Chapter 03: The Men In Black (Part II)

5.2K 82 6
                                    

Binatukan ko sila isa-isa.


"Aw!"

"Awtsu!!"

"Ouch."


"Mga gago pala kayo eh! Sinong matutuwa sa pinaggagagawa niyo?" nakapamewang ako sa harap nilang tatlo, "Kayong mga pugo kayo, kung wala kayong magawa maghabul-habulan nalang kayo! Para kayong mga bata!!" sinisigawan ko sila ngayon sa tapat ng classroom namin.


"Uy!! Ito naman si beshie masyadong seryoso eh! Malay ba naman naming ma-ooffend ka!" habol sa'kin ni Dara.


"Kaya nga, ito naman di makasabay sa trip. Minsan ka na nga lang mapagkatuwaan. HAHAHAHAHAHAHAHA!" humalakhak si CL.


"LECHE! Gawin niyo na lahat ng klase ng TRIP! Wag lang yung ganun! Bad yun." nag-tsk pa ko.


Alam niyo ba kung ano ang ginawa ng napakagaling kong mga kaibigan? Dinikit lang naman nila yung picture na'min ng first love ko sa armchair ko! Tapos sinulatan ng kung anu-ano! Nakakainis! Not that I'm bitter with my ex-boyfriend.


Ayoko lang talaga ng ganun, PAST is PAST. Bakit kailangan pang ipangalandakan at pagkatuwaan? Kaya nga ba dapat tinapon ko na mga litrato na'min ng first love ko eh. 'Yan tuloy! Kilala na ngayon ng mga kaklase ko kung sinong kinababaliwan ko noon. Kung sino pang mga kaibigan ko, yun pa ang bully! Di kaya nakakatuwa!


"Oh edi hindi na nga uulitin, tatanggalin na din namin yung picture." tumango tango pa si Minzy.


"Pinky promise?" nilahad ko pa ang hinliliit ko.


"Psh, ikaw talaga"


"Wushuuuu"


"Yieeeeee"


At tinanggap naman nilang tatlo, kaya naman nakakasiguro na kong di na nila uulitin ang kalokohan nila.


"Osiya, lalabas muna ako ng school. Tawagan niyo nalang ako kapag dumating na si ma'am." kinindatan ko pa sila, at tumango naman sila sa'kin.


Oo, oras ngayon ng klase.

Oo, wala pang teacher.

Oo, magka-cut class ako.

Oo, hindi yun pwede sa school.

Oo, tatakas ako.


...


Yes! Nakalabas na ko ng school! Gusto ko lang naman matikman yung paborito kong mangga bago magstart ang klase eh. Chuchuchu! *u*


Wow! May itim na limousine na nagpark sa tapat ng school na'min! Di ko alam na may ka-schoolmate pala akong bigtime! Oy! Baka isipin niyo na hampaslupa ako ah? Pero kasi, promise! First time kong makakita ng limousine sa akto! 


Owww.. men in black! Yan ang lumabas sa mamahaling sasakyan na nasa harap ko. Harap ko ba? Di naman, malapit lang sa'kin.


Astig ah! Pa-shades shades pa! Naka-tuxedo! Sosyal. *u*


Luh? Eh bakit nalapit sila sa direksyon ko? *panic mode*


Nag-fighting stance ako ng mapansin kong ilang inches nalang ang layo nila sa'kin. Titig na titig ako sa bawat kilos nila.


KAHIT mga pogi kayo! Hindi ako sasama sa inyo! 


"HOY BITIWAN NIYO KO!!" walang nagawa ang pormahan ko nang hawakan nila ang magkabilang braso ko at bitbitin ako palapit sa mamahalin nilang sasakyan.


"Huy! San niyo yan dadalhin?" tanong ng security guard na nagbabantay sa loob ng school na tiyak kong lumabas ng marinig ang matinis kong boses.


"Manong guard! Tulungan niyo ko." nagpuppy face pa ko sa kanya.


May kung anong nilabas si kuyang kidnapper at pinakita sa security guard ng school na'min. It looks like some kind of a card.


O___________O


Pumasok sa loob ng school si manong guard! Putapete! DUWAG. Walang silbi!


"Manong guard!!! Talagang bubugbugin kita pagbalik koooooooooo!!!"


At wala na kong nagawa nang tuluyan nila akong ipasok sa sasakyan.

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon