Chapter 00: Life Of An Ordinary Girl

16.3K 169 9
                                    

[ BOM'S POV ]


"Hoy Bom! Bumangon ka na nga diyan. Batugan ka! Kanina pa kita inuutusan hindi ka sumusunod!" binulyawan nanaman ako ng tita kong masungit.


Kailan kaya magbabago routine ng buhay ko? Ganito nalang ba kada araw? Sawa na ko sa talak ng tita ko na walang ibang napansin kundi oras ng paggising ko. Wala namang masama na magkaroon ako ng sapat na oras sa pagtulog. Aish.


Bumangon ako at kinamot ang ulo ko, "Eh pano babangon kanina tita eh tulog pa ko nun! Ngayon gising na ko tita! Parang armalite kasi yang bibig mo." pinadabog dabog ko pa ang paa ko habang pababa ako ng hagdan.


"Anong sabi mo?! Gawin mo ng maigi ang inuutos ko sayo ah! Mamamalengke lang ako dahil wala tayong kakainin! Wag na wag mong iiwan dito sa bahay at ikaw lang ang tao! Osige na." sumunod siya sakin sa pagbaba ng hagdan.


"Psh, batugan daw. Siya batugan kasi panay utos. Pati paglaba ng panty niya i-uutos niya sa'kin.. di na nahiya." bulong ko pa sa sarili.


"May binubulong ka diyan?!"


"Wala po. Mine-memorize ko lang po yung script ko sa role play na'min." sinamaan ko pa siya ng tingin ng hindi niya nahahalata.


Maigi pa kapag may pasok eh, at least di ako ginagawang katulong sa eskwela. Dito pati paglaba ng panty ni tita ako nagawa! Nakakaasar talaga.


Nakaalis na si tita. Iniwan sakin yung ga-bundok na labahin. Hays. Pinatugtog ko nalang ang paborito kong kanta sa cellphone ko. Ang hirap ng buhay, napa-pahid nalang ako sa tumatagaktak na pawis ko habang nagkukusot ng damit.


Agad akong tumayo nang malapit na ang chorus ng kantang pinatugtog ko.


"Asereje ja reje." umindak ako sa tugtugin habang kumekembot, sinasabayan ko ang ibang linya na alam ko. And the rest? Hula hula. Pero wala akong paki, ang alam ko lang masaya na kong nakakapaglaba ng may background music.


"Whooooooooooo!"


Later..

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon