N/A: Gusto ko lang sabihin na sorry kasi ang ikli nito. Naka-focus na kasi ako sa magiging ending nito sa mrmory 24 eh, kaya nahirapan akong pahabain ito. Sana maintindihan nyo.
Dedicated to sa kabit ng asawa kong si kyuhyun. Hmp! Humanda ka sa akin! Hindi ko na papauwiin sayo si Suho! >:-P
Last Memory will be posted tomorrow night.
Si Ao ng Kara No Shounen. Ang pinagbasehan ng character ni Sky. ==>
===================================================================
"Dali, ate! Bilisan mo!"
Halos mabali ang braso ko sa paghatak ni Jin sa akin. Ghaaa! Saan ba ako dadalhin ng batang to? Hindi pa nga masyadong magaling ang kaliwang braso ko, ang kanan naman ata ang balak balian nito ng buto. Tsk!
"Te--ka! Jin!" Hinihingal na pigil ko sa kanya. "Saan ba tayo pupunta? Ha?" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pagkahingal. Grabe! Ang bilis tumakbo ng batang to! Hay!
"Basta, Ate Ao. Bilisan mo! Dali!" Hinatak na naman nya ang kamay ko at wala na akong nagawa kundi ang magpahila. Nakasunod ang tingin sa amin ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Puro nagtataka kung bakit kami tumatakbo sa corridor. Wag sana kaming mahuli ng teacher!
Paakyat na kami ng hagdan at saka ko lang nanotice na papuntang rooftop na pala kami.
"Ano'ng gagawin natin sa rooftop?" Baling ko kay Jin na nakangisi. Binuksan nya ang pinto at tinulak ako papasok dun.
"Hindi sya pumasok sa klase nya. Nakatambay lang sya dyan mula pa kanina. Pagalitan mo, Ate. Okay?" Bumungisngis si Jin at kumindat pa sa akin bago tuluyang isinara ang pinto ng rooftop. Naiwan naman ako dung nakatanga at naguguluhan.
Sino ang pagagalitan ko? Kakamot-kamot ako sa ulo na naglakad papuntang edge ng rooftop pero bago ako makarating dun ay nahagip ng mga mata ko ang isang tao na nakaupo sa may gilid at nakatalikod sa akin. Dahan-dahan akong lumapit doon at tiningnan kung ano ang ginagawa nito.
Napangiti na lang ako nang makita ko kung anong pinagkakaabalahan nito. "So? You ditch you're class para lang isketch ang mukha ko?"
Gulat na napalingon sya sa akin at kaagad na tinago ang malaking sketchpad nito. "Alison? Ano'ng ginagawa mo rito?"
Umupo ako sa tabi nya at inagaw ang sketchpad sa kanya. "Pinadala ako rito ni Jin para pagalitan ka sa pagka-cutting class mo." Isa-isa kong tiningnan ang mga sketches nya. Ang gaganda ng sketches nya. Puro mukha ko. Haha.
"Boring ang klase eh, kaya pumunta na lang ako rito." Walang-ganang sabi nya na umisod paatras para sumandal sa pader habang nakatingin sa akin.
"Kaya naisipan mong aliwin ang sarili mo sa pagsketch ng mukha ko? Ganun?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya tsaka bumalik sa pagtingin ng mga sketches ng mukha ko. Iba-ibang angle at emotions. May nakangiti, nakasimangot, nakatawa, naka-serious face. Pero ang pinakanagandahan kong pagsketch nya ng mukha ko eh, ang nakalingon kuno ako at may effect pa na tinatangay ng hangin ang buhok ko. May maliit na ngiti sa labi ko at background ko ang dalampasigan at ang papalubog na araw. Naks!
"You like that?" Napabaling ako kay Sky at nakangiting tumango.
"Kailan to?" Tanong ko sa kanya habang inihaharap sa kanya ang sketch.
"Noong nagsleep over ka sa bahay. Nung pumunta tayo sa beach para manood ng sunset. The way you look at that time, tumatak yun sa isipan ko. And I can't get you out of my head since then. Akala ko dahil yun sa naiinis ako sa'yo. Iba na pala." Natulala na lang ako sa mga pinagsasabi nya. Nakangiti sya na parang inaalala ang sandaling yun noon habang ikinukwento sa akin, then, bago nya sabihin ang huling sentence nya ay tumingin sya sa mga mata ko. Wala na yung lungkot na parating nakikita ko noon eh. Napalitan na ng iba, pero hindi ko alam kung ano. Hindi ko ma-identify.
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Short StorySky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...