Nagsimula na akong matakot at kabahan sa lugar na ito. Hindi ito mabubuksan at wala ding makakarinig sa akin dito. Kinuha ko ang lampara at hinawakan yun ng mabuti. Pa unti unti ang paglakad ko habang takot na tinitigan ang mga estatwa sa pader.
Mga nakaupo sila sa mga truno nila at masamang tingin. Dagdagan pa yung nakakatakot nilang mga sungay at mga pakpak. Feeling ko anytime gagalaw ang mga estatwa nila at bigla nalang akong aatakihin.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala na akong nakitang estatwa sa pader. Tanging hagdan lang ang nakita ko papunta sa ibaba. Kaparehas kanina ay wala itong ilaw at madilim. Wala akong choice kundi pumasok sa baba.
Madilim parin ay malamig ang hangin. Nasa gitna na ako ng hagdanan ng mahagip ng mata ko ang isang liwanag na nangggaling sa isang kuwarto.
Nagmadali akong pumunta duun at pumasok. Nikakasan ko ang pagtulak sa pinto para mabukas. Niligay ko ang lampara sa may gilid at pinagmasdan ang paligid. May mga ilaw sa paligid,pero hindi dilaw ang ilaw kundi purple. Wierd lang.
May anim na estatwang nakatayo sa gitna,at sa loob ng anim na estatwang ito ay isang bilog na may mga guhit. Sa likod ng mga estatwa na iyon ay isang truno na. Malaki itong truno at may estatwa na babae sa ibabaw nito.
Medyo bulgar ang estatwa na yun kaya hindi ko na tiningnan pero familiar ang mukha ng babae.Matapos kung tingnan ang silid na iyon ay naglakad pa ako hanggang sa may makit akong pinto na gawa sa pader. Medyo natagalan pa ako sa pagbukas pero nakapasok parin ako.
Bumaba ako sa hagdan ,kinuha ko ang isang lampara ulit para may ilaw ako. May dalawang tunnel sa harap ko. Hindi ko alam kung saan ako papasok. Napagdeaisyunan ko na lang sa kaliwa ako dadaan.
Nakarating ako sa isang malawak na kuwarto. Maym mga ilaw rin dito. Maraming mga lumang gamit ang naka lagay sa may gilid pero hindi yun ang kumuha ng atensyon ko.
Unti unti akong lumapit sa bagay na iyon. Makinang iyon. Subrang liwanag nun na abot langit ang liwanag. Naglalakad ako papunta dun at nabitawan ang lampara na hawak ko.
Blanko ang isip ko at wala ng na isip kundi hawakan iyun. Tulala lang ako habang palapit dun. Para akong zombie kung maglakad. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Para bang kinokontrol ako ng kung sino.
Akamang hahawakan ko ang liwanag na nanggaling sa libro ng biglang may aninong lumitaw sa harapan ko at tinulak ako dahilan kung bakit ako natauhan.
Unti unti syang lumapit sa akin at may binubulong sa hangin na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung lalaki sya o babae pero ang natandaan ko kang bago ako nawalan ng malay ay ang kwentas na suot nito.
Bumibigat ang mga mata ko at unti unting hinihila ng antok. And everything went black....
.........
I feel someone carasing my hair. Minulat ko ang mata ko. Sa una medyk blurred pa ang nakita ko pero kalaunan au naging malinaw din. Una kung nakita ang subrang liwanag.
Napatakip ako sa mata ko dahil sa subrang liwanag. Isang anino ang nakita ko sa gilid ko. Tiningnan ko sya pero liwanag lang ang nakikita ko. Hindi ko maaninag ang buong mukha nya. Natatakpan ng liwanag ang kalahati ng mukha nya kaya tanging labi lang ang nakikita ko sa kanya.
Napansin kung nakahiga ako sa hita ng babae. Mataas ang itim na buhok nito. Maingat nyang hinahaplos ang buhok ko. Gumagalaw ang labi nito na parang may sinasabi. Hindi ko maintindihan ang mga salita.
Tumigil ito at hinawakan ako sa pisnge at ngumiti ng mapait sabay halik sa noo ko. At dahil lang dun ay natulog ulit ako.
Pero ramdam ko ang malakas na enerhiya nya. Parang may koneksyon kaming dalawa. Parang kilala ko sya,nakasama ko na sya dati pa. Sa paghaplos nya sa akin alam kung nararamdaman ko yun dati pa.
Para bang...deja vu ito. Yung babae....kilala ko sya pero hindi ko maalala.
"Matulog ka na,Mia. Malapit na tayong magkita..."
Anong malapit na? Sino ka ba talaga?
.......
A/N: Until next chapter!(づ ̄ ³ ̄)づ
![](https://img.wattpad.com/cover/293137730-288-k479336.jpg)
YOU ARE READING
Reincarnated Back (On-Going)
RomansaWhat would Ria or Mia do if she wake in another world and found out that she's in someone's body? Everything is like deja vu. Everyone she doesn't know seem she already know? Can she find the way to go home or this is her home now... ======= Start...