Chapter 9:Cave

5 4 0
                                    

Chapter 9:Cave

Mia P. O. V.

Nag-impake na kami,para kaming pupunta sa isang camping at doon matutulog ng isang decada.

Hindi kasi na inform na kasali pala ang pag camping doon. Hindi naman talaga camping,mukha lang talagang camping.

Inutusan kasi kaming lahat na mag-expirmento din sa mga ibang bagay at hayop doon sa mga pupuntahan namin na lugar para makakuha ng ingredients sa poiton namin.

Ang sabi lang sa amin na hindi ito kasale sa grades kung wala mang makakuha ng ganun. Kaya ok lang kung wala kaming makuha.

Pero si Amber,grades ang nasa utak nya. Pinahanda nya lang ako ng kailangan ko na dalhin sa camping namin.

Next week naman ang scedule sa potion na gagawin namin. Kailangan lang talagang maghanda kami sa mga ingredients. At saka,wala naman kaming klase sa isang week.

Naghihinayang pa nga ako,eh. Gusto ko sanang matulog sa buong week nayun. Parang si Sleeping Beauty lang pero walang Prince.

Pero wala na akong nagawa at grades din ito sa akin. Sila Amber at Zriel na ang bahala sa pagkain at tent namin.

Pero sa totoo lang,kumuha talaga ang ng isang maliit na kapiraso ng cookies. With 'ies' kasi marami ang ibig sabihin ng maliit.

Sinulod ko iyon sa isang bag na maliit tapos tinakpan ng isang dress at pinasok ko na. Safe na ang cookies ko.

Bumaba na ako dala ang mala army kung bag. Medyo nasubrahan ata ako sa paglagay ng mga gamit ko at damit kaya bumigat.

Nakaabot na ako sa may living room at duon ko nakit si Zriel na nakaupo at nakatingin na sa akin ngayon.

Tinaasan nya ako ng kilay sabay kagat ng hawak nyang apple. Napamwewang din ako at tinaasan sya ng kilay. Yung mas mataas pa sa Effiel Tower.

[A/N: Correct me if wrong spelling. ^^]

Tinitigan nya ako kaya tinitigan ko rin sya. Parang nakarinig ako ng malakas na kulog at malakas na hangin na humahampas sa buong bahay sabay ulan ng yelo.

Pero nawala na ang Titigan Challenge namin at walang nanalo. Masakit na rin mata ko. Feeling ko iiyak na ako. 

"Ano bang tinotunganga nyo dyan. Tara na!"Sigaw ni Amber.

Tumayo na kaming dalawa at sinundan sya. Pagkalabas namin ay naghihintay nadoon ang isang karwahe na maghahatid sa amin.

"Uhm,Amber? Saan ba tayo kukuha ng mga ingredients?"Tanong ko sa kanya.

"Pupunta tayo sa Enchanted Forest. Nandoon kasi ang ibang mga ingredients. Doon lang sila tumutobo at mahirap ring hanapin."paliwanag nito.

Tumango lang ako at pumasok na aa karwahe. Napagpasyahan ko na tingnan ang sa labas papunta sa Enchanted Forest.

Maraming mga naglalakihang mga puno ang nagpapalibot sa gilid ng daan namin. May mga ibon din na lumilipad sa langit at umaawit. Mga hayop na kumakain ng garmuda.

' Ano kaya lasa nyan?'

"Amber,ano yun?"tanong ko sabay turo sa isang kweba.

Tiningnan nya din iyon. "Ah,ayan kweba lang yan."sagot nito kaya napa 'ahh' na lang ako.

"Hindi talaga normal lang na kweba."

Napalingon ako kay Zriel.

"Hindi?"Kuryidad kung tanong. Umiling ito.

"Hindi."seryosong sagot nito.

"Kuya,tigilan mo yan."may pagbabanta ni Amber.

"Ano bang nasa loob ng kweba na yan?"Tanong ko sabay lingon sa labas pero malayo na ang kweba na yun dahil nalagpasan na namin.

"Ang sabi nila ay may sumpa daw ang kweba na yun."paliwanag nito.

