Chapter 09: Unbearable Situation (Part II)

4.2K 71 4
                                    

"Uhmm.." nahihiyang sabi ko paglabas ko ng dressing room.


Blangko ang ekspresyon sa mukha niya.


Jerk! Ano ka ngayon? Gandang ganda ka sa'kin no? HAHAHA!


Suot ko ang isang white printed dress, hindi siya eleganteng tingnan. COOL siyang tingnan. Maigsi lang ito at hapit sa katawan ko. Litaw ang mahaba at makinis kong legs, kitang kita rin ang hubog ng katawan ko. Pinarisan ko pa ito ng pink dangling earrings na hugis diamond. Dalawang singsing at isang pointy collar necklace, kulay bronze itong lahat. Nagsuot pa ko ng high heels na kulay bronze din.


"Pwede na 'yang suot mo." nauna na siya sa paglalakad.


Psh! Ganun lang yun? BUWISIT talaga siya sa buhay ko!


Sumunod ako sa kanya sa paglalakad.


Napalanghap ako ng sariwang hangin pagkalabas ko ng mansyon. Ang saya saya ko! Sa wakas nakakagalaw na ko ng malaya, hindi katulad dun sa kwarto ko. Nakakabagot doon. Hayss, nakita ko nanaman ang itsura ng mansyon niya mula sa labas. Napakalaki talaga, tapos malawak din ang swimming pool. Maganda ang mansyon niya, sa loob man o sa labas nito.


"Saan mo ba ko dadalhin?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.


Nakatitig ako ngayon sa likod niya habang naglalakad siya. Ang cool niya sa suot niyang damit, ngayon ko lang napansin. Pero kung sabagay, gwapo naman talaga 'tong loko na 'to kahit anong suotin niya eh. =___=


"Puro ka tanong, sumunod ka nalang." ni hindi manlang siya lumingon sa'kin.


NAPAKASUNGIT NIYA TALAGA!! ANG SARAP NIYA SIGURONG HAMBALUSIN SA MUKHA! NAKAKAINIS!! NAKAKAINIS TALAGA!! NI HINDI MANLANG AKO PINURI SA SUOT KO!! NAG-AYOS PA MAN DIN AKO NG TODO DAHIL NILAIT NIYA KO KANINA!


"O-okay."


Ang haba pa ng nilalakad namin! Kalalabas palang namin ng mansyon pero nasakit na ang mga paa ko. Napakalaki naman kasi ng bahay niya eh! Hinihingal ako agad, sa simpleng pagbaba lang ng napakaraming hagdan ng mansyon nila. May chance pa ko para magpalit ng saplot sa paa.


"A-ano.." umpisa ko.


H'wag nalang kaya? Baka barahin niya lang ako.


Pero nasimulan ko na.


"Pwede ba kong bumalik sa loob.. p-para palitan yung heels ko?" nahihiya kong sabi. Totoong nahihiya ako, nasa labas na kasi kami. 


Tumigil siya sa paglalakad at marahas na lumingon sa'kin.


Sabi ko nga hindi pwede eh =____="


Leche ka talaga!! 


Nagpunta kami sa gilid ng mansyon, meron siyang garage doon.


WOW!! O___________O


Parang parking lot lang ng SM ah?


Napakadaming sasakyan, iba't ibang klase.


Grabe, hanga na ko sa kayamanan niya. Ang yaman niya grabe! Mukha pang branded ang mga sasakyan niya! May gas naman kaya? -_____-


Nilabas niya ang susi niya, at lumapit sa isang kulay Maroon na sasakyan. 


Convertible ata. .__.


At dahil wala akong alam sa mga brand ng sasakyan bukod sa Lamborghini at Limousine, hindi ko alam kung anong sasakyan 'yon.


Naghahanap siya ng tamang susi, napakadami niya kasing sasakyan.


Nang mahanap na niya 'yon ay agad niyang binuksan ang pinto ng driver's seat.


Sumakay siya sa loob.


Kaya naman kumilos na ko at sumakay sa backseat.


"The f*ck? Gagawin mo kong driver?" napakaarte naman nito.


Edi lumipat sa harap, problema ba 'yon.


Agad akong bumaba ng sasakyan at lumipat sa harap.


"Wear your seatbelt."


So I did.


At pinaharurot na niya ang sasakyan.


The heck? Kaya niya pala ako pinasuot ng seatbelt, dahil napakabilis niyang magpatakbo ng sasakyan! Parang lilipad na 'to sa sobrang bilis. Baka naman mabangga kami sa bilis niyang magpatakbo! O di kaya naman tumaob ang sasakyan. Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa lalamunan ko. May kung ano siyang pinindot at agad ngang bumaba ang bubong ng sasakyan.


"Bagalan mo naman." kalmado kong sabi.


Pero sa loob loob ko? Sobrang nagpapanic na ko.


Pero imbes na bagalan niya ay lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo nito. Nanahimik nalang ako, useless naman palang pakiusapan ang isang 'to.


Maya-maya ay bumagal din ng kaunti ang pagpapatakbo niya.


Nilinga ko nalang ang tingin ko sa labas, sa bawat gusaling nadadaanan namin. Yung mga napapanuod ko sa tv, natayo yung iba mula sa upuan nila kapag nakasakay sila sa isang convertible na sasakyan. Pero sa kalagayan ko, imposible yun! Baka maya-maya tangayin pa ko ng hangin sa sobrang bilis ng sasakyan.


Hindi ako nakatulog sa biyahe namin. Sinong makakatulog? Buwisit tong Seung Hyun na to!


Ilang minuto pa ay tumigil na kami sa tapat ng...


"Dinala-mo-ako-sa-isang-BAR?"

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon