Chapter 24: Must Run Faster! (Part I)

3.3K 45 1
                                    

[ BOM'S POV ]


"Ayy nako! Late na ko manong! Pakibilisan naman." utos ko sa driver.


Pero parang wala naman 'tong naririnig, kasi ganun parin kabilis ang pagmamaneho niya. Grabe, naunahan pa kami nung jeep sa gilid namin. Napakabagal magdrive ng isang 'to.


"Ang sabi ko, bilisan mo ang pagmamaneho! Kundi isusumbong kita kay Seung Hyun!" pagbabanta ko.


At awtomatikong humarurot ang sasakyan.


Aish, may magic word naman pala e. Pinapahirapan pa ko ng mga 'to.


Ilang sandali lang ay nakarating na ko sa school, agad akong sinalubong ng mga beshie ko.


"Beshieeeee! tara na." hinatak na ko ni Dara


"Ano ba yang mga bodyguard mo, ang lapit masyado sa'tin." bulong sa'kin ni Minzy


Umikot ako at humarap sa mga bodyguard ko, itinaas ko ang kaliwang kamay ko kung saan nakaharap ang palad ko sa kanila.


"Diyan lang kayo. Stay." utos ko habang naglalakad ng patalikod.


Napansin ko namang tumigil sila bahagya sa paglalakad.


"Stay."


"Stay." patuloy lang ako sa paglalakad ng nakatalikod.


Nagkatinginan pa sila tapos ay naglakad na papalapit sa'kin ng medyo malayo na ko sa kanila.


"Sabi ko h'wag kayong lumapit e." pero parang walang naririnig ang mga ito, patuloy lang ito sa pagsunod sa'kin. At nawala na ang gap na ginawa ko.


May binulong sa'kin si CL. At nagkatinginan nalang kaming apat bago,


"GO!"


At kumaripas kami ng takbo. 


Narinig namin ang mabibigat na yabag sa likuran namin, hinahabol nila kami! Waaaaaaaa! Run!


Lingon sa likod. o_o


Must-run-fasterrrrr


Masakit na ang mga singit ko at hinihingal na din ako, pero tuloy lang kami sa pagtakbo. Kahit pare-pareho na kaming humahangos ay magkakapit-kapit pa din ang mga kamay namin. Kung saan saan na kami lumiko hanggang sa--


"Hindi ko na kaya. HAHAHA!" sumalampak si Dara sa damuhan, nandito kasi kami ngayon sa garden. Parang naligo sa pawis si Dara, tagaktak 'to.


Ito ang kasiyahan namin, ang mantrip ng ibang tao. HAHAHA!


"Halaaaaa! Kaya mo pa yan. HAHAHA! Tayo bilis, maaabutan na tayo." hinatak siya ni CL at nakatayo naman si Dara kahit hingal na hingal na 'to.


At dahil nagmamadali kami ay nauna na kami ni Minzy sa pagtakbo, habang sina CL at Dara ay magkahawak ang kamay sa likuran namin.


Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa--


*Boogsh!*


"Awww, masakit yun ah." napahipo pa ko sa noo kong parang tumama sa pader, pareho kaming nakasalampak ni Minzy sa sahig.


"Ang tanga tanga naman e, maaabutan na tuloy kami." angal ni Minzy.


Kami kasi ni Minzy ang nangunguna, kaya naman sabay kaming bumagsak nang may makabangga kaming lalaki. 


"Sorry." ang tanging namutawi sa bibig ng lalaking nakabangga namin.


Napalingon ako sa direksyon nina Dara at CL na nakatingin lang sa'min ni Minzy habang nagniningning ang mga mata.


Bakit mukhang tuwang tuwa ang dalawang 'to? Pag-untugin ko sila e.


Nakapalibot na sa'min ang mga bodyguard na kanina lang ay tinatakbuhan namin, hingal na hingal din ang mga 'to pero parang balewala lang sa kanila. Kumbaga, ang trabaho ay trabaho kung kaya't nagtiya-tiyaga sila.


Kinulbit ako ni Minzy, kaya naman napaangat ang mukha ko para makita kung sino ang nakabangga sa'min.


At halos mapanganga ako nang mapagtanto kung sino 'yon.

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon