Chapter 24: Must Explain Further! (Part II)

3.6K 56 3
                                    

"He he he, ikaw pala." ngumiti ako ng payak sa kanya.


"Yea, we met again." sabi pa niya bago hawakan ang pulso ko at tulungan ako sa pagtayo.


Hala, nakakaconscious naman. Nakita niya 'ko na ganito ang hitsura ko. May muta pa ba ko? Magulo ba buhok ko? Mabaho na ba ako? Yung mukha ko kaya, hindi pa naman ako nakapagpulbos. Yung hininga ko kaya? Baka mabaho kapag nagsalita ako. Ano baaaaaaaaaa! This is driving me crazy.


"A-anong g-ginagawa mo dito?" my voice came out soft, and alluring.


"Paying a visit. But it seems like you're busy playing hide and seek with your buddies." ngumisi siya. Fck, ang gwapo!


Kaharap ko ngayon si white hair. Sa pagkakatanda ko, Taeyang ang pangalan niya. At nandito siya para bisitahin akooo! I feel honored. 


"Uhm, hahaha! Hindi naman. Bakit mo pala ako binibisita?" takang tanong ko, pansin ko pang malagkit ang titig sakin ng tatlong ugok kong mga beshie pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.


"Because I wanted to see you?" sagot nito na para bang sinasabi niyang obvious masyado ang sagot sa tanong ko.


"Sa anong kadahilanan?" there has to be a reason, or two.


Napakamot siya sa batok niya, "Well, I wanna make sure that you're safe. Did he hit you?" pabulong niyang sabi.


"Why would he? Of course not." at hindi ako makakapayag na saktan niya ko.


"TOP find it hard expressing his feelings, it may be the reason behind his rough actions toward you." seryosong seryoso ang tono niya.


Anong tinawag niya kay Seung Hyun? TOP? Kung sa bagay, hindi ko pa siya tinatawag sa pangalan niya kaya pa'no ko malalaman kung ano ang dapat na itawag sa kanya? Or at least I thought that I never did, wala kasi akong matandaan. Wala akong ibang narinig mula sa mga katulong niya, driver niya at pati narin mga kaibigan niya kundi 'master'.


At sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko iintindihin ang sinabi niya. Hindi naman ako manhid, pero malabo kasi. Malabong malabo.


Bago ko siya sagutin ay palihim kong sinilip ang oras sa cellphone ko, cellphone kong kelan ko lang nalaman na iPhone pala. Napagtanto kong kailangan na pala naming pumasok, pero hindi ako pwedeng sumama dahil marami akong kailangang malaman. Si Taeyang ang sasagot sa mga tanong na matagal ko nang hinihingan ng kasagutan. Mga bagay bagay tungkol kay Choi Seung Hyun.


Lumingon ako sa mga beshie ko at ginesturan sila na mauna na. 


They mouthed the word 'bakit?'


'Basta' I mouthed.


'Kwentuhan mo kami mamaya.' CL mouthed.


Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon