"Oy?"
Kinilabit ko si Sky na nakaupo sa tabi ko.
"mmm??" Yun lang ang sagot nya sa akin.
Ang hirap talaga pag artist kausap mo, basta may kaharap na sketchbook hindi ka na pinapansin. Absorb na absorb sya sa pagguhit ng kalangitan. Badtrip. Dinala-dala ako rito tapos hindi naman pala ako kakausapin..
"Nakabusangot ka na naman."
Hindi ko sya pinansin. Mas pinaigi ko pa ang pagpout. Yan yung pinaka-ayaw nya di ba? Hehe. Nu kayang gagawin nya--" RAAAAYYY!!!" Pinandilatan ko sya matapos kong tabigin ang nakagloves nyang mga kamay sa pagkakatakip sa nguso ko.
"Ang panget mo."
Grabe! Feel na feel nya pa ang pagkakasabi nun! So gay!
"Ba't mo ba kasi ako dinala rito? Hindi mo naman pala ako kakausapin." Ingos ko na tumingin na lang sa napakalawak na dagat.
Yep! Nasa dalampasigan kami ngayon. Sa malapit sa mansyon nila. Remember nyo? Ewan ko kung bakit dinala ako nito rito.
"Ayaw mo ba akong makasama?" Hindi ko sya pinansin. Mang-aasar na naman kasi to eh. Nilipat ko na lang ang tingin ko sa asul na langit. Para kasi akong malulunod sa kakatingin lang sa dagat.
"Kanina nagrereklamo kang hindi kita kinakausap, tapos ngayong kinakausap kita hindi ka naman sumasagot. Ano ba talaga ang gusto mo?" Ba... Ang bilis talagang magalit nito oh.
"Sky? Nasaan nga pala sina Jin?"
Buong araw kasi kaming magkasama pero ni minsan ay hindi ko nakita si Jin. Dati-rati naman bigla-bigla na lang susulpot yun eh.
"Nakalimutan mo na bang pinaparusahan nya ngayon sina Fiona?"
Ay! Nga pala!
"Saan ba talaga papaglinisin sina Fiona?" Curios na tanong ko. Community work for one week ang naging parusa nila. Dapat nga raw expulsion pero nagmakaawa sila eh, tsaka nagpublic apology na rin sila kaya pinatawad ko na kaya bumaba sa one week suspension at community work ang parusa nila.
Ang bait ko no? ;)
"Sa mga estero at kanal na malapit sa school." Balewalang sagot nya.
"Ha?? Eh di ba, ang dumi-dumi dun?" Pati nga yata mga public cleaners at MMDA hindi kayang linisin yun eh. Ang mga astang sosyal pa kayang sina Fiona?
"Yeah. Kaya nga parusa di ba? Saan ka ba nakakita ng parusa na madali lang?"
"Kawawa naman sila." Nangalumbaba ako at inimagine ang mga itsura nina Fiona na nagdedeclogging ng mga kanal. Ba... Wawa nga!
"Tss! Ba't ka ba naaawa sa mga yun? Eh kasalanan naman nila yun kaya dapat lang yun sa kanila." Dinampot nya uli ang sketchpad nya at nagsimula uling magdrawing.
"Tao kasi ako na marunong maawa." Sabi ko naman sa kanya na hindi naman nya pinansin.
Kaharap na naman kasi yung sketchpad. Kaya echapwera na naman ako.
"Alison."
"Oh?"
"Ao."
Bigla akong napabaling sa kanya at namula. Sino'ng hindi mamumula kung ganyan sya makatingin sa akin at ang lapit-lapit pa ng mukha nya? At muntik nang magtama ang mga labi namin? Ha?! Sino ang hindi mamumula?
Pero..
Wait...
Muntik... Muntik na!
Agad akong napaurong! Pati ang pamumula ko, umurong! Nanlalaki pa ang mga mata ko sa narealize ko! Muntik na! Muntik nang maglapat ang mga lips namin, meaning... Kamuntikan na rin sanang ma-erase ang memories nya sa akin!
![](https://img.wattpad.com/cover/3676884-288-k959404.jpg)
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Short StorySky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...