Chapter 13: The Real Anger (Part I)

3.8K 54 4
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagpapahinga. Nakatitig nanaman ako sa ceiling, malalim nanaman ang iniisip. Hindi mawala sa isip ko 'yong nangyari noong nakaraang linggo.


Mahigit isang linggo na rin.


Simula nung mangyari 'yon, hindi na kami nagpapansinan. Ni hindi na nga kami halos nagkakakitaan dito sa mansyon. Pinapadalhan lang ako ng pagkain dito sa kwarto ko, na sa tingin ko positibo. Dahil sa ginawa kong yun sa kanya, swerte na 'ko at may paki parin siya sa kalusugan ko.


Pero isa lang ang klaro.


Wala nang pagbabalatkayo. Kailangan ko nang ipakita sa kanya ang totoong ako, mapapahiya ako kung magkukunwari parin akong mabait sa kanya matapos 'yong nangyari. At ayokong mangyari 'yon.


Bumangon ako sa kama.


Teka nga? Since pinakita ko nanaman na sa kanya kung ano talaga ang ugali ko, bakit hindi ko pa lubus-lubusin diba?


*Evil smirk*


*


Bumaba ako sa hagdan na para bang isang kabayo sa bigat ng paa ko, sinasadya ko 'to para kung sakaling nandiyan siya eh marinig niya. HAHAHA!


At nakita ko nga siya, nakaupo siya ngayon sa sofa ng living room niya.


Umiinom siya ngayon ng kape habang nagbabasa ng diyaryo. Nagkatitigan kami.


Pagkababa ko ng hagdan ay agad kong dumiretso sa kinaroroonan niya.


Diretso lang ang titig ko sa kanya habang naglalakad ako.


Tumigil ako sa tapat niya,


Agad siyang nagsalita, "You're not supposed to be here." cold niyang sabi habang binabaling ang atensyon sa newspaper na binabasa niya.


Ngumisi ako, "Nasaan pala ako dapat? Sa kwarto ko? Magmumukmok? Para akong preso dun." bored ang tono ko.


Ipapakita ko sa'yo.


"Go to your room." and as usual, he commanded like a boss. Hindi parin siya nakatitig sa'kin, nagbabasa parin siya ng diyaryo.


"Ayoko." taas noo kong sabi.


"Move. Now" he used his deadly tone.


Ngumiti lang ako, "How rude, you can't even stare at the person you're talking to." I said in a mocking way.


Tumitig siya ng diretso sa mga mata ko, "I said move." walang ekspresyon ang mukha niya, pero ramdam mo sa aura niya na galit siya at nagtitimpi.


"Make me." ngumisi pa ko sa kanya.

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon