Chapter 20: A Sudden Encounter (Part I)

3.5K 54 4
                                    

[ CHANYEOL'S POV ]


"Hey, lil bro! Mukhang devastated ka ah? Problema?" nakangisi pa ang utol ko sa'kin. 


What is he up to? Mang-aasar nanaman siguro 'tong utol ko, kakatapos lang magbasketball eh. Wala 'tong magawa sa buhay. Psh!


Kumunot ang noo ko, "Medyo." matamlay kong sabi.


"May I know why?" ngumiti siya ng malapad, "Babae ba?" tinaas baba niya ang kilay niya sa'kin.


Ts. What's with that expression in his face? Nakakaloko 'tong utol ko ah. Nyway, I think I need a piece of advice from him. A good idea, I've been overthinking this pass few days.


"It's about Bom. I never thought na.. mas mahirap pa pala 'to sa inaakala ko. " umiling iling ako.


"Spill it." umupo siya sa kaharap kong couch.


Napakamot ako sa ulo ko. Dahilan para magulo ang perpektong pagkakaayos ko sa buhok ko, "She's intimidating. All of a sudden she's.. Argh!"


Sumandal siya sa couch, "Why not lemme pay a visit to your school lil bro? It's been a long time since I last saw her. Para naman matulungan din kita to make a move on her."


Nagulat ako sa sinabi niya.


"Are you sure bro? The almighty Kris?! Bibisita sa YG International?!" gulat kong sabi.


Hindi lingid sa kaalaman ko na hectic ang schedule ng utol ko. He's a commercial model and a popular singer after all.


"Yeah."


..


[BOM'S POV]


Nagpunta ako sa kwarto ni Seung Hyun, at pumasok ako ng walang katok katok-- hindi din naman kasi ito nakalock.


Nagulat ako nang makitang hindi siya nag-iisa sa kwarto niya. May kasama siyang dalawang lalaki. 


Tumitig sila sa'kin, tinititigan nila ako na para bang sinusuri nila ako ng maigi.


Gwapo silang pareho. Sa katunayan ay gusto ko ang isa sa kanila. 


Hindi ko pinansin ang mga gwapong bisita ni Seung Hyun, sa halip ay binaling ko ang atensyon ko sa kanya. "Pinatawag mo daw ako?" matigas kong sabi.


"Hindi ka manlang marunong kumatok." nag-tsk pa siya ng tatlong beses bago maglakad papunta sa direksyon ko.


Ngumisi ako sa direksyon niya.


Binuksan ko ang pinto na nasa likod ko nang hindi inaalis ang tingin sa kanya, kumatok ako ng tatlong beses bago padabog itong sinara. Rude I know.


"Satisfied?" nakataas pa ang kaliwa kong kilay.


"Is that how you address your master?" napalingon ako sa nagsalita, "You should know how to bow down and respect your master. You're just a toy he bought with money. So know where you stand, commoner." 


Pinagmasdan ko ang mukha niya. Malaking kasinungalin kung sasabihin kong hindi ako naaakit sa panlabas niyang anyo.


Itim ang buhok niya, may almond shape siyang mata, matangos na ilong, mapulang labi at katamtaman ang build ng katawan niya. Pero mukha siyang babae, though I somehow envy those eyelashes.


"At sa tingin mo ba ay nasa lugar ka para sabihin yan sa'kin?" taas noo kong sabi, "Oo mayaman ka, pero hindi ikaw ang nagmamay-ari sa'kin." napalingon ako sa lalaking katabi niya-- sa lalaking gusto ko. Nakatitig siya sa'kin.


"You! What the hell--"


"Enough of this." putol ni Seung Hyun sa kanya.


Hinatak niya ko palabas ng silid.


"What do you think you're doing?" galit niyang sabi.


Pero imbes na sagutin ko siya ay tinanong ko din siya, "What's his name? The guy with white hair?"

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon