A/N: Don't forget to vote and share kung nagustohan nyo ito! 💜
Chapter 20: The Dream
Mia P. O. V.
Nagising na lang ako sa isang tinig na tinatawag ako. Asul na kalangitan ang una kong nakita. Bumangon ako at napahawak na lang sa ulo ko ng bigla itong sumakit.
"Arghh...nasaan ba ako?" Tanong ko sa hangin. Pinagmasdan ko ang paligid ko at tanging asul na ilog at berdeng bundok ang nakikita ko.
Tumayo ako sa kinahihigaan kong damo. Maraming mga paru-paru ang nagsisiliparan sa paligid at may kung anong lumilipad sa langit.
"Anong lugar ba ito?"
Wala akong ma-isip na lugar kung nasaan ba ako ngayon pero kailangan kong mahanap sila Zriel ngayon.
"Zriel?Nasaan ka na? Amber? Lucas?"
Ang natatandaan ko lang ay nakatayo ako at nakatitig kay Amber na malapit ng bagsakan ng bato. Patay na ba ako? Ito ba ang langit? Bakit walang anghel dito?
"A-anong..." Napatakip ako sa mata ko dahil sa malakas na liwanag na biglang lumabas sa ibabaw ng bundok na nasa harapan ko.
Pilit kong tiningnan ang liwanag na iyon kahit nasisilaw na ako. Isang anino ang nakita ko. Hindi ko makita ang buong mukha nito dahil sa liwanag,tanging nakita ko lang ay ang labi nito na may binibigkas.
Hindi malaman ang binibigkas nito dahil hindi ko marinig pero sa tingin ko ang pilit nitong sinasabi ay......tulong.
"Iha,ok ka lang ba?" Isang magalang at magandang boses ang nagpagising sa akin.
Isang magandang babae ito. Ang ibabaw na kasuotan nito ay berde at sa pang-ibabaw naman ay puti. Kulay berde ang buhok nito na medyo kulot at medyo mahaba ang tenga nito. Pati ang kulay ng katawan nito ay berde.
"S-sino ka? N-nasaan ako?" Hindi nya ako sinagot at nginitian lang ako. Napa-atras ako ng kaunti ng haplosin nito ang pisnge ko.
"Hanapin mo ako at puntahan." Yun lang ang sinabi nito.
Nagulohan ako sa sinabi nito. "A-anong p-pinagsasabi mo?"
Nginitian nya ulit ako. "Maghihintay ako sa'yo,Mia. Sa mahiwagang kagubatan....."
"T-teka ano?"
Nakatingin lang ako sa kanya habang unti-unti itong naging abu. Naka nganga ang baba ko at hindi naintindihan ang kanyang sinabi.
"Mia! Mia, gumising ka, please!"
Mabilis pa sa alas-kwatro akong napabangon. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.
"Z-zriel? Totoo ka ba,ha?" Pinagsiklop ko ang kamay ko sa pisnge nya at kinukorot pa iyon.
"A-anu ba. T-totoo ako. Ano bang nangyari sa'yo?" Tiningnan nya ako ng may pag-alala.
Pinagsasampal ko pa ang pisnge ko at kinurot para sigurado talaga akong totoo na ito. Malay mo,isa parin itong panaginip.
"M-may...ano kasi..." Hindi ko masabi sa kanya ang ibig kong sabihin. Baka tawagin akong baliw nito.
"Ano? Sabihin mo sa akin?" Medyo nairita na ito pero nag-alala parin sya.
YOU ARE READING
Reincarnated Back (On-Going)
RomanceWhat would Ria or Mia do if she wake in another world and found out that she's in someone's body? Everything is like deja vu. Everyone she doesn't know seem she already know? Can she find the way to go home or this is her home now... ======= Start...