Chapter 30: The Last Page

6.5K 105 65
                                    

After two years...


"Dara! Kausapin mo nga yung boyfriend mo. Kanina pa pm ng pm sakin sa fb, kinukulit ako na pagbatiin ko daw kayong dalawa." irita kong sabi habang nakakunot ang noo ko.


Nakakainis, parang aso at pusa kasi si Dara at ng boyfriend niyang si Chanyeol. Away dito, away doon. Iisa naman ang ending, magbabati din! Parang mga tanga lang. Hahanap ng pag-aawayan kahit wala naman dapat tapos magsosorry din sa isa't isa. Buti sana kung hindi kami ang umaayos ng gulo nilang magsyota!


"Kaya nga. Kagabi pa yun text ng text sakin." dagdag ni CL.


"Tss, pabayaan mo siya. Ganun talaga dapat, kung gaano siya katiyaga sakin nung nililigawan niya ko-- ganun din dapat siya ka-consistent ngayong girlfriend na niya ko!" nagcross arms si Dara.


"Grabe ano bang gusto mo?" nagtatakang tanong ni Minzy


"Simple lang, consistency." proud niyang sagot.


Napailing ako, "Consistency kamo sa pag-aaway. Palibhasa gusto mong hinahabol habol ka. College na tayo, hindi na tayo mga bata."


"May punto ka dun." baling sakin ni Minzy


Napabuntong hininga ako, "Di katulad ko, makita ko lang ang taong mahal ko.. masayang masaya na ko."


"HUGOT NAMAN PALA." sabay sabay nilang sabi.


It's been two years. Where are you my love? I'm still waiting for you. Please come back, you have no idea how eager I am to correct my mistakes..


"Psh. Osige na. Girls I have to go." tumayo na ko, "Bye! I love you girls!" at tumakbo na ko palabas ng coffee shop.


May tumigil na kotse sa tapat ko. Bumaba ang window at nakita ko kung sino ang nagmamaneobra nito.


"Bakit?" tanong ko dito.


"Hahatid na kita sa inyo." paanyaya sakin ni Kris.


Ang kulit talaga ng isang 'to. Sinabi nang wala siyang aasahan sakin e. Iisang lalaki lang ang gusto ko, at siya lang ang lalaki para sa'kin!


"Hindi na. Kaya ko na." ngumiti ako sa kanya.


"Wag nang matigas ang ulo mo. At least let me drive for you." nangungusap ang mga mata niya.


"Fine." at wala na kong nagawa kundi sumakay sa kotse niya.


Matapos ang ilang minuto ay tumigil din ang kotse niya sa tapat ng inuupahan ko. Malapit lang naman kasi ito sa school ko.


Agad akong bumaba sa kotse ni Kris.


"Salamat. Ingat ka." ngumiti ako sa kanya at kumaway.


Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan ni Kris bago ako maglakad patungo sa bahay.


Nang may mapansin ako. Bouquet ba yun?


Agad kong lumapit sa bouquet of roses na nakita kong nakalapag sa doormat ng bahay ko. Kinuha ko ito at inamoy.


Kulay puti ang oras, ang bango pa. Akmang kukunin ko na sa bag ang susi sa bahay nang may kung anong malaglag.


Isang maliit na box?


*Dug Tug!! Dug Tug!! Dug Tug!!*


Tumitig ako sa rosas. At nakita kong may maliit na card na naka-attach dito.


Lumunok ako ng ilang beses bago buksan ito at basahin ang nakasulat.


'You think you can escape me? Wear this ring and marry me. Be my slave forever, Park Bom. Tss, you better wear this ring when I see you, or else...'


Nabitawan ko ang bouquet. At awtomatikong dumaloy ang luha sa pisngi ko.


Nanginginig kong pinulot ang itim na maliit na box na may kulay pulang ribbon. Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakatali ng laso at binuksan ito. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang mamahaling singsing na may malaking diyamante. Kinuha ko ito at dahan dahang isinuot sa palasingsingan ko.


Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at agad na nag-compose ng message,


'I'm getting married..'


Then I pressed send.


--[ The End ]--

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon