Chapter 29: Cutting Ties (Part I)

3K 53 2
                                    

Ito ang araw na nakatakda 'kong lisanin ang mansyon na 'to. Pero wala akong ibang gusto gawin kundi matulog buong araw at manatili pa ng ilang araw.


Pero nasabi ko na, nagdesisyon na ko.


Napatitig nalang ako sa mga bagahe kong kagabi pa naka-impake.


Alas cuatro y media ng madaling araw. Mas maigi na rin siguro na umalis na ko ng walang paalam, baka lalo lang akong mahirapan.


Pababa na ko ng hagdan nang mapansin ko ang ayos ng sala. May mga nakakalat na bote ng alak dito. At nakita ko ang cellphone ni TOP na nakalapag sa mesa ng sala.


Mukhang nag-inom si TOP.


Nakita kong naglakad papunta sa sala ang tatlong katulong at nilinis ang kalat na iniwan sa kanila ng kanilang amo.


Saktong nakababa na ko ng hagdan ng makita kong kinuha ng katulong ang cellphone ni TOP.


"Sandali. Akin na yan." nilahad ko pa ang palad ko dito.


Maayos naman itong inabot sakin ng katulong.


"Anong oras natapos mag-inom yung master niyo?" pahabol kong tanong dito.


"Fifteen minutes ago, ma'am." magalang nitong tugon.


Kakapanhik niya lang pala. Mukhang lasing si TOP.


"Thank you." sabi ko dito bago kalikutin ang cellphone ni TOP na kapareho ng akin, iPhone 5s din ang phone niya.


Nanlaki ang mata ko nang makitang litrato ko ang wallpaper ng cellphone ni TOP. At ang pinakanakapagtataka ay kung kelan kinunan ang litrato, dahil wala akong litratong ganito sa social media at mas lalong wala akong kinunang litrato na ganito sa phone ko. Pinicturan niya ko habang natutulog ako, how cute.


Napangiti nalang ako ng payak.


Pareho pala kami. Wallpaper ko din kasi ang litrato niya.


Marahan kong nilapag sa mesa ang cellphone niya. At dinukot ko mula sa bag ang akin. Nilapag ko ito katabi ng phone niya.


Aalis na rin naman ako. Wala nang rason para dalhin ko pa ang phone na bigay niya, ayokong magkaroon pa kami ng ugnayan.


Nilinga ko ang kabuuan ng mala-palasyo niyang bahay. I'm gonna miss this place. Napamahal na 'to sakin.


Napabuntong hininga ako. I guess in the end, you gotta let the person know how much they mean to you.


Naglabas ako ng sticky note mula sa bag ko at kumuha ng ballpen.


Sinulat ko dito, 'Thank you for everything. I will always love you..'

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon