N/A: sa lahat ng magbabasa nitong Memory na to. Gusto kong magcomment kayo, kahit na smiley lang yan o question mark basta magcomment kayo. Lalo na sa silent readers. Plz!
Physically, emotionally at mentally drained na ako ngayon! Shocks! Ang hirap gawan ng ending to!!
Sa Multi nga pala, sina Ao at Akane mula sa manga na Kara no Shounen ang pinagbasehan ng mga characters nina Sky at Alison. ===>
Dedicated to my fellow manga fanatic. hello! :D
Yuki, isasabay ko sa epilogue ang paggamit ko ng ginawa mong cover. :))
Epilogue will be posted on Sunday.
=============================================================
Tears' POV
Nakatingin sya sa akin na parang nauubusan na sya ng pasensya, pero nakangiti lang ako. Gusto kong makita syang naiinis. Matagal ko rin yang hindi nakita eh.
"Teo, pwede nga yun, okay?" Nakaroll-eyes na sabi nya. "Kung hindi yun pwede, edi sana hindi nagkatuluyan ang Mama at Papa ko. Edi wala sana wala ako ngayon dito."
"Ilang percent ang success rate nun?"
"100 percent. Dahil kung hindi, edi sana hindi immune ang Mama ko ngayon. At takot pa rin si Papa na lumabas ng bahay dahil baka may masagi syang tao at magkabali-baliktad ang memorya nun. At forever na syang magmumukmuk dahil naging isa syang Jumbler.Okay?"
"Sigurado ka?" Napangiti ako ng lumaki ang mga butas ng ilong nya.
"Wag ka ngang paulit-ulit! Nakakainis ka na!" Natawa lang ako nang paghahampasin nya ako ng magazine na nahagip ng mga kamay nya.
May pag-asa pa!
Alison's POV
Maaga pa lang ay bumibyahe na kaming mga seniors ng Saint Anthony's para sa Seniors' Outing namin. Tatlong bus kami para sa limang section ng Seniors at kasama ang mga advisers ng kada section. Magkasama ang Section one at section two sa isang bus habang ang section three to five naman ay bahala na kung saang bus sasakay basta siguraduhing makakasama sila. At dahil sa ang aga pa naming umalis kanina, karamihan sa mga estudyante ay natutulog. Pati ako ay napapapikit na rin dahil sa antok. Isinandal ko ang noo ko sa bintana at sinimulang pumikit pero naudlot yun ng may kumabig sa ulo ko.
"Dito ka sa balikat ko." Sabi ni Sky na katabi ko. Dahil sa inaantok na nga ako ay sumandal na ako sa balikat nya at kumilos naman sya para mas maging makomportable ang pagkakasandal ko sa kanya.
"Sleep." Bahagya ko na lang na narinig ang sinabi nyang yun bago ako tuluyang ginupo ng antok.
Nagising ako nang maramdaman ko ang pangangalay sa leeg ko. Tumingala ako kay Sky at nakita kong nakatulog din pala sya. Umayos ako ng upo at nagpalinga-linga sa loob ng bus. Nakita ko ang mangilan-ngilang estudyante na natutulog pa rin, habang ang iba naman ay nakikipagchismisan na. Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana at tumanaw sa tanawin sa daan. Ilang minuto akong nakatingin dun sa labas ng maramdaman ko ang pagbigat ng kaliwang balikat ko. Buti na lang hindi na ito naka-cast at hindi na sya sumasakit.
"Ako naman. Nangalay ako kanina sayo, eh." Napangiti lang ako pero hindi ko na sya pinansin. Ini-enjoy ko pa ang scenery sa labas eh. Ang tagal na kaya ng byahe namin. Nakakangawit na sa pwet. At hindi na ako dalawin ng antok. Kaya wala talaga akong magawa kundi sa tumingin na lang sa tanawin sa labas. Mayamaya pa ay naramdaman kong kumilos si Sky. Ang akala ko gigising na sya pero, bigla nya na lang nilagay sa tainga ko ang isa sa earphone nya habang suot nya naman yung isa at bumalik uli sa pagkakahiga sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Will you remember My Name? (COMPLETED)
Historia CortaSky is not an ordinary boy. He has a gift. Isang special ability na itinuring nyang sumpa. He has always been living his life away from others, until he met Alison. Si Alison na pakialamera at pilit na isinisiksik ang sarili nito sa buhay nya. Magaw...
