Chapter 17: The Baker

4 3 0
                                        

Chapter 17: The Baker

Mia P. O. V.

"Ehem!"

Napatigil kami sa pagtawa at napatingin sa taong tumikhim.

Nakatayo ito sa bukas na pintuan ng tindahan na ito habang nakakunot ang noo pero nakangiti naman.

Tumikhim rin kami para pigilan ang pagtawa namin. Tinulongan ako ni Zriel sa pagtayo dahil na ipit ako dito.

"Ma-m-magandang hapon p-po."bati ko sa ginang.

Magkatabi na kami ngayon ni Zriel sa pagtayo at nerbyosong nakangiti sa ginang.

Baka isipin nito na baliw kami dahil sa subrang tawa namin dito. Isa pa,baka pakamalan nya kaming taga ibang lugar dahil sa suot naming kapa.

"Maganda ding hapon,iha,iho. Bibili ba kayo?"nakangiti nitong tanong.

Nagtinginan pa kaming dalawa. "T-tindahan nyo po ito?"Parang gulat kung tanong.

Hindi ko kasi malaman na isa itong tindahan dahil sa labas nito na parang sirang bahay at pang haunted house.

Tumawa lang ang ginang. "Alam kung hindi ito mukang tindahan dahil sa mga sira sa labas nito pero masarap naman ang mga pandesal namin dito, iha."ngiti ngiti itong tumingin sa amin. Kita ko sa mata nya ang pagpursegi na matikman namin ang pandesal nya.

"Papasukin nyo po ba kami? Hindi ba kayo na wewerduhan sa amin?"takang tanong ko sa kanya sabay turo sa aming dalawa.

Tumawa lang ito. "Sa totoo lang,iha oo. Eh,kanina pa kase kayo dito nagtawanan at hindi ko rin kilala kayo."aniya.

Napa 'ahh' na lang ako.

"Pasok kayo iha para matikman nyo ang pandesal namin."

Nag-alinglangan pa kaming pumasok baka budol-budol gang pa ito pero pumasok pa rin kami dahil gutom na rin kase ako.

Kung budol budol ito nandito naman si Zriel para ipanangga ko. Sya yung lalaban sa kanila tapos tatakbo ako para iligtas ang sari ko. I'm a Alpha kid! ᕙ(͡°‿ ͡°)ᕗ

Malinis ang loob nito kumpara sa labas. May upuan sila pero hindi lang din marami,kita mo kung gaano na din ito katagal.

"Ako pala si Janine at ito naman ang asawa kong si Juan."pakilala nito sa sarili nya at sa lalaking bago pang lumabas sa isang kuwarto.

"Pasinsyahan nyo na ang lugar namin,ah. Ito lang kasi ang nakayanan naming bilhin."paliwanag.

Pinaupo nila kami sa dalawang matibay na upuan sa gitna dito ay isang lamesa na taga dibdib sa akin. Medyo mataas kasi ang lamesa.

O sadyang maliit lang ako?

May kinuha si Manang Janine na pandesal at nilagay sa isang plato,sinabayan din nya ng dalawang baso ng chokolate at nilapag ito sa lamesa namin.

Maayos naman ang mukha ng pandesal na yun. Wala naman itong lason diba?

May trust issues lang talaga ako pagdating sa pagkain.

Nag-alinlangan uli ako kung kakainin ko ba itong hinanda ni Manang Janine sa amin. Pero ang sama ko namang tao kung hindi ko kakainin ko ito, diba?

"S-segi po."sagot ko sa kanya.

Reincarnated Back (On-Going)Where stories live. Discover now