Chapter 08: Gone With The Wind

4.6K 74 4
                                    

[ CL'S POV ]


"Nag-aalala na talaga ako kay Bom. Matagal na siyang hindi napasok, siguradong bababa ang marka niya." - Dara


"Pare-pareho lang tayo, nag-aalala tayong lahat sa kanya." - Minzy


Nandito kami ngayon sa cafeteria, nakatambay. Pero hindi namin magawang kumain.


"Nag-hire na ko ng investigator. Iniimbestigahan na ngayon ang pagkawala ni Bom, sooner or later mahahanap din siya." - CL


"Ang nakapagtataka pa, hindi ko na makontak si Bom. Nang mga nakaraang araw, nakokontak ko pa siya." - Minzy


"Sira ang phone ni Bom. Minsanan lang siya makatanggap ng call, at tuwing nakakatanggap siya ng call.. namamatay din yung agad." - Dara


"Bumisita ako sa bahay ni Bom." - CL


Napatingin silang dalawa sa'kin, hinihintay nilang ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.


"Her auntie is leaving in three days, which is suspicious. Dumaan na din ang ilang imbestigador sa bahay nila. Pero ang sabi lang ng tita niya-- isang araw pagpasok nito sa eskwela.. ay hindi na daw ito umuwi sa bahay nila." 


"Hindi kaya... may kinalaman ang tita ni Bom sa pagkawala niya?" - Dara


Nagkatinginan kaming tatlo.


POSIBLE.


Bom, nasaan ka na ba?


[ BOM'S POV ]


Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan. 


Bakit niya ba ko binili? Wala akong makitang dahilan.


Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganun ang pakikitungo niya sa'kin. Minsan mabait siya sa'kin, minsan naman galit siya sa'kin na hindi ko maintindihan! 


Pero isa lang ang alam ko, kinamumuhian ko siya!


Dahil sa kanya, kailangan kong isuko ang normal na buhay na meron ako. Dahil sa kanya, hindi na ko nakakapasok sa eskwela. Dahil sa kanya, nalayo ako sa mga taong mahalaga sa'kin. Dahil sa kanya, kinailangan kong iwan ang lugar na kinalakihan ko. Nang dahil sa kanya, nawala 'yong lahat. Oo, nandito nga ang lahat ng bagay na kailangan ko. Pero hindi nun matutumbasan ang ligayang naihahatid sa'kin nang mga taong pinahahalagahan ko.


Napasinghap ako.


Kamusta na kaya sina Dara? Si CL? Si Minzy?


Namimiss ko na sila, sana hindi sila nag-aalala sa kalagayan ko. Ang aso ko kayang si Bruno? Nakakakain kaya siya ng wasto? Pa'no kung nasagasaan na ang aso kong 'yon? 


*Sigh*


Bumukas ang pinto ng silid ko, at niluwa nito ang masungit na lalaking nagmamay-ari sa'kin.


Dire-diretso lang siya, naglakad siya palapit sa'kin. Nakaagaw pansin sa'kin ang paper bag na bitbit niya.


"Ano yang dala mo? Pasalubong ba?" ngumiti ako sa kanya habang nangingislap ang mata ko.


Ngumisi siya at inabot ito sa'kin, "Bakit hindi mo buksan?" pumamulsa siya sa harap ko.


Agad ko namang binuksan ito.


O______________O


Kulay PINK!! Napakaganda!! 


Pero..


"Isang brand new cellphone? Mahal 'to ah? Bakit mo ko binili nito? Wala akong pambayad dito. Alam mo namang mahirap lang kami." ngumuso ako sa kanya.


"Diba sinabi ko na sayong kaya kong palitan ang cellphone mo? Naka-save na diyan ang number ko." at akmang lalabas na siya sa silid.


Ngayon lang ako nakahawak ng isang mamahalin na cellphone, nakakatuwa. ^O^


At least kahit may galit ako sa kanya dahil sa pagsira niya ng phone ko, pinalitan naman niya ito agad. At higit na mas maganda pa, mas bago at mas branded.


"Sandali." pigil ko sa kanya.


"Ano? Pagti-tripan mo nanaman ba ko?" nanlilisik ang mata niya.


Ngumiti ako, "Agad agad? Hindi ba pwedeng magpapasalamat muna?" kinindatan ko siya, "Salamat." punong puno ng sinseredad ang boses ko, I mean it this time, "Walang bayad to ah?" dagdag ko pa.


"Sinong may sabi sayo? Wala nang libre ngayon." ngumisi siya at naglakad na palabas ng silid.


Nawala ang ngiti sa labi ko. So ganun? May bayad? Anong ipambabayad ko? Eh sinabi ko na ngang wala akong pera? Ang lalaking to! Masaya na saya ako eh, nakakainis talaga siya!!


"Maghanda ka bukas, may bisita tayo." dagdag pa niya bago isara ang pinto.

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon