Chapter 24: Must Cry Harder! (Part III)

3.3K 52 3
                                    

Bakit parang may kung anong kumirot sa dibdib ko?


Inabot ko ang cellphone ko at nilagay ito sa loob ng drawer. Bom, hindi mo kasalanan. Wala kang ginagawang masama. Pilit kong kumbinsi sa sarili, pero mas lalo lang bumibigat ang loob ko.


'You betrayed me.'

'You betrayed me.'

'You betrayed me.'

'You betrayed me.'

'You betrayed me.'


Hindi ko naman siya pinagtaksilan. Pero bakit ba nakirot ang dibdib ko sa tuwing maaalala ko yung ekspresyon sa mukha niya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon? Para akong nanlalambot na hindi ko maipaliwanag, ano bang nangyayari sa'kin?


*


"Bom, bakit ba palagi ka nalang tulala? Tungkol ba 'to sa kinuwento mo sa'min nung isang araw?" - CL


"Ano bang bumabagabag sa'yo?" - Dara


Napabuntong hininga nalang ako.


"Wala."


"Ano nga?" - Dara


Kahit ang pagsabi ng saloobin ko, mahirap para sa'kin. Pakiramdam ko naman mas gagaan ang loob ko kapag sinabi ko sa kanila, pero may kung anong pumipigil sa'kin para gawin 'yon. Prinsipyo kaya? O dangal?


Lumapit sa'kin si Minzy, "Alam mo Bom? Simula nung in-open up mo sa'min yung tungkol sa Seung Hyun na yan.. gumagawa na kami ng mga paraan para matulungan ka. Nag-iimbestiga kami para sayo. Kasi ayaw na naming nakikita kang nahihirapan. Lalo na kahapon, tulirong-tuliro ka."


"Hindi na yan kailangan." sambit ko.


"Anong hindi kailangan?! Bakit hindi?! Ayaw mong tulungan ka namin?" - Dara


"Guys, hindi sa sinasarili ko ang issue na 'to. Pero kasi, laban ko 'to." oo, laban ko 'to. Manalo man ako o matalo sa sarili kong laban, gusto ko ako lang ang involved dito. Kami ni TOP. Gusto kong magpakatatag, at mangyayari lang 'yon kung walang ibang taong involved kundi ako at si TOP.


Hinampas ni CL ang lamesa, "Ano bang sinasabi mo? Binenta ka ng tita mo sa isang multi-millionaire, hindi 'to isang simpleng kaso."


Ngumiti ako sa kanya, "Kakarmahin din yun. HAHAHA! May ibang paraan ako ng paglutas ng problema ko."


Meron nga ba? O baka naman ginugusto ko na ang kinatatayuan ko ngayon?


Nung sinabi sa'kin ni Taeyang na malungkot si TOP. Para bang gusto ko siyang alagaan, para bang.. aish! Pero hindi pwede, siya ang dahilan kung bakit nakakulong ako ngayon. Kung bakit hindi ako malaya.


"Meron nga bang ibang paraan? O baka naman nagugustuhan mo na ang Seung Hyun na yun kaya ayaw mong tulungan ka namin?" - CL


"Oo nga!" - Dara & Minzy


Bumilis ang tibok ng puso ko.


"H-hindi ah! HAHAHAHA! Meron nga kasi akong naisip na paraan." pero wala naman talaga. May mga plano ako noon, pero mukhang malabo na 'yon ngayon. Ano na bang nangyayari? Bakit parang bumabaliktad ang ikot ng mundo? Bakit nag-iiba ang ihip ng hangin?


"Ano naman yun?" sabay sabay nilang tanong.


"Basta." ngumiti ako ng malapad sa kanila.


*


Nakakapagod, idagdag pang parang napintig yung ibaba ko.


Ano bang ibig sabihin nun? Ibig sabihin hindi parin magaling? O baka naman nakukulangan yun sa ano? Di kasi ako maalam sa ganyan, ngayon ko lang din naranasan.


Kararating ko lang sa mansyon ni Seung Hyun, este ni TOP.


Akmang aakyat na ko sa hagdan nang mapansing pababa naman siya ng hagdan. Para bang nabato ako sa kinatatayuan ko. Nagkatitigan kami, pero agad din niyang iniwas titig niya. Para bang masakit ako sa mata at hindi niya kayang tumitig sakin ng matagal.


Nang ilang inches nalang ang layo niya sa'kin ay nahuli ko ang laylayan ng damit niya.


"What?!" nanlilisik ang mata niya sa galit.


Para namang napaso ang kamay ko at agad binitawan ang kapirasong tela ng damit niya na hawak ko. Yumuko ako, "Sorry."


Bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko. Nagulat ako sa kanya, hindi ko ine-expect na sisigawan niya ko.


Tumalikod na ko sa kanya, at awtomatikong pumatak ang mga luha ko. Para bang may kung anong mabigat sa dibdib ko na kailangan kong pakawalan. Na kapag hindi ko napakawalan ay sasabog ako sa sobrang hinagpis.


Tumakbo na ko paakyat sa hagdan at dumire-diretso sa kwarto ko. Agad ko itong sinara at ni-lock.


Patuloy sa pag-agos ang luha ko. Umupo ako sa kama at niyakap ang unan. Tuwing nagrereplay sa utak ko yung nangyari kanina ay parang may kumukurot sa dibdib ko, lalo akong nahihirapan.


Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit ang sensitive ko na sobra?

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon