Memory 5

1K 32 5
                                        

Sky’s POV

Bad trip naman to oh! Hindi ko alam na makikita ko pa ang babaeng may sirena ang bunganga! Dito pa sa school! At sya pa pala ang bagong beneficiary ng Mondragon foundation.

Aissshh! Kung minamalas ka nga naman!

“Wait! Sky! HUwaiit!!”

Hayy! Ayan na naman sya! Bahala ka!

“Sky! Wait! Uy!”

Ano ba’ng kailangan ng babaeng to sa akin? Bakit naman kasi iniwan-iwan pa to sa akin ni Jin, eh!

Alison’s POV

Ang bilis namang maglakad ng Sky na to! Palibhasa ang hahaba ng mga binti! Hooh! Hinihingal na tuloy si ako! Pawisan na ang kagandahan ko! Hooh!..

Gusto ko lang namang humingi ng sorry sa nangyari noong una kaming nagkita eh.

Sina Coleen kasi eh! Dahil lilipat na ako ng school, binigyan nila ako ng despedida party, pero may “dare” dapat ako. At yun nga ang “dare” ko, CREATE A SCENE. At ginawa ko ngang kasangkapan sa “dare” na iyon si Sky, na hindi ko alam, eh, magiging kaschoolmate ko pala! Kapatid pa ng kaisa-isang naging mabait sa akin sa school na to! Hay! Kakahiya!

Hinahabol ko pa rin sya nang biglang humarang ang tatlo kong kaklaseng babae na mga nanguna sa mga panlalait sa akin.

“Hoy, squatter! Saan ka pupunta? Ha?” Si Mitzie, na feeling maganda, puro naman kolorete ang mukha!

“Oo nga! Tsaka, ba’t mo hinahabol-habol si Sky, ha? O.A ka naman. Beneficiary ka na nga lang ng Mondragon foundation, gusto mo pang magpafeeling close sa mga hindi mo kauri!” Epal rin tong si Bianca oh! Tabatsoy naman!

“Pasensya na kayo ha. Hindi naman ako feeling close sa kanila, eh. May sasabihin lang naman sana ako sa kanya, kaya ko sya hinahabol.” Lalagpasan ko na sana sila,

pero bigla na lang…

<blag>

Ouch!

naglanding ang beautiful face ko sa semento!

Tinisod ako ni Fiona! Ang malditang leader nila!

Kakahiya talaga!

Nasa labas pa naman kami kung saan maraming estudyante! Mga maldita talaga! Nagtatatawa pa sila na parang mga bruhilda!

Huhu! Nadumihan tuloy ang bago kong uniform! Huhu!

Maiiyak na sana talaga ako, pero bigla na lang may humila sa braso ko patayo. Bigla ring naputol ang tawanan ng mga bruhilda at natahimik lahat ng mga estudyante sa paligid.

Pagtingala ko,..

Huhu!

Si Sky! With his hoodie and gloves!

Binalikan ako! Huhu!

“Stop doing that.” Huh? Ano ba’ng ginagawa ko?

“Fiona Novillas!”

Namutla si Fiona ng tawagin ni Sky ang pangalan nya.

Nakakatakot naman kasi ang boses ni Sky. Dumadagundong.

“Ganyan na ba kayo kayaman ngayon para mangmata ng kapwa nyo estudyante? The last time I checked, may mga loans pa rin kayo sa bangko na hindi nababayaran. Kaya hwag kang magmataas dyan! Kayong dalawa rin! Mitzie Francisco at Bianca Carlos!” Napapiksi rin yung dalawang alipores ng nakayukong si Fiona.

Will you remember My Name? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon