Chapter 09: Unsolved Mystery (Part I)

4.3K 65 4
                                    

"Hey Hyun, how is your new toy?" rinig kong sabi ng kausap ni Seung Hyun.


Toy? Ang pangit naman pakinggan, yan ba ang tingin nila sa mga babaeng binibili nila? Porket ba tinumbasan ng pera ang kaluluwa namin ay pwede na nila kaming pagsabihan ng ganyan?


Hindi ko naman ginusto 'to. Kung may pagpipilian lang sana ako, kahit siguro magkano ang i-offer nila sa'king pera ay hindi ako papayag.


"She's mysterious." simpleng sabi nito.


Misteryosa? Ako? Ano daw?


Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ko, dinig ko ang usapan nila sa baba.


Nakabihis ako ngayon ng isang simpleng bestida, napakarami kong pagpipilian na damit sa aparador ko.. pero mas pinili ko ang isang bestida, naisip ko kasing ang pagsuot ng damit ay inaayon parin sa okasyon na pupuntahan mo.


"How do you say so?"


"I can sense it. There's—"


Psh. Ang hina na ng usapan nila, hindi ko na marinig. Bumaba ako ng dalawang baitang para mas lumapit ako sa kinaroroonan nila,


"She looks like her" malamyang tugon niya.


Her? *gasps*


"Oh man, I think I'm getting it. I wanna see much she resembles her, mind introducing your toy to me?"


"Sure." at nadama kong tumayo na si Seung Hyun mula sa couch.


Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama, nagkunwari akong tulog.


Bumukas ang pinto,


"Tama na ang pagkukunwaring tulog, bumangon ka na diyan."


O______O


Agad akong napaupo sa kama. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.


Lumapit siya sa'kin, nilagay niya ang magkabilang braso niya sa gilid ng kama.


Nilapit pa niya ang mukha niya sa'kin,


Ang guwapo niya sobra. Siguro kung hindi lang ako naipit sa sitwasyon ko ngayon, baka ginusto ko na siya. Ang masculine ng mukha niya, pati na rin ang amoy niya. Nakakaadik ito.


"Akala mo ba hindi ko malalaman na nakikinig ka sa usapan namin?"


Oo, guwapo ka nga at mayaman Mr. Choi. Pero hindi parin ako magpapatalo sayo.


"H-hindi ko sinasadya." a lie, curiosity killed the cat afterall.


"I'll let it slide then."


Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak na ko palabas ng silid.


*


"Next time you eavesdrop a conversation, make sure you don't get caught." sabi pa niya saktong paglabas ng bisita niya.


"I'm sorry." at tumalikod na ko sa kanya, nagtungo na ko sa kwarto ko.


Pinakilala niya lang ako sa bisita niya. Seung Ri and pangalan nito. Sa hitsura palang ito sa unang kita namin kanina ay alam ko na agad na mayaman siya.

Tinapunan niya ko ng napakadaming tanong. Katulad nalang ng kung saan ako nakatira dati, kung sino ang mga magulang ko, kung anong petsa ako pinanganak, kung saan ako nag-aaral, kung sino ang mga kaibigan ko at kung paano kami nagkakilala ni Seung Hyun.


Siguro kung hindi ako nagbabalatkayo ay wala akong sinagot sa mga tanong niya, ni isa.


Humimlay ako sa kama ko at tumitig sa ceiling.


Ngayon may bumabagabag na sa'kin, kung sino ang tinutukoy nilang siya. Kaya ba niya ko tinadtad ng tanong ay dahil iniisip niya na may kaugnayan ako sa kanya? Naguguluhan ako.


'She looks like her'

'She looks like her'

'She looks like her'

'She looks like her'

'She looks like her'


At kung kamukha ko nga siya? Ano naman ang magiging silbi ko kay Seung Hyun? Bakit pa niya ko binili?


Isa itong malaking palaisipan.


"Hey."


Napabalikwas ako ng bangon. The heck?


Hindi ko manlang napansin na pumasok siya sa kwarto, napakalalim kasi ng iniisip ko. Psh!


"Uh, hi." ganting bati ko.


"Get dressed, we're going somewhere." ma-awtoridad niyang utos sa'kin.


Tinitigan ko ang suot kong damit, "Hindi ba pwede 'tong suot ko? Saan ba tayo pupunta?"


"F*ck, would you check your reflection on the mirror? It's not even classy. Choose something different to wear. I don't care what outfit you will wear, just look presentable." blunt niyang sabi at umupo sa sofa.


"Uhmm.. hindi ka ba lalabas muna? Magbibihis ako." pa-inosente kong sabi, but dang! God knows I'm about to explode.


"What?" he gave me a questioning look, "Hindi ka ba pwedeng magbihis sa dressing room? Use your brains."


This conceited jerk!


"O-okay."


"Tsaka, wala ka bang ka-fashion fashion? May jewelries sa tokador, use 'em." dagdag pa niya.


Binuksan ko ang aparador ko, at tumambad sa'kin ang napakadaming damit.


Iba't ibang klase at iba't ibang disenyo.


Wala palang fashion huh, you'll see Mr. Choi!

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon