Chapter 26: Mission Ongoing (Part I)

3.1K 49 3
                                    

[ BOM'S POV ]


"Booom! Kanina ka pa tulala, okay ka lang ba?"


Napalingon agad ako sa nagsalita. Si Dara pala. Kanina pa kami palakad lakad sa campus, uwian na kasi, pero naisipang tumambay muna tutal wala naman kaming inaasikaso. At ayoko pang umuwi sa mansyon.


"Uhmmm, ayus lang? Bakit?" bakit ba hindi ako sigurado sa sagot ko, kainis.


"E pano, kanina ka pa walang kibo. Kanina pa kami joke ng joke dito tapos di ka manlang tumatawa. Pati nga mukha namin mukha nang joke e! Hahahahahaha! Hellooooo?" - CL


Napangiti naman ako sa sinabi ni CL, pero sa kaibuturan, may kung anong lungkot parin na kahit anong gawin ko ay hindi ko maalis sakin. Ano ba kasing nangyayari sakin? Hindi naman ako dating ganito.


Inakbayan ako ni Minzy, "Alam mo kaseeee, ang problema hindi dapat pinoproblema! Problema na nga pinoproblema mo pa! Tingnan mo kame." tumitig pa siya kina CL at Dara, "Bagsak kami kanina sa quiz pero happy lang kami!"


Nagtawanan naman kaming apat.


"O diba? Happy ka na din dapat." hinampas ako ni CL sa braso ko.


"Aray naman!" hinimas ko ang braso ko.


"Buti ka nga pasado kang gaga ka e! Sana ganyan din kami, kahit hindi nagrereview pumapasa! Hahahaha! Kaso hindi e." humagalpak ng tawa si Minzy, "Tough luck my friend, but the answer is 'No'.. why you gotta be so ruuuude~" naghahand gesture pa si Minzy habang dinadama ang paborito niyang kanta na rude.


Nagtawanan naman silang lahat.


Napabuntong hininga nalang ako habang tinititigan ko ang tatlo kong best friend na masayang tumatawa.


I'm still lucky I have these girls in my life. In my tangled life.


"Kaya wag ka nang magdrama best frieeeend, maswerte ka parin na nakapasa ka sa napakahirap na quiz. Hahaha!" pabirong sabi ni Dara, "At malas namin dahil mahirap kumopya sayo! Liit ng sulat mo e. Matanglawin pa bantay natin! Hahaha!"


"Salamat sa inyo girls, kaya naman mahal ko kayo e." matapos ay niyakap ko silang isa isa.


"Aray!" react ko nang bigla akong hatakin pabalik ni CL pagkakalas ko sa yakap namin.


Lalo akong nagtaka nang makita kong nagkatinginan silang tatlo. Isang 'knowing look' na silang tatlo lang ang nakaintindi. Kainis.


"Girl, swerte ka parin. Lingon ka sa kaliwa." mahinang sabi ni CL.


Napansin kong pinagitnaan nila akong tatlo, bahagya din kaming tumigil sa paglalakad. Sa kaliwa banda si CL, kanan si Dara at likuran banda ko naman si Minzy.


Dahan dahan akong lumingon sa kaliwang gawi.


"Wala naman ah?"


"Lingon ka sa kanan" - Dara


I did as she said.


"Wala naman e. Pinaglololo-"


"Now, turn around." utos ni Minzy.


Okayy, now what are they really into? Pag ito trip lang talaga namang malilintikan sakin tong mga 'to kahit best friends ko si-


At nakita ko ang dapat kong makita nang tumabi sa daan si Minzy.


[ KRIS' POV ]


Nasan na ba yung babaeng yun? Saan saan nagsususuot e, kanina pa ko paikot ikot dito sa campus.


Naipikit ko nalang ng mariin ang mga mata ko at napabuntong hininga ako.


Napasabunot na ko sa buhok ko at akmang tatalikod na, nang sa wakas ay bumungad din sa harap ko ang babaeng kanina ko pa hinahanap.


Andito lang pala ang babaeng 'to.


Akmang lalapitan ko na siya, pero hindi pa ko nakakadalawang hakbang nang may lalaking humila sa kanya.


%$^%&#! Sino ba yung epal na yun? Sino ba siya para hatakin ng ganun si Bom? Nakakainis.


Para bang may kung anong tumulak sakin para sundan sila. May sariling isip ang mga paa ko.

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon