Lata ako ngayon. Inaantok ako. Pero late na ako sa sinabi ko eh. Kaya eto na, UD. hehe.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kuya?"
Napalingon ako kay Jin na nakahalukipkip at nakasimangot.
"Sino ang lalaking mukhang hoodlum na yan?"
Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi nya. "Hoodlum? Haha." Sinilip nito si Tears sa may sala. Nakaupo ito sa may sofa at patingin-tingin sa paligid.
"Oo. Mukhang hoodlum ang isang yan. Kaya bakit nandito yan?" Matalim pa rin ang tingin na ibinibigay nito kay Tears habang kinakausap ako. Parang babalatan nito ng buhay si Tears.
"Stop that, Jin. Kaibigan si Tears."
"Tears?" Nandidilat at nagtataka ang mga mata nito.
"Yeah. Tears." Sagot ko sa kanya sabay ngisi.
"Weird." Sabi nito na nakataas ang isang kilay. "Ba't ganun ang pangalan nun? Tsaka ba't sya nandito?"
"Hindi ko alam kung ba't ganun ang pangalan nya. All I know is that he's also like me, that's why he's here." Seryosong sabi ko na kinagulat nya.
"Like you? He's like you?" Tumango ako. "Like you,,, in what way?"
"Like me,,, like he also has an ability." Pagkasabi ko non ay exaggerated na napasinghap si Jin at napatakip ng bibig nya.
"You mean, Kuya,,, he also has the BLOOD?"
"Yeah. He also has the cursed Blood." Natigilan si Jin sa sinabi ko at muling nilingon si Tears sa sala.
"Kung may cursed Blood din sya, ibig sabihin nanggaling din sya sa isa sa mga angkan. Pero aling angkan? Hindi naman pwedeng relative namin sya?" Pabulong at parang wala sa sariling sabi nito.
"Ano'ng binubulong mo Jin?" Parang nagising naman mula sa isang trance si Jin na gulat na napatingin sa akin. Ano'ng problema ng kapatid kong to?
"Ano'ng apelyido nya Kuya?"
Nagtataka ako pero sinagot ko pa rin ang tanong nya. "Sevilla. Tears Sevilla raw ang pangalan nya. Bakit?"
Parang natulala na naman si Jin nang marinig ang binanggit kong apelyido at parang zombie na nagsimulang maglakad papunta sa sala. Papunta kay Tears. Nagtatakang napasunod na lang ako.
"Isa kang Sevilla?" Tanong ni Jin kay Tears na nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ng kapatid ko.
"Si Jin nga pala. Kapatid ko." Obvious na obvious sa mga titig ni Tears na nagtataka sya kung sino si Jin eh.
"Ahh. Hi! Ako nga pala si Tears." Nakangiting sabi ni Tears na tumayo sabay lahad ng kamay kay Jin. Tiningnan lang naman ni Jin ang kamay ni Tears tapos ay bumalik ang tingin nito sa mukha ng lalaki.
"Ba't wala kang suot na gloves? Kung may cursed Blood ka rin, dapat ay nag-iingat ka. Pano kung may masagi kang inosenteng tao dyan at kung ano ang mangyari dun? Edi nabuking ka pa?" Parang nanay na talak ng talak si Jin. Si Tears naman ay parang natameme na lang sa kanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Jin pag nalaman nya ang ginawa ni Tears kay Alison? Haha. Baka ito mismo ang magtapon kay Tears palabas ng bahay. Haha.
"At ikaw Kuya? Ano'ng nginingiti-ngiti mo dyan?" Tss. Wala nga rito si Mama, may substitute naman.
"Bakit nandito ka? Bakit mo hinahanap si Kuya? Ano'ng kailangan ng isang Sevilla sa isang Mondragon?" Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita kong nag-iba ang aura ni Jin. Ang seryoso na ng mukha nito. Naaalala ko tuloy ang mukha ni Grandma sa kanya ngayon.
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Cerita PendekSky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...
