Chapter 02: Add Some Fire

6.1K 103 12
                                    

Nasagasaan ang Bruno ko!! O_______O


"Juuuuuh juuh juhhh" nag-whine ang aso kong si Bruno.


Tumakbo ako palapit kay Bruno. 


Omo, Bruno my loves buti naman at okay ka lang.. bati na tayo, kahit hindi mo na ibalik ang adobo ko. Kahit favorite kong ulam yun, mas mahalaga ka parin. I love you Bruno. :"(


Nakita kong bumaba ng sasakyan yung driver na muntik nang masagasaan si Bruno.


Sunugod ko agad ito.


"Hoy ikaw!! Manong driver!! Sa susunod, pwede magdahan dahan ka sa pamamaneho?" nakapamewang pa ko sa harap niya, "Alam mo kasi, itong aso kong si Bruno" tinuro ko pa si Bruno, "ay ga-muntik mo nang masagasaan!! Pa'no kung nasagasaan talaga ang aso ko?!! Kaya mo bang bilhin ang buhay ng aso ko?!! Haa?!! Kaya mo ba? Hindi yun matutumbasan ng pera lang!! Mahalaga sa'min si Bruno!! Tatlong taon na yan sa piling na'min tapos mamamatay lang sa kapabayaan mo?!! Ang hirap sa inyong mga driver, mga irresponsable kayo!! May iba pa nga diyang makakapal ang mukha na naghihit-and-run!! Mga suwail!! PWE." hiningal pa ko sa haba ng speech ko.


Tinanggal ni manong driver ang shades niya.


Ang gwapo >O<


"I'll pay for the damage." nilabas pa niya ang wallet niya at dumukot ng ilang libo, "Siguro naman sobra sobra na ang twenty thousand?" nilahad niya ito sa'kin.


"Grrrrrrrrrrr!! grrrrrrrrr!! Rawrrr!! Rawwrrrr!!" lumalabas pa ang kumpletong ngipin ni Bruno sa gigil.


"Bruno, behave." naghand gesture pa ko sa masunurin naming aso, tumahimik din naman agad 'to.


Bumaling ako sa kausap ko, "Alam mo mister?!! Ang impokrito mo no? Tingin mo sa'men? Walang pera?!! Simpleng sorry lang sana ayus na.. Pero hindi eh!! Gwapo ka pa naman sana, kaso antipatiko ka!!" kunuha ko mula sa kamay niya ang pera at hinagis ito sa dibdib niya, "di ko kailangan ng pera mo!!" yun lang at tumalikod na ko sa direksyon niya.


"Tara na Bruno." at sumunod naman agad sa'kin ang aso ko.


"Hey!! Walking doll!!"


He called me what?!!


Galit akong lumingon sa kanya.


"We'll meet again." then he smirked.


*


Argh! Ang weird nung lokong driver na yun ah! Akala mo kung sino. Patay siya sa'kin kapag nagkita ulit kami! Napaka niya!! Arghhhh! Akala mo talaga kung sino! Kanyang kanya na pera niya! Hindi lahat nabibili ng pera, maski ang buhay ng aso ko.


Nakatitig sa'kin ang aso ko with his puppy eyes, nagpapaawa effect siya dahil may kasalanan siya sa'kin.


Inubos lang naman niya ang pagkaing para dapat sa'kin.


"Tch, pasalamat ka mahal kita Bruno." 

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon