Chapter 11: Add Some Water

4.3K 63 5
                                    

Tsk! Tsk! Tsk!


Pa'no ba gamitin 'tong bathtub na 'to? First time ko kasi 'tong gagamitin, simula ng unang punta ko dito ay shower ang pampaligo ko.


Pero ngayon, na-realize kong sayang naman ang bathtub na 'to at ang mga pamahid sa katawan na nandito kung hindi ko gagamitin. Besides, minsan lang ako makakarating sa isang mansyon. Lulubus-lubusin ko na, dahil may tiwala akong malapit na akong makaalis dito!!


MUAHAHAHAHAHA!!


Binuksan ko ang electric shower at itinapat ito sa bathtub.


After 15 minutes..


Bakit ba hindi napupuno yung bathtub? NAKAKAINIS NA! Mags-shower na nga lang ako.


Matapos ang ilang minuto ay natapos na kong maligo, akmang lalabas na ko sa cr pero nilingon ko muna ulit ang bathtub.


Hayss.. Ang tanga mo talaga Bom, hindi mo manlang napansin na naka-drain yung tub.


Iba talaga kapag laking mahirap. Naiintindihan ko na sitwasyon ko ngayon,


TT____TT


Lumabas na ko ng banyo at lumapit sa tokador ko, aish. Parang gusto kong mag-ayos. ERASE!! ERASE!! Bommie? Magbihis ka muna, nakatapis ka lang oh.


[ SEUNG HYUN'S POV ]


Nasaan na ba ang babaeng 'yon?


Nagkukulong nanaman siguro sa kwarto niya. Oras na ng kainan, dapat kumakain na kami ngayon!


Dinial ko ang number niya sa cellphone ko,


*Subscriber cannot be reached, please try—*


*BLAGG!!*


Hindi na natapos ng telephone operator ang recorded nitong boses nang ibagsak ko ang mamahalin kong cellphone.


Nawasak ang screen nito at nahati ito sa tatlo.


"Clean that mess." utos ko sa katulong na nadaanan ko habang paakyat ako sa hagdan.


Nang makarating na ko sa tapat ng pinto niya ay hindi na ko kumatok at dire-diretsong pumasok sa kwarto niya.


Nanlalaki ang mata niya habang nakatitig sa'kin.


At doon ko napansin na nakatapis lang siya ng tuwalya.


Stupid, hindi manlang gumamit ng wardrobe.


Agad akong lumapit sa direksyon niya, pero atras siya ng atras. Ang bawat hakbang ko palapit, ay siyang hakbang niya paatras.


Fck! Is she insane?


This girl is really adding fuel to my rage!

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon