Alison’s POV
Hala! Nakalimutan ko ang ID ko! Aissh! Ba’t ba napakakalimutin ko? Hangos tuloy akong napabalik sa second floor ng bahay namin.
Oh, di ba? Second floor? Haha… Mayaman kami? Haha… hindi ah… Nasa middle class lang kami. Simple lang ang bahay namin at simple lang ang pamumuhay namin. Pero ngayon, mag-aaral ako sa St. Anthony’s College, Yey!
Kasi nagka-scholarship sa dati kong school at sinuwerteng sa isang daang nagtake ng exam at interview, ako ang nakapasa. Matalino kasi itetch! Haha! Pero nagtataka ba kayo kung bakit ngayong fourth year pa ako magtatransfer? Eh, kasi naman, yung scholarship na’yon ang magiging ticket ko para makapasok ako sa university na gusto ko. Kasali kasi yun sa benefits, eh. Basta mataas lang ang mga grado ko. Angas no?
Hehe! Pero mukhang male-late ako nito ah! Naku naman! Nakipagsiksikan pa talaga ako sa bus para lang hindi malate ha! Whew!
Pagdating ko roon, namangha ako sa karangyaan ng eskwelahan. Iba na talaga kapag private school! Ang ganda kasi talaga ng St. Anthony’s.P ang-mayaman talaga! Parang hind bagay ang ganda ko rito. Pero keribels to! Aja! Tira-tira! Hooh!
“Class, may bago kayong kaklase, siya ang bagong beneficiary ng Mondragon Foundation Scholarship, kaya maging mabait kayo sa kanya. Intiendes?” Wow! Ang sungit naman ni Maam Alapaap! Talo pa ang mount everest sa tass ng pagkakaangat ng kilay! Naka-blood red lipstick pa! Mahihiya si Miss Minchin ng Princess Sara nito sa kanya. Haha. Pero mukhang mas masungit ang mga kaklase ko..
“Which slam did you came from, loser?”
“Ganyan na ba ka-trying hard ang mga mahihirap ngayon?”
Ouch! Kung wala lang tayo sa loob ng classroom, kanina ko pa kayo kinalbo, eh! Mga mapangmata! Kala mo kung sinong magaganda? Mukha namang mga ipis! Cockroach-face!
Napaismid na lang ako sa kanila at dumiretso sa tinurong vacant seat ni Miss Alapaap. Lahat sila mapang-uyam na nakatingin sa akin. Binigyan ko na lang sila ng pinakamaganda kong ngiti. May motto kasi kami eh, "Sa harap ng mga insecure, ngumiti ka lang at ipakitang dapat nga silang mainsecure!" Yeah, boy!
Pero sana naman may kakampi rin ako rito kahit isang tao lang no? Ang hirap kayang maging against the world ang peg, no? Ang kawawa kong tignan! Huhu!
Ang sasama nila! Bakit ganun ba sila makalait? Mas maganda pa ako sa inyo! Mga tipaklong! Huhu!
“Ate, ba’t ka umiiyak?”
“Ay tipaklong!” Napatalon ako sa gulat mula sa kinauupuan ko sa damuhan malapit sa may field. Nag-iisa nga ako. Loner nga ang peg, di ba?
“Hihi! Nakakatuwa ka naman pala, ate.” Isang cute na half-Korean girl pala. At tumabi sya sa akin. May mga mababait pa pala sa eskwelahang to!
“Ako nga po pala si Jin. Second year. Ikaw, ate?” Jin? Panglalaki yun ah? Pero wapakels na lang nga! Inabot ko ang kamay ko sa kanya at nakipaghandshake.
“Ako si Alison Olivarez. Fourth year na ako, pero kakatransfer ko pa lang dito.”
“Ah! Ikaw yung bagong scholar?” Ang cute nya! Korean na korean ang dating ng mga facial expressions niya! Hehe. Para siyang barbie doll.
“Oo.” 'Di ko mapigilan ang ngiti ko. Kusa kasing lumalabas eh.
“Hello, Ate Ao! Buti naman nakakilala na ako ng isa sa mga scholars dito sa school.” Ang cute talaga nya! Buti pa sya mabait! 'Di gaya ng mga cockroach face na mga kaklase ko.
“Nice meeting you, Jin. Salamat naman kasi mabait ka sa akin. Pero bakit Ate Ao ang tawag mo sa akin?” Bakit? Alison ang pangalan ko, divah?
“Alison Olivares. A and O. Ao.” Aaahhh! Aaawww… Ang cute nya talaga! Sige na nga! Cute naman ng Ao eh… hehe…
Sana lang marami pa akong makilalang mababait dito na katulad nya!
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Short StorySky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...
