Chapter 27: Between The Lines

3.2K 56 3
                                    

"Ahm. Anong sinabi mo sa kanya? Anong pinag-usapan niyo?" tanong ko sa kanya nang paandarin niya ang kotse.


"..."


"At tsaka, saan mo ba ko dadalhin? Sinusundo mo lang ba ko?"


"..."


"Galit ka ba sa'kin? Hindi ko inaasahang pupunta ka sa school."


"Why the f*ck are you complaining? If you want to be with your guys then get out of the car and chase them." gigil niyang sabi.


What is he thinking? Is he jealous?


"Hindi naman ako nagrereklamo." tumitig ako sa mukha niyang seryoso habang nagmamaneho, "Hindi mo naman kailangang magselos."


"Jealous?! Me? Over those low class ugly pathetic hoes?!! The HELL no." pagkasabi niyon ay bumilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.


Psh, nagseselos to e. Halata masyado.


"San ba tayo pupunta?"


"Bakit ba puro ka tanong?! Kung ayaw mong sumama bumaba ka." irita nitong sabi.


"Edi tatahimik na nga."


Matapos ang sagutan naming 'yon ay naging tahimik na ang buong biyahe.


Matapos ang higit kumulang dalawang oras ay nakarating din kami sa aming paroroonan.


Napalinga ako sa paligid pagkababa na pagkababa ko ng sasakyan.


Anong lugar to? Ang dilim.. pero napakaganda ng tanawin sa lugar na to. Ang romantic. Parang yung napapanuod ko sa telebisyon.


"Anong ginagawa natin dito?" humarap pa ko sa kanya.


"Puro tanong e."


"E bakit nga? Bakit nga tayo nandito?"


"Wag kang makulit."


Naupo ako sa batuhan at tumitig sa matatayog na puno at nagtataasang gusali. 


"Sasabihin mo lang naman e."


Tumikhim siya. "Naiinis na ko."


"Sasagot ka lang kasi e."


"Kulang kulang ka ba talaga?! Na pati date hindi mo maintindihan?!" singhal niya sakin.

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon