Chapter 14: Chocolates And Corn

3.7K 65 5
                                    

Tumingin ako sa kanan at kaliwang gawi. Walang tao! Yesss!! Mukhang tulog na ang lahat, walang makakakita sa'kin.


Nagtiptoe pa ko para naman di ako makalikha ng kahit na anong ingay.


Binuksan ko ang refrigerator, agad kong kinuha ang imported na chocolate doon.


"Wala bang pagkain sa kwarto mo?"


"WAAAAAAAAAAA!!!" sigaw ko nalang dala ng gulat.


Napahawak ako sa dibdib ko. Papatayin ako ng lalaking 'to eh, pano kung atakihin ako sa puso? Bigla nalang nalitaw amfufu. Bakit ba kasi gising pa siya? Gabing gabi na eh.


Umayos ako ng tindig at akmang maglalakad, pero hinarangan niya ang dadaanan ko.


"Where are you going?"


"Sa kwarto ko." plain kong sabi.


Sumandal siya sa pader, "If you want to eat chocolates, then you may get some." 


Sa totoo lang, may chocolates naman talaga sa ref ko. NAUBUSAN lang. Sa kasamaang palad. Nahihilig na kasi ako ngayon sa pagpupuyat, at hindi ko 'yon magagawa kung walang tsokolate. Iyon ang nagbo-boost ng enerhiya ko at nagbibigay sa'kin ng lakas. At iyon din ang nagsisilbing stress-reliever ko. Kaya naman, kailangan ko 'yon! Kahit anong mangyari, kailangan kong kumain ng chocolates.


"Psh." at bumalik naman ako sa ref, kumuha nga ako ng maraming chocolates, ginawa kong pansalo ang maluwag na t-shirt kong suot ngayon.


"Good night." at naaninag kong nakapamulsa pa siyang nagtungo sa hagdan, nauna na siyang umakyat sa'kin.


Maya-maya ay sumunod na din ako sa kanya at nagtungo na sa kwarto ko.


Agad kong dumapa sa kama ko dala ang cellphone ko.


Ito ang pinagkakaabalahan ko! Wattpad. Mahilig na kasi akong magbasa ng istorya ngayon. Kesa naman magmukmok ako dito sa kwarto ko at mabaliw sa kakaisip.


*After 3 hours..*


Grabe, bumibigat na ang mata ko. Bukas ko na kaya tapusin 'tong istoryang binabasa ko? Ang sakit na ng mata ko eh. Nangangawit na din ako sa posisyon ko.


*Blink* *Blink* * *Blink*


Ay hindi! Kailangan ko 'tong tapusin ngayon, malapit na ko sa climax!!


*Swipe*


*Blink* *Blink* *Blink*


*Swipe*


*Blink* *Blink* *Blink*


[ SEUNG HYUN'S POV ]


Bakit ba ko nandito sa tapat ng kwarto niya?


This is crazy! 


Tch, bahala na.


Pinihit ko ang doorknob, and to my surprise.. hindi nakalock


Stupid talaga, hindi marunong maglock ng kwarto.


Dumire-diretso na ko sa loob, ang kalat. Hindi manlang marunong magligpit ng gamit. So unlady-like. Kaya pala no'ng una palang parang may kakaiba sa kanya. The first time I met her, akala ko nagtatapang-tapangan lang siya. Then I realized na yun pala talaga ang ugali niya. Kung hindi 'yon nangyari, hindi ko makikita ang totoong siya. But I was just kidding back then, just tripping around.. But things turn out the other way, unexpectedly.


Psh, I thought I hate her? I even called her a b*tch. No, I was just angry. And yeah, quite disappointed. But I don't hate her, in fact.. na-eengganyo ako sa pinapakita niya ngayon, somehow? She gets into my nerves at times.


Nakita ko siya.


Natutulog siya, at mukhang nakatulugan niya ang paglalaro sa cellphone na binigay ko sa kanya. Hawak niya kasi 'yon, dagdag pang nakatukod ang kamay niya sa ulo niya.


How cute.


Dang! This is so fcking gay. But hell, it's true. 


I resisted the urge to kiss her. F*ck, I think I'm not sane right now.


Kinuha ko mula sa bulsa ang cellphone ko, at parang may sariling isip ang mga kamay ko. Ito ang kusang kumuha ng picture sa babaeng nasa harap ko.


Tch, hopeless.


Napangiti ako.


Parang may sariling pag-iisip din ang mga paa ko, ito ang kusang lumakad papalapit sa kanya. Kinumutan ko siya at inayos ng kaunti ang posisyon niya. At thankful naman akong hindi siya nagising.


Akmang lalabas na ko ng kwarto, when I heard her mutter something..


"Corn."

Sold To Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon