Ambisyosa talaga sya!
Sinabi mo pa!
Naparoll-eyes at napabuntong-hininga na lang ako ng marinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga matapobre kong mga classmates.
Lunes na nga pala ngayon at dahil sa nag-overnight ako roon kina Sky kagabi kaya magkakasama kaming apat na pumunta sa school. At yun ang ipinagpuputok ng butse ng mga inggitera kong classmates. Sobrang nag-enjoy kasi ako sa weekend ko kasama ang pamilyang Yoon at nakalimutan ko na dinidiscriminate pala ako ng mga tao rito sa school.
At ngayon back to harsh reality na naman ako. Back to being the topic ng mga pang-iinsulto nila. Pero wala na akong pakialam sa kanila. Mainggit sila hangga't gusto nila!
Haayy! Hindi ba sila napapagod??
"Hey, gold digger! Nag-eenjoy ka ba'ng dumikit-dikit sa mga Yoon? ha?" at bumalik na naman si Fiona sa panlalait nya sa akin. Kinorner na naman nila ako ng mga kaibigan niyang may makakapal ang make-up.
"HIndi ako gold digger, Fiona. At hindi ako dumidikit sa kanila. Kaibigan ko sila." Pino-point out ko lang naman kung ano ang totoo di ba?
"Kaibigan, crap!" At bigla nya akong sinampal! Shocks! Kamay pa ba yung dumapo sa mukha ko? Ba't ba galit na galit sya sa akin? "Ikaw? Sigurado ka? HIndi ka ba nahihiyang tumabi sa kanila? Kumpara sa kanila, basahan ka lang."
"Eh, ikaw? Ano ka?" Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Jin pala yun, kasama si Jay. Nakacross ang mga bisig nya sa dibdib nya at nakataas ang isang kilay na nakatingin kay Fiona.
"Bakit ba pinagtatanggol nyo ang babaeng to? Ano ba'ng ipinakain nya sa inyo at parati nyo na lang sya nililigtas? Kahit minsan naman hindi kayo naging mabait sa amin ah? Although we always tried to befriend you naman!" Namumula na ang mukha ni Fiona habang sinasabi nya yun.
Naka-smirk naman na lumapit sa kanya si Jin. Ang taray talaga ng isang to. "Because she deserves to be saved. Unlike you." At mapang-uyam nyang tiningnan si Fiona mula ulo hanggang paa. "Leech."
Kung kanina namumula na si Fiona, mas lalo namang pumula ang mukha nya ng bitawan ni Jin ang salitang yun. Nag-smirk lang uli si Jin tapos ay hinila na ako palayo.
"Hay Ate, di ba sabi ko naman sa'yo, sabihin mo sa akin pagbi-nubully ka? Masyado ka kasing mabait eh." Nakapout na sabi niya sa akin. Napangiti naman ako. Yeah, Jin may act like a bitch but she never failed to show her care for her friends.
"Well, ngayon alam mo na. Tsaka hindi ako mabait no. Ayoko lang dungisan ang kamay ko pag nasampal ko yung babaeng yun." Totoo naman. Pag hindi ako nakapagpigil, at pag ako napuno, magta-transform talaga ako into incredible hulk! Kung hindi ko nga lang inaalala yung scholarship ko eh. Hmp!
>.<
"Owws? Talaga ate? Kaya mo'ng manampal ng tao?" Nakangising tanong sa akin ni Jay. At talagang biniro pa ako nito ha?
"Oo naman. Gusto mo ng sampol?" Tinaas ko ang palad ko to emphasize.
"Ay ayoko! Sige lang, kahit wala nang sampol, naniniwala na ako." Nakataas ang dalawang kamay nito na parang sumusuko at umiling-iling pa. Natawa naman kaming dalawa ni Jin sa reaksyon nya.
"Mga babae talaga, mga bayolente." Mahina lang ang pagkakabulong ni Jay pero umabot yun sa tenga ko. Napangiti na lang ako kasi kay Jin na naunang naglalakad sya nakatingin habang binubulong yun.
Ano kaya ang pinaggagagawa ni Jin sa batang to, para masabi nya yun? Haha
"Si Kuya. Kuyaaa!!" Tumakbo si Jin palapit kay Sky na huminto nung tawagin ni Jin. Nakasunod lang naman kami ni Jay. "Kuya,, nako! Buti na lang wala ka roon kanina! Alam mo ba? Binully na naman nung Fiona'ng yun si Ate Ao. Pinatikim ko nga ng pagmamal..." Hindi na natapos ni Jin ang pagsusumbong nya nang lampasan sya ni Sky at dali-daling lumapit sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Bakit? Mataman kasi syang nakatingin sa kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/3676884-288-k959404.jpg)
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Short StorySky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...