Na curios naman ako kaya nakinig ako sa kanya.

"Sinumpa ang kweba na yun. Kung sino daw ang papasok dyan ay hindi naka makakaalis. Ang iba ay hindi na niniwala kaya pumasok sila pero ilang araw ay hindi na sila nakalabas at natagpuan na lang ang mga bangkay nila sa isang lawa. Yun ang The Blood River."

Nakatoon lang ang atensyon ko sa kanya dahil nga na curios ako ng bigla itong tumawa.

"Hahahahahha!Naniwala ka naman dun?"Tudo tawa parin ito kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Psh,huwag mo nga akong biruin!"sigaw ko sa kanga sabay sipa sa paa nya.

Napa aray naman ito. Buti nga sayo.

"Huwag kang maniwala dyan kay Zriel,Mia. Binibiro ka lang nya. Wala naman talagang sumpa dyan mga sabi sabi kang yun. Hindi totoo."aniya ni Amber.

Pero curios parin ako sa namatay sa Blood River. "Eh,yung namatay sa Blood River? Totoo ba yun?"Curios kung tanong.

Tumango ito. "Ah,yun ba. Pinatay lang talaga sya dahil ang rami nyang utang tapos ay tinapon sa lawa na yun. Tapos gumagawa na sila ng mga kung anong-ano na mga balita. Eh,hindi rin naman totoo."paliwanag nito.

Eh,yun pala ang totoo,eh. Muntik na talaga akong maniwala dun sa pinagsasabi ng gugong na yun.

Sinamaan ko sya ng tingin ng sinubukan nitong tumawa.

"Hindi yun nakakatawa."inis na sabi ko sa kanya sabay apak ng sapatos nya.

"Ang sadista mo na,ha." Napahawak ito sa kanyang paa dahil sa sakit.

Inirapan ko lang sya. Tumigil naman ang karwahe kaya siguro nandito na kami.

Lumabas na kami at kinuha ang mga gamit namin. Nauna na akong kumuha at lumabas. Habang si Amber ay sinisermonan si Zriel dahil sa kalukuhan nito.

Napatingin ako sa paligid namin. Enchanted Forest talaga ito. Mga puno na parang kumikislap at mga butterfly na lumilipad at dumadapo sa mga bulaklak.

*Swosh*

Napalingon ako sa may damohan ng gumalaw ito at gumawa ng mahinang tunog na nagbigay kilabot sa akin.

Unti-unti akong lumapit doon para tingnan pero sa kakalapit ko dun ay tumitibok ng malakas ang puso.

Kinakabahan ako habang patuloy ito sa paggalaw.

"S-sino yan?"Kinakabahang tanong ko.

Lumapit pa ako at itinaas ang kamay ko para hawiin ang damo.

Tumitibok parin ang puso ko habang palapit ang kamay ko sa damo na yun.

Nilakasan ko ang sarili ko para hawiin ang damo. Pagkagawi ko sa damo ay pumikit ako at pinakiramdam ang sarili kung anong nangyari.

Pero ilang segundo ay wala akong naramdaman kaya binuka ko ang mga mata ko. Napatingin ako sa nahawing damo at sa lupa. Parang nalalanta ang isang bulaklak na nakatanim sa lupa at natatapakan pero wala namang hayop o tao doon.

Nabigla ako ng biglang may sumigaw sa pangalan ko at sabay tapik sa balikat ko kaya napalingon ako.

"Hoy Mia anong ginagawa mo dyan? Tara na oy!"sigaw nito ng malakas kaya muntik ng masira ang tenga ko.

Mahina ko syang sinapak sa balikat. "Huwag ka ngang manggulat!"sigaw ko sa kanya sabay irap.

Pinuntahan ko na lang si Amber at iniwan si Zriel na tudo tawa parin.

Nasa gilid lang ang karwahe namin at ang nagmamaneho sa kabayo at kumakain ng prutas.

"Tara na."

Pumasok na kami sa Enchanted Forest. At habang papalapit kami bumibilis din ang tibok ng puso ko.


Reincarnated Back (On-Going)Where stories live. Discover now