Chapter 16: His Pay Off (Part II)

3.5K 56 3
                                    

O_______O


Yan ang mukha ng bawat estudyanteng nakakakita sa'kin.


"Oo, siya nga."

"Siya nga yun, sabi sayo eh."

"Oo nga no? Akala ko ba.."

"Akala ko nga rin eh."

"Tara ipaalam natin."


Nakayuko lang ako habang naglalakad papasok ng school, medyo naiirita pa ko nang makitang nakasunod parin sa likod ko ang mga bodyguards na kinuha ni Seung Hyun para bantayan ako.


"Aish! Pwede bang lumayo kayo sa'kin kahit kaunti?" baling ko sa apat na bodyguards ko sa likod ko.


Dumistansiya nga sila ng kaunti, pero nakasunod parin.


Napansin ko ding umalis na ang sasakyang naghatid sa'kin dito sa school. At pagkababang pagkababa ko ay iba na ang mga titig na natatanggap ko mula sa madla.


Lalong dumami ang kumpulan ng mga estudyante.


"Gosh. Ano kayang nangyari talaga sa kanya no?"

"My God! Baka naman buntis siya kaya siya tumigil."

"At ngayon in-abort na niya yung baby? Diba no?"

"Ghad! Sabi ko na nga ba malandi siya."

"Tama ka, hindi pala ako nagkamali ng paghusga sa kanya."

"Yeah right. I hate her."


Hindi ko sila pinansin, dire-diretso lang ako sa paglalakad habang nakataas ang noo ko.


Then I saw them.


Nakita ko ang gulat na mukha ni Dara, "Oh my God!! Si Bom!!"


"Gosh, si Bom nga." tumakbo si Minzy palapit sa'kin, hatak niya sa kamay si CL.


"Oh my God, what happened to you." niyakap agad ako ni CL.


GHAD! I miss these girls, masaya talaga ako at nagsama-sama na uli kami! Nasa palad na uli namin ang girl power! MUAHAHAHAHAHA!!


"Namiss ka namin, bakit wala kaming balita sayo." nagpout si Dara.


"Alam mo bang nagsaliksik kami sa pagkawala mo? Akala namin napano ka na." malungkot na sabi ni Minzy. 


"May nangyari kasi." matamlay kong sabi. But don't get me wrong, talagang masaya ako na makakapasok na uli ako sa school.


Napatitig sila sa likod ko, "Sino yung mga men in black? Parang nakatitig sila sayo Bom, ang creepy." parang naghi-hysterical na ang boses ni Minzy.


"Oh my God, oo nga.. Parang binabantayan nila kilos mo." nagtakip pa ng bibig si CL.


"He he he, wag mo na silang pansinin. Tara na." hinatak ko na sina Minzy at CL sa magkabilang kamay ko, sumunod naman si Dara sa'min.


"Uy, look. Mukhang nasunod pa sila sa'tin." nakita kong nanlaki ang mata ni Dara.


Napakamot ako sa batok ko, "H-hindi ko sila kilala." nag-iwas pa ko ng tingin.


"Bom.. ano ang totoo? Sabihin mo nga, kilala mo ba ang mga lalaking yan? Anong relasyon nila sayo?" - CL


"Alam namin na may tinatago ka sa'min. Ano ba kasi ang nangyari sa'yo? Bigla kang nawala at lumitaw na lang ding bigla." - Minzy


"Kilala ka na namin, sabihin mo." - Dara


"Sige na, may kailangan ba kaming malaman?" - Minzy


"Sige na." - CL


Hindi ko malaman ang isasagot ko sa sunod-sunod nilang tanong sa'kin. Pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras, kailangan kong mag-ingat sa bawat galaw ko. Lalo na't may mga bodyguards akong nagbabantay sa'kin.


"Bom! I'm glad you're back."


At nanlaki ang mata ko nang tumakbo palapit sa'kin si Chanyeol at yakapin ako ng mahigpit. Sumagi nalang sa isip ko ang tatlong kundisyon.

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon