Chapter 28: Bitter Sweet Symphony

3.2K 48 4
                                    

[ DARA'S POV ]


"Bwisit kasi. Bakit ba kailangan pang mag-aral. Di naman kasi kailangan sa buhay to! Mag-aaral, magtatapos, magta-trabaho, mamamatay! Bwisit na buhay to! Dami dami pang bitbit na libro! Hindi naman ginagamit! Bwisit! Bwisit! Bwisit!" 


"Habit mo bang kausapin ang sarili mo?" 


Napa-make face nalang ako habang nasa likuran ko ang lalaking nangengelam ng buhay ng may buhay.


"Ts. Wag mo kong pakelaman. Hagis ko sayo tong mga libro ko e."


"Ganyan ka ba talaga sa boyfriend mo?"


Unti unti akong humarap sa kanya.


"Ang kapal ng mukha mo, nagpakita ka pa sakin!" nangungunot ang noo ko.


"Natural magkikita tayo, iisang paaralan lang naman pinapasukan natin. Di nag-iisip." pabulong niyang sinabi ang huling parte ng sentence niya pero sakto lang para marinig ko.


Tumalikod ako sa kanya, "Ayaw na kitang makita! Sayang, gwapo ka pa naman!" akmang maglalakad na ko nang magsalita siya.


"Ts. Di mo na kailangang magpacute sakin. Sige na, hahatid na kita."


Napalingon ako sa kanya,


"Alam mo Chanyeol, okay ka naman e. PAKELAMERO KA LANG. Che!" pagkasabi niyon ay agad akong pumara ng taxi at sumakay dito.


[ BOM'S POV ]


Pilit kong kinakalimutan ang mainit na tagpo kagabi, pero kahit na anong gawin ko hindi ko makalimutan 'yun.


Lalo na ang sinabi niya.


Na kanya lang ako.


Dapat ba kong matuwa? Na ayaw niya kong mapunta sa ibang lalaki? Na gusto niya siya lang? O dapat akong mainis dahil pinagdadamutan niya ko? Ano ba kasi talaga? Ano bang dapat kong gawin?


Napabuntong hininga ako.


Hindi ko akalaing kailangan kong baguhin ang plano ko dahil lang may nararamdaman na ko sa kanya. Ayoko nang manggulo. Kailangan ko umiwas, kailangan kong lumayo.


*


"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" kaharap ko sa hapagkainan si TOP.


Nakakagulat para sakin na kinikibo na ko ngayon ni TOP sa harap ng hapagkainan. Dati rati ay hindi naman ganito. Naisip ko tuloy, na kung kelan nakapagdesisyon na ko ay doon pa ko mahihirapan na isakatuparan ito.

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon