A/N: Dahil malapit na ang graduation namin, mag-a-update na ako. Hahaha!
Para to sa kanya na bago kong friend. hahaha
-------
Sky's POV
Naglalakad at nagmumuni-muni ako ngayon dito sa back garden ng mansion nila Grandma. Ang dami kasing tao sa lawn, baka may masagi ako don ng hindi ko sinasadya. Kahit na ba naka-tuxedo at naka-white gloves ako. Ayoko pa ring bigla na lang may matutumba roon.
“Hi Mr. Yoon.”
Napatingin ako sa may-ari ng seductive na boses na yun. Sa pagkakatanda ko sya yung pinakilala nila Auntie kanina na anak ng isang business tycoon, at ang sabi ni Jin ay matagal na raw na may crush sa akin. Mukhang ngang nakainom na rin sya.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Lumapit sya sa akin ng dahan-dahan at parang nang-aakit ang mga tingin nya. “Ayaw mo ba roon sa party? Kanina pa kasi kita hinahanap, eh. Andito ka lang pala.” At ngumiti sya nang mapang-akit sa akin. She then slowly traced the pattern on my necktie and ran her slim fingers over my right shoulder. Tiningnan ko lang sya. Na-aamuse ako sa ginagawa nya. Alam ba nya kung gaano ka-pathetic ang mga pinanggagawa nya?
“Siguro nga ayaw mo sa mga parties na ganito no? Masyado kasing maraming tao.” At tumawa sya ng pa-seductive. Napa-smirk lang ako. Kinawit nya ang dalawang braso nya sa balikat ko, almost touching my bare neck. Nilapit nya rin ang mukha nya sa mukha ko at hindi ko maiwasang maamoy ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo sa hininga nya, pati ang matapang na perfume nito ay nakikipag-agawan din.
“Are you bored, Sky? I know a better thing to do. I’m sure you’ll like it.” Ngumiti sya muna tapos ay ginawa nya nga ang kanina ko pa nahuhulaang gagawin nya.
She kissed me on the lips.
And I mentally counted…
1
2
3
4
… blag!
Yeah. Five seconds. Five seconds bago sya nawalan ng malay. At pag gising nya mamaya, hindi na nya maaalala ang mga pinanggagagawa nya kanina at ang taong nagngangalang Sky.
Tiningnan ko lang ang nakahandusay nyang katawan sa damuhan. Pang-ilan na nga ba sya sa mga nabiktima ng halik ko?<Taas-kilay>Hindi ko na matandaan.
“SKY??”
Alison’s POV
Naiihi na talaga ako!!! Whoohh!! Ang tagal naman kasi ni Jay . Asan na ba ang c.r dito? Hooh!
***
Hayy! Buti na lang nakaabot! Hahaha! Kakahiya naman siguru kung magkalat ako rito no? Hehehe
Hmm…
Wait…
Asan na nga yung papuntang lawn?
Ang laki naman kasi ng bahay na to eh! Hindi ko na natandaan kung saan kami kanina dumaan nung maid na pinagtanungan ko. Tsk! Asan na ba yun?
Ayun, may sliding door. Hmm?? Parang garden? Pero hindi yung lawn. Magkarugtong lang naman sila siguro ng lawn.
Teka? Anu yung mga nagbubulungan na yon? Huh? Parang may mga kamalmalan na ginagawa ang mga yun ah?
Hmmm??? Masilip nga? Hindi naman sa usisera ako pero curious lang naman kasi eh… Hehe
O__O
>.<
Ba—
BAKIT???
BAKIT MAY KAHALIKAN SI SKY????
Pero…
Huh? Ba’t biglang natumba yung girlash? At etong Sky naman tiningnan lang yung girl. Girlfriend nya ba ang babaeng yan? Ba’t hindi nya tinutulungan?
“SKY??”
Gulat na napalingon sya sa akin. Tinitingnan ko yung girl habang papalapit ako sa kinaroroonan nila. Ba’t nahimatay to?
“Girlfriend mo ba to? Ba’t sya hinimatay? Hindi mo ba sya tutulungan?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya habang curious pa rin ako sa babaeng to. Baka nalugmok sa sobrang kalasingan? Pero mukhang hindi eh. Nagkakamalay na kasi. Gumagalaw na nga oh. Ayan oh!
Aya--- ay!!
Nu ba yan? Ba’t ba nanghahatak na lang bigla ang lalaking to?
“Sky? Iiwan na lang ba natin yung girlfriend mo?” Sabi ko habang humahabol sa mabilis nyang paglakad. Baka kasi maputolang braso ko pag hindi ako humabol sa paglakad nya eh. Ang higpit kasi ng hawak nya.
“Hindi ko yun girlfriend.”
o_O
“Ows?? Eh ba’t ka nya hinalikan kung hindi mo sya girlfriend? Tsaka ba’t ba biglang natumba na lang yun?” Napansin ko lang ha? Andito na pala kami sa may lawn kung saan ginaganap yung party. At kinakaladkad pa rin ako ng walanghiyang lalaking to. “Ano’ng ginawa mo run, ha? Nilason mo yun ng halik mo no?” Bigla siyang tumingin ng matalim sa akin kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.
Sabi ko nga, hindi na ako magtatanong.
“Kuya!” Biglang binitawan ni Sky ang wrist ko. Pareho rin kaming napalingon kay Jin.
Wow! Ang ganda nya! Matured na matured ang dating nya. Ganda-ganda nya talaga! :D
“Kuya! Ate Ao, andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap, ah.Buti na lang nakita mo tong si Kuya Sky.” Malapad ang ngiting hinawakan nya ang mga kamay ko tsaka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Ate, ang ganda-ganda mo! Hindi ako makapaniwala na ikaw talaga to Ate! Para kasing ibang tao ang kaharap ko ngayon! Hindi ba Kuya?” Pareho kaming tumingin kay Sky. Pero nakakunot ang noo nya at sa iba nakatingin. Nakatingin sya kay?
Kay Jay?
Si Jay naman ay parang naiilang sa ginagawang pagtingin sa kanya ni Sky. “Sino ka? Ba’t mo kasama ang kapatid ko?”
Pareho uli kaming napatingin ni Jin kay Jay. Huh? Pati si Sky hindi sya nakilala? Hahaha!
“Kuya talaga!” Hinampas sya ni Jin sa balikat. “Si Jay yan Kuya. Iba ang itsura nya no? Kaya hindi mo sya nakilala. Hehehe.”
“Talaga? Si Jay yan?” Hahaha! Nakakunot pa rin talaga yung noo nya.
“Oo nga, Kuya. Si Jay yan. Huwag mo na syang tignan ng ganyan kasi para syang specimen kung makatingin ka eh.” Pagkatapos syang sawayin ni Jin ay ako naman ang hinarap ni Jin.
Kung kay Jin ko na lang kaya siguru itanong?
“Ang kulit talaga ni Kuya.”
“Ahmm.. Jin? Pwedeng magtanong?” Curious talaga ako eh!
“Oo naman, Ate. Ano ba yun?”
“Eh, ano kasi eh…
May.. may..”
“Jin Aaliyah..” Pareho kaming napalingon ni Jin sa nagsalita.
“Hindi mo ba ako ipakikilala sa kaibigan mo?”
^_^
“Yes, Grandma.”
:D
---
Yan! Next week naman! Hahaha
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
KurzgeschichtenSky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...
